xiv

1.9K 170 77
                                    

xiv

Matapos ihagis ng magkapatid si Yesung sa dagat ay sumunod sa kanya yung dalawa at naglaro sila sa tubigan. Nagpaunahan sila sa paglangoy at patagalan ng hininga sa ilalaim ng tubig. Kumuha din sya ng mga litrato nila para ilagay sa memory box nya. Isa sa mga masasayang ala-ala kasama nya ang magkapatid na nandyan palagi para sa kanya. Nagtagal pa sila saglit bago tuluyang umahon at bumalik sa isang bahay kung saan nakalagay lahat ng ng gamit nila.

Someone's POV

Halos lahat ay aligaga dahil kanina pa nawawala si Jungkook na kanina lang ay masayang naliligo sa dagat kasama ang mga kamiyembro nya. Ramdam nya ang kaba sa dibdib nya habang nakikita ang mga nag-aalalang mukha ng mga kasama nya, idagdag mo pa ang kaba kung nasan na nga ba si Jungkook ngayon. Kung saan-saan na nila hinanap si Jungkook pero hindi pa rin nila ito makita.

Tumakbo sya sa di kalayuan at agad na lumusong sa tubig. Ayaw nyang may makakita sa kanya na lumalangoy papunta sa malalim na parte ng dagat. Hindi sya maalam sa paglangoy pero may nagsasabi sa kanya na nasa dagat si Jungkoook. Pinilit nyang bilisan ang paglangoy para makapunta sa medyo malalim na parte ng dagat, ng makarating na sya dito ay nag-ipon sya ng lakas ng loob para sumisid.

Medyo malakas yung current sa dagat pero hindi sya nagpadala dito. Kailangan nyang makita si Jungkook ngayon ng buhay dahil hindi nya alam kung anong gagawin nya kung may mangyaring masama dito.

Wala syang nakitang Jungkook sa unang sisid nya kaya umahon sya, napansin nyang malayo na sya sa dalampasingan at naghahanap pa rin ang mga tao doon at meron na ding ibang rescuer na padating.

May narinig syang parang nalulunod sa di kalayuan kaya pinuntahan nya iyon. Muli syang sumisid pero hindi nya pa rin makita si Jungkook. Sumisid pa sya ng mas malalim pero wala talaga kaya umahon sya ulit.

Ramdam na nya ang pagsakit ng mga kamay at paa nya dahil sa kanina pa pagsisid pero hindi nya ito ininda. Muli syang sumisid at masusing maghanap hanggang sa makita nya ito na mukhang pinulikat dahil hindi nya maipadyak yung isa nyang paa, halata rin nawawalan na ng hangin.

Agad syang lumangoy palapit dito pero bago sya makalapit at mukhang nawalan na ng malay si Jungkook. Ng makalapit na sya ay agad nyang hinawakan ang mga pisngi nito at inilapat ang labi nya sa labi nito upang bigyan ng hangin si Jungkook.

Matapos non ay hinawakan nya ito sa leeg at lumangoy paangat. Wala pa rin malay si Jungkook ng makaahon silang dalawa, pinilit nyang lumangoy papuntang dalampasigan habang hila-hila si Jungkook ng makaramdam sya ng pananakit ng isang paa nya.

Hindi nya ito magalaw dahil sa paninigas nito at masakit. Napalingon sya kay Jungkook at nakita nya na medyo namumutla na ito, kahit masakit ay sinubukan nyang kahit ilapit na lang si Jungkook sa dalampasigan.

---
"Doum! Doum!" May narinig silang sumisigaw kaya agad nilang hinanap iyon. Nakita nila si Yura na basang-basa at nakahiga si Jungkook sa harapan nya. Agad na nilapitan ni Seok Jin si Jungkook at tinignan ang pulso nito. Medyo nakahinga sya ng maluwag ng maramdamang meron pa itong pulso.

Lumapit ang isang doktor na kasama nila kay Jungkook at binigyan ito ng CPR. Samantalang iyak naman ng iyak si Yura sa tabi nito at hawak hawak ang kamay ni Jungkook.

Maya-maya ay umubo si Jungkook at inilabas ng tubig na pumasok sa kanya. Iminulat nya yung mga mata nya kaya halos lahat ay nabunutan ng tinik dahil sa nangyari. Umupo si Jungkook habang ubo pa rin ng ubo tapos niyakap sya ni Yura.

"Pinag-alala mo ko!" Sabi nito kay Jungkook habang naiyak.

"Noona mianhe" sagot naman ni Jungkook tapos inalo nya yung Noona nya.

"Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Eun-ah kay Jungkook na naiiyak na rin.

"Molla, sunod ko na lang na naramdaman ay masakit na paa ko at hindi na ako makahinga ng maayos" sagot nya.

Nilapitan si Jungkook ni Namjoon at tinanong kung ok lang ito samantalang inabutan naman ni Jimin si Jungkook ng twalya. Inalalayan nila sya na tumayo at dahil sa isang bahay para mas matignan sya ng maayos.

Sinundan lang ng tingin ni Yesung ng tingin si Jungkook na inaalalayan ni Hoseok at Yura para makarating sila sa bahay sa si kalayuan.

Hindi na sya nakiusyoso kahit alam nyang kinabahan din sya sa nangyari dito. Tumulong din sya sa paghahanap pero hindi nila ito, mabuti na lang at nakita at nailigtas ito ng girlfriend nya.

---
"Hyung" tawag ni Jungkook kay Seokjin na nakaupo sa isang upuan na malapit sa kanya. Nilingon sya nito kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita.

"Si Noona ba yung nagligtas sa akin?" Nagtaka naman si Seokjin dahil sa tinanong ng kamiyembro nya pero sinagot nya pa rin ito.

"Ne, wae may iba pa ba?" Sagot nya, halata sa mukha ni Jungkook na nagtataka ito.

"Jinjja? Para kasing iba yung nakita ko kanina" tumabi si Seokjin kay Jungkook dahil sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ako sigurado hyung, pero sa pagkaka-alala ko babae sya. Hindi malinaw yung mukha nya pero sigurado akong hinalikan nya ako para bigyan ng hangin" naguluhan naman si Seokjin sa sinabi ng maknae nila.

"Yung pakiramdam ko kanina nung lumapit sya sa akin kakaiba, parang nung may tumulak sa akin para hindi ako masagasaan noon. Tanda mo ba Hyung, yung reaksyon ng katawan ko sa hawak nya ganon yung reaksyon ng kawatan ko sa nagligtas din sa akin noon" patuloy na pinagdugtong-dugtong ni Jungkook yung nangyari sa kanya kanina tsaka yung nangyari sa kanya ilang taon na ang nakakalipas pati yung kakaibang pakiramdam nya dahil sa mga nagligtas sa kanya.

"Kumain ka na lang, napasukan na din ata ng tubig yang ulo mo" sabi Seokjin sabay lapit kay Jungkook yung mga pagkain na niluto nya.

Kumain naman si Jungkook pero patuloy nya pa ring iniisip ang mga bagay na iyon.

----
Weyt, pagtyagaan nyo muna tong chap na to. Itatype ko pa yung chapter 15 eh.

Yoora is coming... Djks XD.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon