xxviii

2.1K 151 59
                                    

xxviii

"Unnie! Tignan mo tong nabili kong poster ppali!" Napatigil sa pagsusulat si Yoora ng bigla na lang bumukas yung pinto ng dorm nila at pumasok ang tumatakbong si Somi habang may hawak-hawak na puting papel na nakarolyo at tumabi sa kanya.

Napatingin sya dito at kitang-kita ang saya sa mukha nito, agad nitong inilatag yung papel na hawak nya at nakakita sya ng larawan ng pitong lalaki. Isa-isa nyang tinignan ang mga mukha sa poster na dala ni Somi at pakiramdam nya ay nakita na nya ang mga ito.

May mga imahe at boses syang naririnig sa isip nya habang tumatagal ang pagtingin nya sa mga ito. Ni hindi na nya naiintindihan ang mga sinasabi ni Somi dahil unti-unti na ring sumasakit ang ulo nya hanggang sa tumapat ang mga mata nya sa larawan ng lalaking nasa gitna. Napatitig sya dito at napapikit dahil sa sunod-sunod na scenario ang nakikita nya.

"Noona" iminulat ni Yoora ang mga mata nya at nakita nya ang isang babae na alalang-alala sa kanya.

"Unnie, gwechanayo?" Rinig nyang tanong nito sa kanya, lalapit sana ito sa kanya pero lumayo sya dito. "Yesung Unnie"

"Yesung? Yesung aniya" napalingon sya sa paligid at napansin nyang nasa hindi sya pamilyar na lugar.

"Nakaka-alala ka na Unnie?" Napatingin si Yoora sa babaeng nasa harap nya at ngumiti ito sabay lahad ng kamay sa kanya.

"Somi imnida" pagpapakilala nito at nagsimula itong ikwento ang lahat ng nangyari sa kanya habang wala syang naaalala, maya-maya ay may dumating na isang lalaki na tinawag ni Somi na Oppa at nagpakilala din ito sa kanya. *I'm Somi*

"Kim Hanuel, at your service"

***
"Medical Mission in Jeju Island?" Agad na tumango si Yoora ng ulitin ni Somi yung sinabi nya at inabot dito ang isang flyer na ibinigay sa kanya ng prof nya sa isa sa mga major subjects nya kanina.

"Seryoso ka Unnie? Malapit na ang end ng semester at alam mong sobrang busy natin di ba?" Bakas sa boses ni Somi na hindi nito gusto yung sinabi ni Yoora pero si Yoora ay si Yoora at kahit kelan ay hindi sya nasuko kaya binalewala nya sinabi ni Somi

"Exactly! Kapag sumama daw tayo dyan, maeextend ang deadline mga Short film natin kay Mr. Lee!" Isa ang prof nila sa mga organizers ng Medical Mission kaya isinuggest nya na kung sasama sila dito ay baka pwedeng iextend ang deadline ng short film na project nila dito kapalit ng pagsama nila at pumayag naman ito. Ramdam ni Yoora na nakatingin si Somi sa kanya kaya tumingin rin sya rito.

"Masaya ka na ba talaga Unnie?" Tanong nito sa kanya na ikinagulat din nya, alam nya na simula ng maalala nya lahat ng bagay tungkol sa pagkatao nya ay bumalik din lahat ng sakit na pinagdaanan nya. Pilit man nyang itago sa magkapatid iyon, alam nyang alam din ng mga ito ang nararamdaman nya.

***
"Sigurado ka bang sasama ka sa Medical Mission sa Jeju?" Tanong ni Hanuel kay Yoora at agad naman itong tumango bilang sagot.

"Neh! Maeextend ang deadline ng short film namin kay Mr. Lee at makakakuha ako ng mga ideas habang nasa medical mission. Isa pa makakauwi na ulit ako, hindi man sa bahay namin at least sa lugar kung saan ako lumaki" nakangiting  sagot ni Yoora kay Hanuel pero nawala rin ang ngiti nyang iyon matapos nyang makita ang isang article mula sa cellphone ni Hanuel.

"Bangtan Sonyeondan joins a one month long Medical Mission in Jeju Island"
-AllKpop

"They're coming too" napaiwas ng tingin si Yoora dahil sa sinabi ni Hanuel. "Do you think you can see them right now? Especially----"

"Its been 6 years, he already forgot everything about me" pagpuputol ni Yoora sa sasabihin sana ni Hanuel.

"Hajiman dangsin-eun" *But not you*

"Bwo?" Tanong ni Yoora dahil hindi nya naintindihan ang sinabi ni Hanuel.

"Sabi mo nakalimutan ka na nya, pero ikaw hindi mo pa sya nakakalimutan" napatahimik si Yoora dahil sa sinabi ni Hanuel sa kanya.

"Habang maaga pa pag-isipan mong mabuti kung pupunta ka talaga Yoora, para sa huli hindi ka ulit masaktan"

---

Tumuloy pa rin si Yoora kahit na alam nyang maaaring may mangyaring hindi maganda, inisip na lang nya na para sa project nya ito at hindi nya makikilala ng BTS dahil nag-iba na rin ang mukha nya, pero akala nya lang yon dahil unang araw pa lang ay nakilala na agad sya ni Seokjin Oppa nya at sumunod si Yoongi Oppa nya.

Akala rin nya ay kaya nyang makita si Jungkook ng walang mararamdaman na kahit ano pero akala nya lang yon dahil nung araw na mabangga sya nito ay nagsimula na ulit magwala ang puso nya.

Akala nya wala ng kontrabida pero dumating ang isang babaeng kamukha nya at kinuha nito ang atensyon ni Jungkook.

Akala nya mabait na si Eun-ah pero hindi pa rin pala.

Akala nya hindi na sya masasaktan kapag nakikita si Jungkook pero habang nakikita nya ito ay mas lalo lang lumalim ang sugat sa puso nya.

Akala nya kaya na nyang hindi pakielaman ang buhay ni Jungkook pero nagkamali sya.

Akala nya nakamove-on na sya pero hindi pa rin pala.

Akala nya hindi na nya masasaktan ulit si Taehyung pero nagawa nya ulit.

At akala nya hindi na nya mahal si Jungkook pero mahal na mahal pa rin nya na kahit anong paglimot ang gawin nya ay si Jungkook pa rin ang hinahanap ng puso nya.

Napatigil sa pagtakbo si Yoora, basang-basa na sya dahil sa malakas na ulan pero hindi nya ito pinansin. Napa-upo sya at pilit na inilalabas lahat ng sakit na nararamdaman nya ngayon sa tulong ng pag-iyak pero kahit maubos ata ang lahat ng luha sa katawan nya ay kulang pa rin ito.

"Yoora pabo-yah! Yoora pabo-yah!" Sigaw nya habang pinapalo ang ulo nya. Patuloy lang sya sa pagpalo sa ulo nya ng maramdaman nyang may humawak sa braso nya para matigil ang ginagawa nya. Napatitig sya sa taong nasa harapan nya at pilit na binabawi ang braso nya mula rito. Kahit na nanlalabo ang paningin nya dahil sa lakas ng ulan ay kilala nya ito.

"Bitawan mo ko! Umalis ka na! Di ba sabi ko sayo hindi na kita mahal! Kaya pwede ba layuan mo na ako Jungkook!" Sigaw nya kay Jungkook na nasa harapan nya at basang-basa na din ng ulan.

"Noona aniyo! Hajima!" sabi nito sa kanya at hinila sya papalapit at yinakap sya ng mahigpit. Itinulak ni Yoora palayo si Jungkook pero mas malakas ito sa kanya kaya wala rin syang nagawa.

"Noona jebal, mal eobs-seubnida. I apayo" *Noona please, don't say that. It hurts*

------
Bigyan nyo ko ng idea para sa ending neto! May naisip na ako kaso maaapektuhan yung story ni #Tete kaya cancel na yon 😂😂

Hello! May nagbabasa pa ba?

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon