xxxiii

1.1K 70 15
                                    

Xxxiii

Sinundan ko sya ng tingin ng makita ko syang pumasok sa pinto. Mukhang hindi nya ako napansin dahil patuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa malampasan na nya ako. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at kinuha yung kape na iniinom ko saka ako sumunod sa direksyon kung saan din sya naglalakad.

Habang nasa hallway ay bigla syang tumigil at inilabas ang cellphone nya mula sa bulsa ng coat na suot nya at tinignan ito. Mula sa kalmadong mukha ay nagbago ito at napalitan ng pag-aalala. Dali-dali syang tumakbo pabalik at muntik pa akong matumba ng mabangga nya ako pero kagaya kanina ay mukhang hindi nya pa rin ako napapansin. Agad syang lumabas ng lugar kung nasaan kami kasabay nun ang pagtawag sa akin ni SeokJin Oppa.

"Nakita mo ba si Taehyung?" Tanong nito ng tumigil sa tapat ko at napansin kong kasunod na rin nya sila Yoongi at Hoseok Oppa. Kagaya ni Taehyung ay bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Magsasalita na sana ako ng biglang lumabas ang isang babae mula sa isa sa mga practice room at naiyak ito.

"Jera Unnie" pabulong na tawag ko sa kanya. Dumaan sya sa harapan namin at agad ding tumakbo palabas ng building.

Tinignan ko si Seokjin Oppa at nagtama ang mga paningin namin. "Oppa" tawag ko sa kanya at seryoso syang tumingin sa mga mata ko.

"Yoora si Janna" pagkasabi nya sa akin ng mga salitang iyon ay nakita ko na lang ang sarili ko na sinusundan si Taehyung kahit hindi ko alam kung nasan sya ngayon.

***

I found him. I found Taehyung in a dark part of certain park looking so helpless. I slowly walk towards him and every step I take I can hear his sobs. He's crying, again.

Umupo ako sa tabi nya pero hindi nya pero pansin ang presensya ko. Hawak-hawak nya ang cellphone nya ng mahigpit.

"Taehyung-ah" tawag ko sa kanya, dahan-dahan syang lumingon sa akin at nakita kong namumula ang mga mata nya. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. 2nd time. This is the 2nd time I saw him crying, and it breaks my heart seeing him like this.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila pero mukhang malaki ang pinagdadaanan nya para umiyak sya ng ganito. Bawat hikbi nya ay ang pagsikip din ng dibdib ko. Parang may tumutusok sa puso ko habang nakikita ko ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha mula sa mata nya. Hirap na hirap syang huminga dahil sa pag-iyak.

"Shhh" alo ko sa kanya at hinaplos ang likuran nya. Alam kong gusto nyang magsalita pero nahihirapan sya at tanging paghikbi na lamang ang nagagawa nya. Hindi ko alam kung ilang oras syang umiyak hanggang sa makatulog na lang sya na nakasandal sa balikat ko. Taehyung looks so helpless tonight maga ang mga mata nya dahil sa matagal nyang pag-iyak.

Napansin kong nakapatong ang isa nyang kamay sa hita ko kaya agad kong hinawakan ito and I intertwine our fingers together. Akala ko tulog na tulog sya kaya hindi nya mararamdaman ang ginawa ko pero maya-maya ay humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko and I heard him chuckle.

"Pinagnanasahan mo na ba ako ngayon Yoora?" Tanong nya sa akin gamit ang malalim nyang boses pero nanatili syang nakapikit at nakasandal sa balikat ko.

"Ne" sagot ko kaya napa-ayos sya ng upo. Nakita ko ang gulat sa mga mukha nya dahil sa sinabi ko. Pinipigilan kong wag matawa para hindi nya mahalata na binibiro ko lang sya pero hindi ko na napigilan at napatawa ako ng malakas.

Mula sa pagkagulat ay napalitan ng pagtataka ang mukha ni Taehyung at maya-maya ay bigla syang napangisi. Kinurot ko naman ang pisngi nya kaya napa-aray naman sya. I miss him. I miss my one and only bestfriend. I miss Kim Taehyung, so much.

"Kinabahan ako Yoora! Akala ko totoong pinagnanasaan mo talaga ako" di makapaniwalang sabi nya sa akin kaya sinuntok ko ng mahina ang braso nya.

"Waeyo? May crush ka naman sa akin di ba?" Pangungulit ko sa kanya. Umiling sya na para bang expected na nya ang sasabihin ko pero bigla syang sumeryoso.

"Hindi kita crush Yoora, mahal kita" napatahimik naman ako sa sinagot nya. Kinuha nya yung kamay ko at itinaas ng konti yung sleeve ng damit ko at tinignan nya yung bracelet na ibinigay nya sa akin noon.

"Nung ipinagawa ko ang bracelet na no walang ibang nasa isip ko kundi ikaw lang. Kahit anong gawin ko pag-iwas, ikaw at ikaw pa rin ang magiging laman ng isip ko pero mas pinili mo si Jungkook" inangat nya ang tingin nya at tumingin sa mga mata ko at maya-maya ay ngumiti sya. "Akala ko nung nalaman kong buhay ka pa at hindi ka pa nakikilala ni Jungkook chance ko na para mahalain mo rin ako pero narealize ko na hindi na pala pwede" hindi ako yung tipo ng tao na naninira ng mood lalo na kung seryoso yung atmosphere pero napangiti ako habang nagsasalita si Taehyung kaya napatigil sya sa pagsasalita.

"Taehyung-ah" tawag ko sa kanya. Hinakawan nya yung kamay ko ng mahigpit at tumingin muli sa mga mata ko. "Nung hinawakan mo ang kamay ko kanina, mas narealize kong hindi talaga tayo pwede. Kasi alam kong sa huli kamay pa rin ni Jungkook ang pipiliin mong hawakan samantalang ang kamay ko ilalaaan ko na para sa babaeng alam kong hindi rin bibitawan ang kamay ko kahit anong mangyari."

Gamit ang isang kamay ko hinila ko ang ulo ni Taehyung at hinalikan sya sa noo. Pareho kaming maraming natutunan sa lahat ng nangyari sa amin. Nasaktan kami oo, sobra sobra pa nga at dumating pa yung panahon na ako mismo ang nanakit sa kanya pero sa huli alam kong magiging masaya rin kaming dalawa.

Binitawan ko ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko at tinapik ang balikat nya. "Go and find her. Hold her hand and never let her go Taehyung-ah"

----
Sorry talaga sa matagal na UD.

Baka next week tatapusin ko na talaga to T_T Sa mga nagbabasa pa, MARAMING MARAMING SALAMAT TALAGA!

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon