xviii

2.2K 161 127
                                    

xviii

"Noona!" Sigaw ni Jungkook ng makita nya ang Noona nya, napatigil ito at halatang nagulat pa ng makita sya. Lumapit ito sa kanya at agad na yumakap sa kanya kaya nagulat sya. Hindi naman clingy ang Noona nya dati at madalas itong mawala sa di nya malaman na dahilan.

"Waeyo?" Takang tanong nya dito, inangat nito ang tingin nya at tumingin sa kanya saka umiling at mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sya kanya. "Jungkookie" tawag ulit nito sa kanya at may naramdaman kakaiba si Jungkook. Hindi nya maipaliwanag pero sa tuwing malapit ito sa kanya o kapag tinatawag sya nito ay parang wala lang sa kanya. Parang may hindi tama sa tuwing magkalapit sila.

"Hmm" sagot nya dito, hinangin ang buhok nito na nakatakip sa tenga nito at napansin nyang may balat na maliit ito sa may ilalim ng tenga nito.

Inilayo nya ito sa kanya kaya nagtaka ito sa ginawa nya. Tinignan nya itong mabuting at sa pagkakatanda nya walang kahit anong balat sa katawan ang Noona nya.

"Wae?" Tanong nito sa kanya, pansin nya na may kakaiba na sa Noona nya, ang kilos nito, pananamit at ang ugali nito. Pero binaliwala nya dahil baka sa matagal na panahon na hindi sila nagkita ay nagkaroon ng pagbabago dito. Ngunit sa nangyayari ngayon nagsisimula na syang maghinala.

---
Pagmulat ni Yesung ng mga mata nya ay agad nyang naramdaman ang sakit sa iba't-ibang parte ng kawatan nya. Nasilaw sya sa ilaw na bumungad sa kanya pero nakaadjust din agad ang mga mata nya. May naramdaman syang mainit na bagay na nakapatong sa isang kamay nya at hindi nya ito maigalaw dahil masakit.

"Gwenchana?" May narinig syang nagsalita at nakita nya si Hanuel na nag-aalalang tumingin sa kanya. Nilingon nya yung kanang kamay nyaat nakita nyang nandodoon si Somi at hawak-hawak nito ang isang kamay nya habang tulog ito.

"Oedee eenayo?" Mahinang tanong ni Yesung kay Hanuel. "Where I am?

"Hospital" sagot ni Hanuel. Sinubukan nyang umupo at inalaayan naman sya si Hanuel para maka-upo sya ng maayos. Bigla namang nagising si Somi dahil sa paggalaw ni Yesung.

"Unnie gwenchanayo?" Agad na tanong nito sa Unnie nya. Bakas din sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa nangyari sa Unnie nya.Mahigit isang araw itong tulog at sobrang daming sugat sa buong katawan.

Tumango sya at napahawak sa ulo nya "Nae meoli apa" sabi nya at napapikit pa.
*my head hurts*

"Ano pang masakit sayo?" Tanong ni Hanuel, sasagot na sana si Yesung ng marinig nilang bumukas yung pinto ng kwarto kung nasaan sila.

"Oppa" sabi ni Yesung at dahan-dahan itong naglakad papalapit sa kanya. Pero bago ito tuluyang lumapit kay Yesung ay tumingin muna ito kay Haneul at tinanguan sya nito.

"Gwenchana? Eodi apa haessda?"Sunod-sunod na tanong nito sa kanya. Sinamaan naman ito ng tingin ni Yesung at sinenyasan na mas lumapit pa ito sa kanya. Nagpaalam naman yung magkapatid na lalabas muna sila at pumayag naman si Yesung.*Are you Ok? Where did it hurt?*

"Gwenchana, hindi mo na kailangang mag-alala Oppa" sagot ni Yesung sa Oppa nya na bakas sa mukha ang pag-aalala. Ngumiti sya para ngumiti din ito pero hindi nya ginawa.

Napout tuloy sya "Yoongi Oppa" tawag nya dito. "Jebal useoyo!" Maktol nya at sa paggalaw nyang iyon ay nakaramdam sya ng pagsakit ng balikat nya. Napahawak si Yesung sa balikat nya kaya agad na nataranta si Yoongi.  *Please smile*

"Gwenchana? Ang likot mo kasi eh" sabi nito sa kanya, inalalayan ni Yoongi yung balikat ni Yesung pero inalis nya ito.

"Oppa, ok lang ako ok?" Sagot ni Yesung sa Oppa nya. Kinuha ni Yoongi yung upuan at upmupo sya sa gilid ni Yesung.

"Alam mo ba kung sinong may gawa sayo nito?" Seryoso pa rin ang oppa nya habang nagtatanong. Tumingin sya dito at napabuntong hininga.

"Nadulas ako Oppa, bakit ko ba kasi pinilit kunan yung bulaklak na iyon eh" nakangiting sagot ni Yesung pero mukhang hindi nito nakumbinsi ang Oppa nya.

"Molla, Oppa" mahinang sagot nya dito. Bago sya mahulog sa bangin ay pakiramdam nya may nasunod sa kanya pero hindi nya ito pinansin. Wala din syang alam na gagawa nun sa kanya.

"Si Eun-ah, hindi kaya--"

"Magaling na sya di ba? Tsaka hindi na nya ako kilala Oppa" hindi na natapos ni Yoongi yung sasabihin nya ng sumingit si Yesung.

"Pero sya lang yung alam kong may dahilan para saktan ka ulit, o di kaya yung nagpapanggap na Yoora?"

"Bakit hindi nyo pa sinasabi kay Jungkook, Oppa" simula nung aminin ni Yesung kay Yoongi na sya si Yoora ay naghihintay na sya ng komprontasyon mula kay Jungkook pero hanggang ngayon ay wala pa rin at mukhang wala pa rin talagang alam si Jungkook tungkol sa kanya.

"Gusto ko ikaw ang magsabi sa kanya, Yoora. Ayokong makielam sa inyo" sagot ni Yoongi, napatango naman si Yesung.

"Pero baka hindi ko na sabihin sa kanya Oppa, baka may mangyari na namang hindi maganda sa kanya kapag sinabi kong ako si Yoora" kumunot ang noo ni Yoongi dahil sa sinabi ng dongsaeng nya.

"Mahal mo pa sya Yoora ramdam ko, at alam kong mahal ka pa rin nya"

"Pero bakit hindi nya ako nakilala Oppa?" Pinat ni Yoongi ang ulo ni Yesung at ngumiti ito sa kanya.

"Hayaan mo, bibigyan ko ng isang suntok para makilala ka, arraseo?" Sagot sa kanya ng Oppa nya kaya napatawa naman sya.

-----
Someone's POV

Kita nya mula sa maliit na bintana sa pinto ng kwarto na kinatatayuan nya ngayon ang masayang mukha ni Yesung habang kausap ang isa sa mga kamiyembro nya. Hindi nya inaasahan ang lahat ng nalaman nya ngayon araw. Hindi nya inakala nangyayari ang mga bagay na nagyayari ngayon sa kanila.

Napayuko sya at napakuyom ng palad nya, he felt betrayed by the people who mean so much to him. Nasasaktan sya mga nalaman nya ngayon araw. Ang daming tanong sa isip nya at mukhang walang sasagot sa mga iyon.

Nakarinig sya ng mga yabag kaya napa-angat sya ng tingin at nakita nya ang isang pamilyar na mukha. Kita sa mga mata nito ang gulat ng makita syang nakatayo sa tapat ng kwartong iyon.

Umiwas sya ng tingin dito at muling sumilip sa loob ng kwarto, muli nyang nakita ang mukha ni Yesung. Ilang segundo nya pa ito tinitigan bago tuluyang maglakad paalis sa lugar na iyon. Narinig nyang may tumawag pa sa kanya pero hindi na nya ito nilingon.

-----
Shout out to the FFG:

EXO-L's, buhay pa ba kayo? Buhay pa ba kayo???

ARMY's, guys sana pagdating ng BTS dito kalma lang tayo ah? K-A-L-M-A OK? Ayokong madapa na naman si Jemen o kahit sinong member, ok?

And lastly,

Kay Seho sunbaenim, pagpumunta po akong Korea, dadalhan ko po kayo ng Burger, sana naman po wag nyong tanggihan ok? Bibigyan ko lang po ng hustisya yung burger ni JK na sinayang nyo!.

Malapit na magpasukan guys! Mag-aral tayong mabuti ok?

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon