Chapter 10

29 0 0
                                        

Hindi makapag concentrate si Gabbie sa lesson nya ng araw na 'yun dahil hindi mawala sa isip nya ang sinabi ni Luke kanina sa restaurant. 

Magkakilala sina Luke at Clarisse. At kung pagbabasehan ang kwento ni Luke kanina, may kung anong namagitan sa dalawa noong high school. Hula nya, at some point naging mag boyfriend-girlfriend si Luke at Clarisse. Kung hindi, bakit naman papayag si Luke na makipagsabwatan kay Chris para lang mai-date nya si Clarisse sa prom?

Ang liit naman ng mundo. Bakit sa dinami-dami ng babae sa Xavier, si Clarisse pa ang naging karibal nya kay Luke? Kung ikukumpara kay Clarisse, para lang syang langgam. Ano bang laban nya dito?

Dahil wala sa sarili, hindi narinig ni Gabbie ang professor na tinawag ang pangalan nya para sa recitation. Natauhan lang sya ng sikuhin sya ng seatmate nyang si Camille. Pagtingin nya sa harap nya ay magkasalubong ang kilay ng professor nyang matandang lalaki.

"Miss Mendoza, do you have an answer?" tanong nito sa kanya.

"Sir, can you please repeat the question?"

"You're not paying attention, Ms. Mendoza. It's not my fault that you didn't hear the question. It's not my fault either that you get a three on today's recitation," masungit nitong sabi sa kanya saka nagtawag uli ng bagong estudyante.

Great. Tres sa recitation. Just what I need.

She sighed.

Kasalanan 'to ni Luke. Tsaka nung Clarisse na 'yun.

Nang magpaalam ang professor, nag-unahan na ring magsilabasan ang classmates nya. Nang halos wala nang natira sa claasroom, saka lang nya isinuot ang backpack nya at lumabas ng silid.

Sa labas ng building, napansin nya ang isang itim na motorsiklo. 

Kapareho ng motor ni Luke.

Napansin nya ring may lalaking nakasandal sa motor. 

Parang si Luke. Oh my God, Gabbie. Baliw ka na nga dahil kahit saan ka tumingin, si Luke ang nakikita mo. May tawag dito e... me....  meg... mi... mir... mirage! Yun!

Natigilan sya nang ngitian sya at kawayan sya ng lalaki, and then she realized si Luke nga ang lalaking nakita nya. Nilapitan nya ito.

"Hi," bati nito sa kanya nang makalapit sya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya.

"Sinusundo ka."

Ngumiti sya. "Suddenly, nagkaroon ako ng driver kahit wala akong kotse." 

Tumawa si Luke.

"Kanina ka pa ba?" tanong nya uli dito.

Umiling ito. Pero yung mabagal na pag-iling, na parang hindi sigurado kung tama ba ang iling na sagot o dapat itong tumango. Ngumiti sya. Ngumiti rin ito.

Inabot sakanya ni Luke ang helmet nya - feeling ni Gabbie ay kanya na ang helmet na 'yun dahil nakakapit na ang amoy ng shampoo nya dito. Agad naman nya itong sinuot.

"Kailangan mo bang umuwi agad?" narinig nyang tanong ni Luke.

"Hindi naman. Bakit?"

"Okay lang ba kung may dadaanan tayo saglit?"

Ang totoo ay paggaling nya ng eskwela, uuwi agad sya ng bahay. Ni minsan hindi pa sya pumalya sa schedule nya ng pag-uwi. Hindi naman sa in-impose ng Daddy nya na dapat nasa bahay na sya ng alas syete ng gabi pero nakasanayan na rin kasi ng ama nya na ganun ang sistema kaya iniisip nya na baka mag alala ang Daddy nya kapag hindi sya nakauwi ng maaga.

This Thing Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon