xxi

2K 139 111
                                    

xxi

"Naglalakad ako nun sa hallway ng may makita akong I.D." panimula ni Janna ng tanungin sya ni Hyemi kung anong nangyari nung nakaraan bago sila maaksidente.

"Isang school I.D ng Seoul University na may pangalang Shin Eun Jae, walang picture yung I.D pero may student number. Akala ko isa lang sa mga volunteers na kasama natin pero nung sinubukan kong hanapin yung pangalang Shin Eun Jae sa listahan ay walang ganong pangalan doon" patuloy na nakikinig ang mga kamiyembro nya at ang Bangtan sa mga kinukwento ni Janna. Tatlong araw ng hindi nagising si Janna dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. Halos lahat ay nag-aalala sa kanya lalo na si Yesung.

"So sinubukan kong hanapin yung may-ari nung I.D. sa portal ng Seoul University at nagulat ako ng nalaman ko kung sino sya." Napatingin si Janna sa mahimbing na natutulog ngayon sa sofa na si Jungkook.

"I tried to follow her para malaman kung totoo yung mga nalaman ko about her at totoo nga lahat" she continued and she's controlling her emotions.

"Na si Eun Jae at yung kinikilalang girlfriend ni Jungkook ay iisa" halos lahat ay nagulat sa sinabi ni Janna, nakita nya kung paano mapakuyom ng mga kamay nila ang mga kasama sya sa kwartong iyon lalong-lalo na si Taehyung.

Her heart was breaking again because of that scene, Taehyung was so angry and the reason why is because Yoora was in danger again.

"Bwo? So ibig sabihin hindi si Yoora yung Yoora na nakita natin dito?" Takang tanong ni Jimin at parang nakipag-usap lang sya sa sarili nya dahil kahit isa ay walang sumagot sa kanya.

"Han Eun-ah" narinig nila na sinabi ni Jera bago tumayo mula sa pagkaka-upo nito tuluyang tumakbo palabas ng kwarto kung saan sya nakaconfine.

"Nalaman ko rin na hindi na wala ng epekto kay Eun-ah lahat ng gamot na ibinibigay sa kanya kaya hanggang ngayon she's still sick at kakilala nya si Eun Jae" dagdag pa ni Janna. Inangat nya ang tingin nya at mas lalong nag-iba ang aura ni Taehyung.

"At plano nilang patayin si Yesung" pagkatapos nyang sabihin iyon ay agad na tumakbo palabas ng kwarto na iyon si Taehyung at Yoongi.

"Teka si Yesung? Di ba yun yung--" hindi na natapos yung sasabihin ni Namjoon ng tumango si Janna.

"Pero paano ka nakapunta sa lugar na iyon? Paano mo nalaman na nandoon si Yesung at may nagyayaring hindi maganda sa kanya?"  Hindi pa din malinaw sa mga natira sa kwarto na iyon ang nangyayari at nalalaman  nila.

"After kong malaman na may balak patayin si Eun-ah at Eun Jae, I always follow them around hanggang sa isang araw nag-away si Eun-ah at Eun Jae dahil hindi nagtagumpay yung plano nila noon na mapatay si Yesung ng itulak nila ito sa bangin"

"Bakit naman nila papatayin si Yesung? Maliban na lang kung, wag mong sabihing --" hindi na natapos ni Jimin yung sasabihin nya ng ituloy iyon ni Jin.

"Neh, si Yesung si Yoora" nanlaki ng mga mata nila at hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Jin. "Alam mo din Oppa?" Tanong sa kanya ni Janna at tumango sya.

"Hyung na naman! Bakit hindi mo sinabi sa amin ha!" Maktol ni Jimin sa nakakatanda sa kanya.

"Sabi ni Hanuel wag ko daw sasabihin kahit kanino na si Yesung si Yoora" sagot nito.

"Pero Hyung---"

"Ayaw ni Hanuel Oppa na mapahamak si Yesung dahil alam nyang nagpapanggap lang na magaling na si Eun-ah" pagputol ni Janna sa sasabihin ni Jimin. Alam nyang masakit din iyon sa parte ng Jimin dahil kaibigan din nito si Yoora pero kailangan talagang itago sya nung mga panahong iyon.

"Alam mo lahat Janna?" Tumango sya bilang sagot.

"Neh, kaya nakaramdam ako ng hindi maganda ng malaman kong nawawala si Yesung at maski si Taehyung wala rin kaya napagpasyahan kong hanapin sya ng mga oras na iyon, sakto naman na nakita kong may isang sasakyan na papalapit kay Yesung at niyakap sya ni Taehyung kaya itinulak ko silang dalawa para mailigtas sila."

-----
Mabilis na hinabol ni Taehyung ang tumatakbong si Yura, kanina nya pa ito hinahanap at ng makita nya ito ay agad din itong tumakbo palayo sa kanya.

Ng maabutan nya ito ay agad nyang hinawakan ng braso nito at akmang sisipain sya pero nakaiwas sya. Inilagay nya ang dalawang kamay nito sa likuran para hindi na ito makatakas sa kanya.

"Pakawalan mo ko!" Asik nito sa kanya at patuloy pa ring nagpupumiglas.

"Hyung! Anong ginagawa mo kay Noona!" Napatigil si Taehyung ng bigla nyang makita si Jungkook na naglalakad papalapit sa kanila at galit ito.

"Jungkook-sshi! Wala naman akong ginagawang masama, hindi ko alam kung bakit nya ako ginaganito" ang iyak naman ni Yura kay Jungkook pero hindi pa rin nagpatinag si Taehyung. Lumapit si Jungkook sa kanila at pilit na inaalis ang pagkakahawak ni Taehyung sa Noona nya.

"Hyung nasasaktan si Noona!" Sabi ni Jungkook, maya-maya ay umalingawngaw ang tunog ng serena ng mga pulis kaya napatigil si Jungkook. May dalawang kotse ang tumigil sa tapat nila at mas lalong nagawala si Yura.

"Anong ibig sabihin nito?" Bumaba mula sa isang kotse si Yoongi at sumunod ang nakaposas na si Eun-ah. May lumapit na puli kay Taehyung at ibinigay naman nya ang mga kamay ni Yura na hawak nya.

"Bakit mo poposasasan si Noona? Ano bang nangyayari Hyung? May ginawa bang masama si Noona?" Sunod-sunod na tanong ni Jungkook habang si Taehyung, nakatingin lang sa kanya. Pilit na inaagaw ni Jungkook ang posas na ilalagay sana kay Yura ng lapitan sya ni Taehyung at biglang suntukin sa mukha.

"Hanggang ngayon tanga ka pa rin ba ha, Jungkook? Hanggang ngayon ba magpapadala ka lang sa mga nakikita mo? Hindi sya si Yoora! Oo, magkamukha sila pero hindi mo ba nararamdaman na hindi sya si Yoora at kahit kailan hindi sya magiging si Yoora!" Sigaw ni Taehyung kay Jungkook na natayo habang nagpupunas ng dugo sa gilid ng labi nya.

Napatahimik ang lahat sa sinabi ni Taehyung, napalingon si Jungkook kay Yura at napayuko ito. "Hindi ka si Noona? Hindi ikaw si Choi Yoora? So niloloko mo lang ako?" Tanong nya dito, inangat nito ang tingin nya at naiyak na ito.

"Mianheyo, Jungkook-sshi" yun na lang ang nasabi nito.

"Wae, waegurae?"

"Jeongmal mianheyo, napagutusan lang" sagot ni Yura, napakuyom naman ng kamay nya si Jungkook.

"Sinong nag-utos sayo? Nugu????!" Napapikit si Yura dahil sa sigaw ni Jungkook. Itinuro nya si Eun-ah na nasa tabi lang nya ngayon.

"Jungkook, wala akong alam sa sinasabi nya! Maniwala ka sa akin!" Depensa naman ni Eun-ah, lumapit si Jungkook sa kanya at akmang sasampalin sya kaya napapikit ito.

"Tama na Eun-ah, sobra na tong ginagawa mo. Akala ko may pag-asa pang bumalik ka sa dati pero mukhang wala na" 

-----
Magulo! Magulo! Magulo!

Parang ako!

Haha XD

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon