Kinaumagahan ay Sabado. Maagang pumunta si Gabbie sa condo ni Luke kahit pa halos wala syang tulog nang nagdaang gabi. Paano nga naman sya makakatulog kung panay ang dalaw ni Luke sa isip nya. Hanggang sa pumasok sya sa elevator paakyat sa unit ni Luke ay napapangiti sya.
Kahapon, pagkatapos mag apologize ni Luke sakanya ay sinabihan sya nitong tapusin lang kung ano ang kaya nyang labhan. Pumayag din itong gamitin sa wakas ang washing machine kaya mas napadali ang trabaho nya. Nagulat din sya nung mag alas dose at pumunta muli ito sa banyo para yayain syang mag lunch. Sabay silang mananghalian sa dining room at hindi take out ang pagkain dahil marunong palang magluto si Luke. Hindi sila nag imikan sa hapag. Pinapakiramdaman ni Gabbie si Luke dahil ang alam nya hindi basta-basta nagiging mabait ang gaya nito.
Ang hindi nya alam, seryoso si Luke sa pagiging mabait sa kanya. Nagluto ito ng menudo at niyaya si Gabbie na sumabay nang kumain dahil gusto nitong makabawi. Normally, paaalisin na nya ito kapag nag alas dose. Bihira din kasi syang magluto, tuwing gabi lang kung nasa bahay si Chris. Mas madalas syang kumain sa labas kapag mag-isa lang sya. Pero pagkatapos ng confrontation nila ni Gabbie ay narealize ni Luke na naging OA sya sa mga pinagawa nya dito. Naisip nya na kahit gaano pa kasama ang loob nya dito dahil sa ginawa nito sa kotse nya, kailangan nya ring pakisamahan si Gabbie kahit hanggang matapos lang ang deal nilang dalawa. Gusto man nya o hindi. Naiinis pa rin sya kapag naiisip nyang matatagalan bago nya magamit uli ang Mercedes nya. Iyon pa naman ang pinaka-una nyang binili na galing sa sarili nyang pera at hindi rin naman nya gustong gumastos uli para sa isa pang kotse. Masyadong maluho naman iyon. Kaya kumbinsido pa rin syang parusahan si Gabbie dahil ang ayaw ni Luke sa lahat ay mga taong hindi responsable. Babaguhin lang ni Luke ang method nya pero Gabbie still has to learn her lesson.
Ang nagpa-kilig kay Gabbie nang husto nang nagdaang araw ay nang mag-offer si Luke na isabay na sya papasok sa eskwela.
"Ha?"
"Isa lang naman ang way natin. Sumabay ka nalang sakin," medyo nahihiya pang sabi ni Luke sakanya nang magpaalam syang aalis na. Halos natapos nya na ang mga labahin. Ang plano nya ay banlawan na lang ang kaunting natira kinabukasan pagbalik nya.
Masakit ang likod, at masakit ang mga braso na nagpalit sya ng damit at inayos ang sarili saka nagpaalam na mauuna na sya. Pero pinigilan nga sya ni Luke. Bago pa man sya tumanggi ay kinuha na ni Luke ang bag nito sa kwarto at nang bumalik ay may malapad na ngiti sa mga labi. Napakurap-kurap si Gabbie nang makita nyang nakangiti ito. It was the first time he ever smiled at her.
"Let's go," natauhan sya nang magsalita ito. Hindi nya alam kung anong isasagot kaya tumango na lang sya.
Isinukbit ni Luke ang bag nito sa balikat saka lumapit sa kanya. He put his hand on her waist.
Madali namang inalis iyon ni Luke when he felt her stiffen.
"Ah. Sorry," sabi nito. He gestured toward the door. Senyales na pinapauna nya si Gabbie lumabas. Hinila-hila ni Gabbie ang bangs nya habang palabas ng pinto, pinipigilan ang sarili na ngumiti.
