xvi
Kanina pa tinitignan ni Yesung si Somi na busy sa pag-aabot ng mga gamot sa pasyente ng Oppa nya. Kapag ganito ay agad na lilingon sa kanya si Somi dahil ayaw nito ng may nakatitig sa kanya pero kahit buong maghapon at ata nya itong tignan at buong maghapon pa syang magpapapansin dito ay mababalewala ang efforts nya. Dalawang araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sya pinapansin nito.
"Yesung-ah" napukaw yung pag-iisip nya ng tawagin sya ni Hanuel at ngumiti ito sa kanya.
"Hayaan mo muna sya, arraseo?" Payo ni Hanuel sa kanya sabay hawak sa kamay nya at bahagya itong pinisil. Napatango naman si Yesung kahit na hindi nya gusto na hayaan muna na hindi sya pinapansin ni Somi. Simula kasi nung magkakilala sila sa ospital dati ay itinuring na nya itong kapatid kaya sobrang halaga ni Somi sa kanya.
"Sillyehabnida" sabay silang napatingin sa nagsalita. Nakita nila si Jungkook na nakatayo sa may tapat nila at mukhang may kailangan. *Excuse me*
"Neh?" Pansin sa kanya ni Hanuel pero hindi nito inalis ang pagkakahawak sa kamay ni Yesung. Mukhang hindi naman narinig ni Jungjook ang sinabi ni Hanuel dahil nananatili itong nakatingin sa kamay nilang dalawa na magkahawak.
"Neh, Jungkook-sshi?" Ulit ni Hanuel sa sinabi nya at doon lang sya nilingon ni Jungkook. Sinabi nito ang kailangan nya at agad naman itong inayos ni Hanuel at Yesung.
"Ako na, magaan lang naman to"pagpupumilit ni Yesung habang dala-dala ang isang medyo malaking box na puno ng gamit at gamot. Tinignan nya si Jungkook na nauuna na sa kanya ngayon habang may dala ding malaking kahon. Sinenyasan na ito na maglakad na sila papunta sa kung saan dadalhin ang mga kahon.
Sabay silang naglalakad at walang nagsasalita sa kanilang dalawa.
"Ahmm si Hanuel hyung? Kaano-ano mo sya?" Napalingon naman si Yesung kay Jungkook dahil sa sinabi nito. Hindi naman alam ni Yesung kung anong isasagot, alam nyang magkaibigan lang sila ni Hanuel pero parang may pumipigil sa kanya na sabihin nya iyon.
"Pansin ko kasi madalas kayong magkasama at magkahawak kamay" dagdag pa nito na mas lalong nagpalito kay Yesung.
"Nam-ja" sabi ni Yesung, napatingin sya kay Jungkook at nakita nyang kumunot ang noo nito.
"Namjachingu?"pagkumpleto nito sa sasabihin nya, maya-maya ay tumango si Yesung kaya napatango din si Jungkook.
Matapos nun ay katahimikan ang maghari sa kanila, patuloy lang sila sa paglalakad at paminsan-minsan ay nagkakatinginan sila pero agad ding iiwas ang isa sa kanila.
"Tungkol nga pala dun sa sinabi mo nung isang araw, si Hanuel hyung ba yon?" Tanong ulit ni Jungkook kaya napatigil sa paglalakad si Yesung. Napansin ni Jungkook na hindi na nakasunod si Yesung sa kanya kaya napatigil din sya.
"Aniyo, naalala ko lang yung nabasa kong libro. Malay mo sa totoong buhay nangyayari pala yon di ba?" Nagsimula na ulit maglakad si Yesung kaya sumabay na si Jungkook.
Hindi naman sumagot si Jungkook, maya-maya ay muling tumigil sa paglalakad si Yesung, ibinaba nya yung kahon na dala nya at kinusot nya ang isang mata nya.
Sunod nyang naramdaman na may humawak sa kamay nya at napatigil sya ng makita si Jungkook sa harap nya. "Wag mong kusutin, baka lalong maimpeksyon yung mata mo" sabi nito sa kanya. Hinawakan nito ang pisngi nya at inihipan yung mata nya na napuwing.
