Pakiramdam ni Luke ang bilis ng takbo ng oras kapag kasama nya si Gabbie.
Gabbie. Now, I'm finally allowed to call her that.
Kahapon nang unang beses silang kumain sa labas para mag lunch, wala silang masyadong napag usapan dahil bukod sa ang bilis ng takbo ng oras ay naiilang pa sila sa isa't isa. Pero kanina sa restaurant... may awkward moments pa rin pero alam nyang mas nagiging komportable na sila after every minute. Marami-rami rin silang napagkwentuhan. Dahil nagkwento si Gabbie tungkol sa sarili nito, sinabihan sya nitong magkwento rin para "fair".
"Yung mga kaibigan ko lang ang nakakaalam ng kwentong 'yun kaya dapat tapatan mo 'yung kwento ko," sabi sa kanya ni Gabbie.
Nag isip sya sandali. Ano nga bang magandang ikwento?
"Nung high school kami ni Chris, isa lang ang school na pinasukan namin," simula nya. "Nung prom night, ang naging date ko si Jenna kasi classmate ko sya at mas madali syang yayain. Si Chris naman ang ka-date, si Clarisse kasi classmates silang dalawa."
"Sandali. Clarisse?"
"Yes. Clarisse Fuentebella. Schoolmate natin sya."
Bahagyang tumango si Gabbie.
"So, anyway. Chris had a long time crush on Jenna. But he's too scared to ask her to be his date kaya a few days before the prom, nagkasundo kami na ako ang magyayaya kay Jenna sa prom, and he will ask Clarisse for me. Tapos on the night of the prom, magpapanggap akong si Chris so I can be Clarisse's date and sya naman magpapanggap na ako so he can dance with Jenna."
"Okay, hindi 'yun kasing ganda ng kwento mo," sabi nya nang matapos syang magsalita at walang reaksyon mula kay Gabbie.
"No! It was actually a good one. Pero hindi ba kayo nahuli?" tanong ni Gabbie.
Umiling sya, "Hindi. Hanggang ngayon, walang nakakaalam ng ginawa naming 'yun. Kaming dalawa lang ni Chis. Pero ngayon, tatlo na tayo."
Ngumiti lang si Gabbie kaya nag-alala si Luke na hindi nito na-enjoy yung kwento nya. Kung sabagay hindi naman talaga 'yun maganda. Pero hindi nya lang maiwasang isipin na baka may nasabi syang mali para mag-iba ang mood ni Gabbie.
Nang matapos silang kumain at bumalik na sa store, tinanong nya si Gabbie kung nasaan ang kotse nito. Hindi nya kasi nakita ang pickup truck na minamaneho nito simula nung aksidente.
"Nasa pinsan kong mekaniko," sagot nito sakanya. "Kasi kinaumagahan pagkatapos ng aksidente hindi na nag start yung kotse kaya dinala ko doon sa talyer ng pinsan ko. Pinaayos ko sana kaya lang wala na daw pag-asa 'yun kaya hinayaan ko na lang. Matanda na rin naman yung kotseng 'yun. Oras na rin siguro para mamaalam sya."
"Paano ka umuuwi?" tanong nya ulit.
"Nagko-commute."
"Hindi ba delikado?"
Ngumiti ito. "Hindi. Sanay naman akong mag commute. Dati ko pa ginagawa 'yun lalo na pag kulang yung pera kong pang gas."
Hinatid nya si Gabbie sa eskwela. Something he didn't offer to do yesterday. Nag-alala kasi sya na baka ma-late ito. Traffic pa naman sa daan papunta sa Xavier kapag ganung oras.
"Anong oras matatapos ang klase mo?" tanong nya nang bumaba sa motor si Gabbie.
"Six. Isang subject lang ako ngayon," sagot nito sa kanya.
"Sige. Ingat ka." Pareho silang nagulat na sinabi nya 'yun. Saan nga ba galing 'yung ingat ka na 'yun? Pero buti na lang ngumiti si Gabbie.
"Ikaw ang mag ingat," sabi nito sa kanya. "Wala ka bang klase?"
Umiling sya. Tumango naman si Gabbie.
"Sige, mauna na ako," sabi nito saka umalis na.
Wala syang klase nang araw na 'yun pero hindi nya gustong umuwi sa pad nya kaya pumunta na lang sya sa madalas nilang tambayan ng mga kaibigan nya - sa school gym. Sure enough, nandoon ang ilan sa kaibigan nya and they ended up playing basketball. Natalo sya sa pustahan. Basketball was never his thing. Mas gusto nya ang football.
Noong high school, kasali sila ni Chris sa varsity team ng football at madalas silang manalo noon. Pero hindi na nya nagawang sumali sa football team ng Xavier dahil nag concentrate sya sa pag aaral ng business ng pamilya. Kambal sila ni Chris pero between the two of them, sya ang mature mag isip kaya naman ang Daddy nya sya ang inaasahang magti-take over ng kompanya lalo na nang mag decide si Chris na gusto nitong maging piloto. That leaves him and Liezel to run the company and since high school lang si Liezel, the responsibility has fallen on his shoulders.
Ang toy store ay isa lang training ground. Tinayo nila 'yun ni Geoff noong second year college dahil pareho silang mahilig mangolekta ng action figures, pero mas malalim ang dahilan ni Luke. Gusto nyang gamitin ang mga natutunan nya sa kurso nyang Business Administration sa isang aktwal na negosyo. He thinks it's the best way to prepare himself sa mas malaking kompanya. He can't afford to make mistakes kapag nandoon na sya sa kompanya ng pamilya nya.
Alas-singko na nang maghiwa-hiwalay sila ng mga kaibigan nya. May isang oras pa syang kailangang antayin until he could see Gabbie again.
So this is what it's all about, Luke? Gabbie.
Napailing sya nang maisip iyon. Hindi nya alam kung bakit sya nandoon sa tapat ng building kung saan nya hinatid si Gabbie kanina samantalang may football game dapat syang pinapanuod sa TV sa mga oras na 'yun. Pero sinabi nya sa sarili na may mga bagay na ginagawa ang isang tao ng walang rason. Gusto nya lang talagang gawin iyon. At habang pinanonood nya si Gabbie na lumabas ng building, at habang natutuwa syang makita na nagulat ito nang makita sya kung saan sya nito iniwan, at habang kinakawayan nya ito, at habang naglalakad ito palapit sa kanya, naintindihan nya kung bakit naghintay sya ng tatlong oras para makita ulit ito.
Simple lang.
Kasi gusto nya.

BINABASA MO ANG
This Thing Called Love
Novela JuvenilMatapos ang aksidente ng Mommy nya tatlong taon ang nakararaan, nagbago na ang pananaw ni Gabbie Mendoza sa mga mayayaman. Para sa kanya, lahat ng mayayaman ay mapagmataas, mayabang, matapobre at walang ibang mahalaga sa mga ito kundi pera. Ngunit s...