Sa tapat ng isang itim na motorsiklo, gaya nung nakita nyang gamit ni Cyclops sa isang X-Men movie na napanood nya, sila huminto ni Luke sa parking lot. Hindi napigilan ni Gabbie na mamangha sa ganda nun. Inakala ni Luke na takot ang reaksyon na rumihestro sa mukha ni Gabbie nang makita ang sasakyan.
"We can take the cab if you're afraid to ride on this."
"Are you kidding? Hindi pa ako nakakasakay sa ganito ka-astig na motor kaya hindi ko 'to palalampasin!" sagot nya kay Luke.
Muling ibinaling ni Gabbie ang tingin sa motor kaya hindi nya nakitang napangiti si Luke sa sinabi nyang iyon. Iniabot ni Luke sakanya ang helmet. Hindi pa sya nakakapag-angkas ng sinuman sa motor nyang iyon si Luke, bukod sa kakambal nyang si Chris.
This is going to be fun, naisip nya.
Isinuot naman agad ni Gabbie ang helmet pagkakuha nito. It has been a while since she's done something spontaneous and risky. Ang huli ay nang subukan nila ang zipline sa probinsya. Kasama pa nya noon ang Mommy nya.
"Are you coming?" tanong ni Luke sakanya. Nakasakay na ito sa motor at binuhay na rin ang makina. Noon narealize ni Gabbie kung anong pinasok nya.
Back ride. Motor. Ilang minutong pag i-invade ng personal space with a guy she's attracted with. Talk about awkwardness.
"Chickening out already?" narinig nyang biro ni Luke sa kanya. She pushed thoughts of awkwardness away. May klase pa sya. Hindi ngayon ang oras para mag-inarte. She straddled on the motorcycle.
"Hold tight," sabi ni Luke nang ilagay nya ang dalawang kamay sa balikat nito.
"Ha?"
Luke twisted around para mas marinig ni Gabbie ang sinasabi nya.
"Hindi ito carousel. Humawak kang mabuti."
"Nakakapit naman ako ha," depensa nya.
"Gusto mong madisgrasya na naman?"
Defeated, ikinalawit ni Gabbie ang dalawang kamay sa bewang ni Luke.
This is the craziest thing I've done in ages, naisip nya nang paandarin ni Luke ang sasakyan.
Ibinaba sya ni Luke sa mismong building kung saan ang klase nya.
"I'll see you tomorrow," sabi ni Luke sa kanya nang ibalik nya dito ang helmet.
For the very first time simula nang magkakilala sila, nginitian nya ito. She can't help it.
Baka nagkamali ka lang ng pagkakakilala sakanya, Gabbie, sabi ng isip nya habang pinanood nya itong umalis.
Inayos ni Gabbie ang buhok sa salaming dingding ng elevator. Ngumiti sya sa repleksyon nya pero agad naman nyang tinanggal iyon nang makitang nakatitig sa kanya ang babaeng kasakay nya sa elevator. Sinagip naman sya ng pagbukas ng pinto ng elevator sa floor ng unit ni Luke. Taas noong lumabas si Gabbie. Dire-diretso nyang tinungo ang kwarto ni Luke pero ilang hakbang mula sa elevator, narinig nya ang pagsara nito. Lumingon sya para siguruhing wala na nga ang babaeng kasakay nya.
What were you thinking, Gabbie? Kahit kelan nakakahiya ka!
Hinila-hila nya ang bangs nya na para bang maaalis nun ang kahihiyang naramdaman nya sa loob ng elevator habang naglalakad sya papunta sa unit ni Luke.
Nang marating nya ito, pinindot nya ang doorbell. Ilang saglit pa bumukas ang pinto. Nginitian niya si Luke pero sa halip na batiin sya o papasukin ay kumunot ang noo nito.
"Sino ka?" narinig nyang tanong ni Luke sakanya.
BINABASA MO ANG
This Thing Called Love
Novela JuvenilMatapos ang aksidente ng Mommy nya tatlong taon ang nakararaan, nagbago na ang pananaw ni Gabbie Mendoza sa mga mayayaman. Para sa kanya, lahat ng mayayaman ay mapagmataas, mayabang, matapobre at walang ibang mahalaga sa mga ito kundi pera. Ngunit s...