Ramdam ni Yesung ang pagbilis ng tibok ng puso nya dahil magkalapit lang sila ni Jungkook. Chineck ni Jungkook yung mata nya at muli itong hinipan. "Gwenchana?" Tanong nito sa kanya. Tumango sya at maya-maya ay ngumiti ito sa kanya.
"Kyeopta" nakangiting saad nito sa kanya kaya nagtaka sya.
"Para kang si Noona kung magblush, pulang-pula" dagdag pa nito sa kanya kay napahawak sya sa mga pisngi nya.
"Jinjja, Yesung?" Tapik ni Yesung sa mga pisngi nya habang kita nya na natatawa pa rin si Jungkook sa kanya. Pinagsama nito ang mga kahon na dala nila at mag-isa itong binuhat.
"Gwenchana, ang cute mo nga eh" asik nito sa kanya bago tuluyang maglakad.
Humabol sya dito para kunin yung kahon na dala nya pero hindi na ito ibinigay ni Jungkook sa kanya.
"Kyeopta!" Napalingon si Yesung ng may magsalita. Pakiramdam nya ay may tumatawag sa kanya pero paglingon nya ay wala naman. Ipinagpatuloy na lang nya ginagawa nyang paghihiwa ng mga gulay para sa lulutuin nila mamaya.
"Kyeopta!" Tawag ulit sa kanya, pero wala pa ring nagpapakita kung sino yung natawag sa kanya. Naghiwa na lang ulit sya ng mga gulay.
"Psst! Kyeota, gwenchana?" Bigla na lang may lumitaw na Jeon Jungkook matapos dumulas yung kutsilyo habang naghihiwa sya ay nasugatan ang kamay nya.
Pinisil nya ito para lumabas yung dugo ng hawakan ni Jungkook ang kamay nya at punasan yung dugo gamit ang panyo nya.
Nagkasalubong mga mga tingin nila at napatawa na naman si Jungkook. Binawi ni Yesung yung kamay nya mula sa pagkakahawak ni Jungkook at pinalo nya ito sa braso."Namumula ka naman Kyeopta!" Napakunot ang noo ni Yesung dahil sa tinawag sa kanya ni Jungkook.
"Kyeopta?" Takang tanong nya, tumango naman ang kausap nya at may kinuha sa bulsa ng pantalon nya na isang band-aid.
"Ne, mula ngayon Kyeopta na ang tawag ko sayo kasi kyeopta ka" sagot ni Jungkook habang nilalagyan ng band-aid ang kamay ni Yesung.
"Mianhe Kyeopta, nasugatan ka dahil sa akin" sabi nito sa kanya.
*Sanay na akong masugatan dahil sayo* mahinang sagot ni Yesung pero mukhang hindi narinig ni Jungkook.
Humarap ito sa kanya at pinat ang ulo nya. Inalis naman nya ito at sinamaan ng tingin ang kasama nya.
"Wag mo nga akong ginaganyan, mas matanda kaya ako sayo" asik nito sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ni Jungkook dahil sa sinabi ni Yesung.
"Jinjja?" Di makapaniwalang tanong nito, tumango naman si Yesung.
"Noona pala kita kung ganon" agad napatalikod si Yesung dahil sa sinabi ni Jungkook. Hindi nya maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi nito.
"Annyeong Noona. Noona kong kyeopta!" Sabi ko ititigil ko na, pero binibigyan mo naman ako ng pag-asa Jungkook.
-----------
Helloooooo!!!!!!!Wala lang haha XD. Sorry sa mga naghintay, wala lang talaga ako sa mood magUD eh, mianhe * insert APOLOGY ng iKON here*
Hmmmm.... Sinong gustong akong mameet? *wala kapal ng mukha mo magtanong*
Anyways kung meron, just want to tell that #TeamGenAd po ako sa Epilogue!!! So see you in July 30!!! Yay! Akala ko di na talaga ako makakapunta T_T
P.S: Yoko naaghanap ng gifs ni Jungkook, lalo akong naiinlove eh 😍😍😍