Natigilan si Gabbie sa tanong na iyon ni Luke.
Anong drama 'to? Bigla hindi nya ako kilala?
"Ah... teka. Ikaw ba si Gabrielle?" Binuksan ni Luke nang mas malaki ang pinto. "Come in." Pumasok naman siya.
Is this some kind of a game? Let's play I don't know you? Yun ba? Suntukin ko kaya uli 'tong mokong na 'to?
Isinara ni Luke ang pinto. "Sorry ah. Nawala kasi sa isip ko na darating ka nga pala. Lumabas lang saglit si Luke."
Lumabas? Si Luke?
Napansin siguro ni Luke, o kung sino man sya, ang pagkalito sa mukha ni Gabbie.
"Oh. Hindi ako si Luke! He didn't tell you, did he? I'm his twin. I'm Chris, by the way," inilahad nito ang kamay sa kanya. Tinitigan ni Gabbie si Luke. Pinagti-tripan ba syang lalaking 'to?
Ngumiti ang "twin" daw ni Luke. "Hey, hindi kita ginu-good time. Chris talaga ang pangalan ko. Hindi ako si Luke. Mas mabait naman ako sa kambal ko, di ba?"
In fairness, may point sya doon. Hindi ako kakausapin o ngingitian ni Luke ng ganito.
Inabot nya sa wakas ang nakalahad na kamay ni Chris. "Gabbie," mahina nyang sabi.
"Nice to finally meet you, Gabbie," sabi nitong nakangiti.
"Nice to meet you, Chris. Ngayon lang kita nakita dito. Tsaka hindi ko alam na may kambal si Luke."
"Typical of him. Wala naman talagang nakakaalam na may kambal sya bukod sa mga taong matagal na nyang kakilala. Minsan nga iniisip kong kinahihiya ako ng kambal ko."
Ngumiti si Gabbie. "Baka natatakot lang syang malaman nilang mas gwapo ang kambal nya kesa sakanya," sagot nya.
Tumawa ng malakas si Chris.
"Actually, hindi lang ikaw ang nagsabi nyan."
Ngayong nalaman nyang hindi si Luke ang kaharap ay saka nya napansin na hindi nga magkamukha ang dalawa. Well, at least may mga pagkakaiba silang magkapatid. Gaya halimbawa ng walang dimple si Chris kapag ngumingiti. Kabaligtaran ni Luke. Pareho silang maputi, pero sa tantya nya ay mas matangkad si Luke kesa kay Chris. Mas bata rin ang mukha ni Chris kaysa sa kapatid nya. Paano ba naman, madalang nyang makitang ngumiti si Luke. Lagi itong seryoso, samantalang madali namang patawanin si Chris.
"Marami ka bang gagawin ngayon?"
Gabbie shrugged. "Magbabanlaw lang ng labahing naiwan ko kahapon."
"Tulungan na kita."
"Ha?" Duda syang marunong maglaba si Chris. "Wag na lang. Kaya ko na 'yun."
"I insist. Tsaka gusto kong marinig yung kwento kung paano mo binugbog ang kambal ko."
Tumawa sya. Well, kung hindi man marunong maglaba si Chris she could still use some company.
Wala si Chris sa salas nang dumating si Luke. Tahimik din ang buong pad nya. Nagtaka sya na wala yatang katao-tao. Tiningnan nya ang wristwatch.
10 am.
Kanina pa dapat nandito si Gabbie. Kaya nga nya iniwan ang meeting nila ni Geoff ng maaga, dahil gusto nyang nandito sya pagdating ni Gabbie. First time kasi nitong makikilala si Chris. Sigurado magtataka 'yun pag ang kambal nya ang nabungaran nito sa unit nya.
Narinig nya ang malakas na tawa ni Chris galing sa banyo. Parang may kausap ang kambal nya. Hindi kaya nababaliw na 'to dahil hindi pa rin bumabalik si Jenna hanggang ngayon?
BINABASA MO ANG
This Thing Called Love
Teen FictionMatapos ang aksidente ng Mommy nya tatlong taon ang nakararaan, nagbago na ang pananaw ni Gabbie Mendoza sa mga mayayaman. Para sa kanya, lahat ng mayayaman ay mapagmataas, mayabang, matapobre at walang ibang mahalaga sa mga ito kundi pera. Ngunit s...