Chapter 8

41 1 0
                                    

Hindi inaasahan ni Gabbie na mag-eenjoy sya sa pagtatrabaho sa isang toy store. Ni minsan hindi nya nasubukang mag part-time job dahil hindi naman sya pinayagan ng parents nya nang minsang i-suggest nya ang pagiging working student sa kanila. Gusto nya sanang magtrabaho para makatulong kahit papaano sa gastusin, pero mostly gusto nya lang ma-experience iyon. And now that's she's finally doing it, sobrang saya nya.

Bukod sa may ginagawa syang kakaiba - ito ang unang beses na may ginawa sya bukod sa mag-aral at magkulong sa bahay nila - may isa pang dahilan kung bakit nae-enjoy ng husto ni Gabbie ang morning shift nya sa toy store na iyon: ang may-ari ng shop.

Narinig nyang bumukas ang glass door ng shop, tumigil sya sa pagkausap sa batang lalaking customer na naguguluhan kung anong bibilhin nya: yung Luke Skywalker na action figure o si Darth Vader. Dahil biased sya at ibang tao ang naiisip nya kapag naririnig ang pangalan ni Luke Skywalker, sinabi nya sa bata na ito na lang ang bilhin.

 "But Darth Vader looked a lot cooler than Skywalker. Look!" sagot ng bata sa kanya, sabay lapit ng box ni Skywalker sa mukha nya. Pero ibang Luke ang nakita nyang papalapit sa kanya.

Ngumiti ito nang makalapit. "What's up in here?" sabi ng totoo at buhay na Luke, habang nakatingin sa kanya.

"I was asking her which of these I should buy," sabi nung bata. Itinaas nito ang dalawang box na hawak para ipakita kay Luke. "She said I should buy Luke Skywalker, but I said Darth Vader looked cooler. See? But she said Luke has a better sounding name. She even said Luke's name is cute."

Tumawa si Luke, samantalang gusto na ni Gabbie na lamunin sya ng lupa sa kahihiyan. Suddenly, she didn't find the little boy cute anymore. Kung pwede nya nga lang itapon ito palabas ng store. Kung bakit kasi ang daldal ng batang ito?

"She's so girly," sabi pa nung bata na tinutukoy sya. "You're not supposed to think a name's cute," sabay tumawa ang bata.

Nilingon ni Luke si Gabbie pero umiwas sya ng tingin. Hindi nya magawang tingnan din ito sa hiya.

"I have an idea," narinig nyang sabi ni Luke sa bata. "Why not buy Luke Skywalker and Darth Vader and when you get home ask your sister, do you have a sister?" Tumango ang bata. "Ask her which of the two she likes? You know what? The world would be a better place if boys listen to girls more. Sometimes, girls knew what they are saying."

Hindi sigurado ni Gabbie kung naintindihan ng bata ang sinabi ni Luke tumingin lang ito kay Luke nang ilang sandali pero kalaunan ay tumango naman ito saka sumagot ng: "Alright." Pinanuod nila ni Luke na bumalik ang bata sa Daddy nito na abala ring tumitingin ng mga laruan.

"So," sabi ni Luke. Lumingon sya dito. He was smiling. "My name sounds good and you find it cute?"

Damn. Is he flirting with me?

"May delivery ng stocks kanina. Gusto mong i-check?" pag-iiba nya ng usapan dahil pakiramdam nya nasa mukha na nya ang lahat ng dugo nya sa katawan. Dali-dali nyang iniwan si Luke doon dala ang natitira nyang dignidad na pinira-piraso ng batang customer.

 The world would be a better place if kids learn to hold their tongues.

That's how things are for Luke and her simula nang magtrabaho sya sa store na 'yun. Mas madalas na sya nitong ngitian at mas friendly na rin ito.

Nung unang dalawang araw nya sa store ay hindi nya ito makita. Hindi daw talaga madalas dumalaw doon si Luke o si Geoff - yung kaibigan ni Luke na kasosyo nito sa toy store business - sabi ni Angela. Once a month lang daw kung magpunta ang  mga ito doon.

Nang marinig nya 'yun, tinanggap na nyang hindi na nga nya makikita si Luke. Pero nang mga sumunod na araw, nagulat sya na bigla itong dumalaw. Napadaan lang daw ito pero nang mga sumunod na araw pa, napadalas ang pag "daan" nito.

This Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon