i
After 5 years.
'After a succesful tour all over the world, Bangtan Sonyeondan also known as BTS will be having a short break'
-AllKpop"Welcome to Jeju Island" isa isang bumaba mula sa isang private jet ang mga sikat na miyembro ng isa sa pinakasikat na Boy group sa Korea. Unang bumaba si Jimin kaya nagwala ang mga babaeng kanina pa sila hinihintay sa airport. Sinundan sya ni J-Hope at mas lumakas ang sigawan, sumunod si V na ngumiti pa at kumaway sa mga naghihintay sa kanila. Mabilis naman na sumunod si Suga at Jin na halatang pagod na pagod dahil sa nanggaling pa sila mula sa Pilipinas para sa concert na ginanap doon. Huling lumabas sila Namjoon na ngumiti din sya sa mga fans nila at si Jungkook.
Agad hinarangan ng mga guards nila ang BTS para makarating sila ng maayos sa hotel na pansamantala nilang tutuluyan.
Nagcheck-in sila at kanya-kanya silang higa sa kama dahil sa pagod. Maya-maya ay dumating ang Manager nila at sinabi ang gagawin nila sa Jeju Island.
"We will participating on a Medical Mission na iheheld ng Jeju National University. Isang buwan tayo dahil pupuntahan natin bawat lugar dito sa Jeju Island"paliwanag nito. Huling schedule nila ang concert sa Pilipinas at pansamantala muna silang mawawala.
"Pahinga nyo na rin dahil lampas isang taon din kayong nagtour"dagdag pa nito, may mga sinabi pa ito bago tuluyang umalis.
***
Habang nag-aayos si Jin ng nga gamit nila ay napansin nyang wala si Jungkook. Inilabas nya ang cellphone nya at tinawagan ito pero hindi ito nasagot, dumaan si NamJoon sa harapan nya kaya inutusan nya ito na hanapin si Jungkook. Mahirap na baka maligaw sya, first time pa naman nila sa Jeju Island ngayonLumabas naman si Namjoon para hanapin ang kagrupo nya, alam nyang hanggang ngayon ay may kulang pa rin sa kamiyembro nya kahit sobrang sikat na nila.
Kung saan-saan sya naghanap hanggang sa makita nya si Jungkook na nakatayo sa dalampasigan. Tahimik lang ito at seryosong nakatingin sa dagat. Dahan-dahan syang naglakad papalapit at mukhang hindi naman sya napansin nito dahil nakatingin pa rin ito sa malawak na dagat, sa dagat kung saan nagcrash ang sinasakyang eroplano ni Yoora.
Limang taon na ang nakakalipas simula ng mangyari ang aksidenteng kumuha sa buhay ng babaeng mahalaga sa buhay nila lalo na ni Jungkook.
"Jungkook" tawag ni Namjoon sa nakababatang kanina pa nakatulala sa malawak na dagat.
"Ah hyung" tungon nya dito at muling ibinalik ang tingin sa dagat.
"Hinahanap ka ni Jin hyung"
"Pakisabi magpapahangin lang ako" sagot ni Jungkook at hindi inaalis ang mga mata sa dagat. Nakaramdam na naman ng awa si Namjoon para kay Jungkook.
"Sya pa rin ba?" Tanong nya sa kamiyembro at napatingala ito.
"Bakit naman magbabago yun Hyung?" Balik na tanong ni Jungkook kay Namjoon.
"Wala na sya Jungkook. Alam nating kasama sya sa mga namatay noon" kahit na may nakitang bangkay ang mga rescuer ay hindi naniwala si Jungkook. Palagi nyang sinasabi na hindi pa patay si Yoora.
"Buhay sya Hyung, buhay pa si Noona. Alam kong buhay pa sya" sagot nito sa nakakatanda at iniwan na ito.
***
Maagang pumunta ang BTS sa Jeju National University para tumulong. Ito ang unang araw ng Medical Mission na sinalihan nila. Simula ng atakihin ulit sa puso si PD-nim dahil sa pagkawala ni Yoora ay nagsimula na silang magparticipate sa iba't-ibang medical mission para makatulong sa mga taong may sakit. At ngayon sa Jeju Island naman sila napadpad dahil sa Medical Mission na ito. At mukhang ito din ang magiging pinakamatagal dahil isang buwan silang mananatili dito.Pagkababa nila ng Van ay sinalubong sila ng mga fans nila na tagaJeju. Mas konti ang fans nila dito kumpara sa Seoul pero marami pa rin.
Sinalubong sila ng isang matandang babae at saglit silang itinour sa loob ng University kung saan magsisimula ang Medical Mission nila.
Habang naglalakad si Jungkook kasunod ng mga kagrupo nya ay may babaeng nakakuha ng atensyon nya. Yung mga ngiti nito, buhok, mata at ilong kilala nya ito.
"Noona?" Tawag nya dito, hindi sya pwedeng magkamali sa nakita nya. Nagsimula na itong maglakad palayo kaya hindi sya nagdalawang isip na sundan ito.
Mas binilisan ni Jungkook ang pagtakbo nya dahil nawala na sa paningin nya ang babae, huminto sya saglit at tumingin-tingin sa paligid. Nakita nya itong naglalakad papasok sa isang hallway kaya muli syang tumakbo. May nabangga pa nga sya pero hindi na nya ito pinansin, kailangan nyang maabutan yung babeng iyon.
"Kidaryo!" Sigaw nya ng makalapit sya dito at hinawakan nya ang braso nito. Humarap naman ito sa kanya at tama nga ang hula nya, si Yoora nga yung babae.
"Noona" tawag nya dito pero kumunot lang ang noo nito.
Samantala, isang babae ang napatigil sa pagbubuhat ng mga kahon na pinaglalagyan ng kakailanganin nila para sa medical Mission nila. Isa siyang 3rd year Film student ng Seoul University na sumama sa isang medical Mission sa Jeju island. Nagpunas sya ng pawis ng may tumugtog.
Amugeotdo saenggakhaji ma
Neon amu maldo kkeonaejido ma
Ayo, oh
Geunyang naege useojwo, ye
Nan ajikdo mitgijiga anha
I modeun ge da kkumin geot gata
Ayo, oh
Sarajiryeo hajimaIs it true? Is it true?
You You
Neomu areumdawo duryeowo
Untrue Untrue
You You YouGyeote meomulleojullae
Naege yaksokhaejullae
Son daemyeon naragalkka buseojilkka
Geobna geobna geobnaSiganeul meomchullae
I sungani jinamyeon
Eobseotdeon iri doelkka neol irheulkka
Geobna geobna geobnaButterfly, like a Butterfly
Machi Butterfly, bu butterfly cheoreom
Butterfly, like a butterfly
Machi Butterfly, bu butterfly cheoreomNapalingon sya sa paligid ng marinig nya ang kantang ipinapatugtog. Pakiramdam nya pamilyar ang kanta iyon. Parang minsan na nyang nakanta ang kanta na iyon.
"Unnie!!" Sigaw ng isang pang babae at tumakbo papalapit sa kanya. Nagtatalon ito at halatang kinikilig dahil namumula ang mga pisngi nito.
"Wae? Bakit Somi?" takang tanong nya sa kasama.
"Favorite ko yang kanta na yan!!!! Whaaaaa BTS!" Sagot nito kaya napangiti naman sya. Ang Donsaeng nyang adik na adik sa K-Idol na BTS.
"Ikaw talaga" komento nya, tinawag si Yesung ng isa pa nilang kasama kaya iniwan muna sya nito, ipinagpatuloy naman nya ang pagbubuhat ng kahon na kailangang nyang dalhin sa isang kwarto.
Malapit na sya dito ng bigla syang mabangga ng isang lalaki na mabilis ang takbo kaya nahulog ang mga dala-dala nyang gamot.
Kahit gusto nyang pagsabihan ang lalaki ay mas pinili nyang unahin ng mga gamot na nahulog sa lupa.
"Kidaryo!" Biglang tumibok ng mabilis ang puso nya ng marinig ang boses na iyon. Napalingon nya sa sya paligid at may nakita syang isang lalaki sa di kalayuan na may kausap na babae.
"Noona" isang imahe ng nakangiting lalaki ang nagpop-up sa isip nya ng marinig nya ang pamilyar na tawag na iyon.
"Jungkook" kusang lumabas sa bibig nya ang pangalan na iyon.
-----
Ang lame nung idea na medical mission jusko haha XDBawal po ako sa MAY 2 kasi Judgement Day este Comeback ng BTS ok?