viii

2.3K 179 190
                                    

viii

"Bakit yan lang almusal mo?" Napatigil sa pag-inom ng kape si Yesung ng biglang may magsalita. Napa-angat sya ng tingin at nakita nya ang isang pamilyar na mukha na naglalakad papalapit sa kanya. Umupo ito sa tapat nya at inabutan siya ng isang baunan. Napatitig naman sya sa mukha nito na nakangiti ngayon sa kanya.

"Yesung di ba?" Tanong nito sa kanya at tumango sya. Muli nitong inabot yung baunan sa kanya pero hindi pa rin gumalaw ang mga kamay nya para kunin ito.

"Wag ka ng mahiya, luto yan ni Jin Hyung kaya masarap" sabi nito sabay lapag ng baunan sa harap nya at binuksan na nito ang sa kanya.

"Kamsahamnida" mahinang sabi ni Yesung sa kausap nya kaya napangiti naman ito.

"Wag ng masyadong pormal, mukha namang magkasing-edad lang tayo eh" sabi nito kaya tumango sya, muli nitong inilapit yung baunan sa kanya at inabutan din sya ng chopsticks

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wag ng masyadong pormal, mukha namang magkasing-edad lang tayo eh" sabi nito kaya tumango sya, muli nitong inilapit yung baunan sa kanya at inabutan din sya ng chopsticks.

"Ah, hindi kasi ako sanay mag-almusal eh" sabi nya dito kaya kumunot ang noo ng kausap nya.

"Bwo? Andwae! Kumain ka at malayo pa yung pupuntahan natin" bigla itong tumayo at binuksan yung baunan para sa kanya saka inilagay sa kamay nya yung chopsticks na nasa tapat nya.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo nauubos iyan" sabi nito sa kanya kaya napatingin sya sa mukha nito. At ng makita nyang nakatingin din ito sa kanya ay napaiwas sya ng tingin.

"Ano kasi eh..."

"Andwae, tigilan mo ko Yesung. Masama ang hindi nag-aalmusal kaya kumain ka na" pagmamatigas nito kaya napatango na siya. Mukhang hindi nga sya makakatakas sa lalaking ito.

Tinignan nya yung pagkain sa baunan at nakita nyang kanin, karne at kimchi ang nakalagay doon. Susubo na dapat sya ng bigla syang pigilan nito.

"Saglit, pwede ba sayo ang kimchi?" Seryosong tanong nito sa kanya.

"Wae?" Balik na tanong nya dito.

"Nagtatanong lang, may kakilala kasi ako dati na hindi pwede sa kimchi. Nagkakapantal sya kapag nakakakain ng kimchi" sagot nito habang nakain. Tumango naman si Yesung.

"Neh, pwede sa akin ang kimchi. Paborito ko nga ito eh" napangiti muli yung kasama nya dahil sa sagot nya. Nagsimula na syang kumain at masasabi nyang masarap nga ang pagkakaluto nito.

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng dumating si Jungkook kasama yung Noona nya.

"Pwedeng sumabay hyung?" Tanong ni Jungkook, nakita ni Yesung ang pag-iba ng mood ng kasama ng makita nito yung babaeng kasama ni Jungkook.

"Ah ne, pwedeng-pwede di ba Yesung?" Tumango si Yesung sa tanong ng kasama nya. Lumipat ito sa tabi nya at umupo si Jungkook at yung kasama nya sa tapat nila.

"Hala! May kimchi pala itong niluto ni Hyung, Noona akin na yung iyo. Baka magkapantal ka pa" nakaramdam ng pagkailang si Yesung dahil sa ginagawa ng mga tao sa tapat nya.

"Ha?" Sabi ng katabi ni Jungkook ng sinimulan ng kunin ni Jungkook yung kimchi sa baunan nya.

"Nagkakapantal ka kapag nasosobrahan sa kimchi Noona di ba? Nalimutan mo na ba?" Napatingin sa kanya yung kasama ni Jungkook pero agad din itong umiwas. "Ok na ako, pwede na sa akin ang kumain ng kimchi" sagot nito kaya napatigil si Jungkook sa pag-aalis ng kimchi sa banunan nito.

"Ganon ba Noona? Ok, pero konti pa rin ang kainin mo arraseo?"
Hindi sanay si Yesung sa mga gawain ng magkasintahan lalo pa't nakikita nya ito ng harapan. Napansin din syang biglang tumahimik yung katabi nya at pinaglalaruan na nito ang pagkain sa baunan.

Mabilis na inubos ni Yesung yung pagkain nya at tumayo. Nagbow sya sa harap nila Jungkook at ng lalaking kanina pa kasama at syang nagbigay ng pagkain sa kanya.

"Gomawo..." sabi nya dito.

"Taehyung, Kim Taehyung" pakilala nito.

"Neh, gomawo Taehyung-ah" sabi ni Yesung tapos nagpaalam na sya para umalis.

---
"Unnie! Bakit di mo sinabi na nakasabay mo pa lang kumain si Taehyung Oppa kanina?" Ibinaba ni Yesung ang kamerang hawak nya at tinigan ang dongsaeng nyang parang batang nagwawala ngayon sa harapan nya. Hindi naman nya sinasadya na makasabay si Taehyung sa pagkain kanina, nagkataon na lang nakita sya nito na mag-isang nagkakape sa labas kanina.

"Hindi ko naman alam Saeng, isa pa nakalimutan ko nga yung pangalan nya" sagot ni Yesung sabay balik sa pagkuha ng mga litrato. Nakarating na sila sa pangalawang destinasyon nila para sa medical mission na ito.

Nagpout si Somi sa harapan nya kaya kinunan nya ito ng sunod-sunod na litrato. Ang cute talaga ng Dongsaeng sya kahit kailan.

"Unnie naman eh!" Angil nito sa kanya. Maya-maya ay may naramdaman si Yesung na kung ano sa sa braso nya. Bigla na lang itong nangati at ng tignan nya ito ay namumula na. Ibinalik ni Yesung yung braso nya sa loob ng sleeves nya at hindi na ito ininda. Bumalik na sya sa pagkuha ng mga litrato ng nga taong nakakasalamuha nya.

Lumapit sya sa isang grupo ng mga bata na naglalaro at sila ang ginawa nyang subject. Habang naglalaro yung mga bata at tuloy sa pagpindot ng camera si Yesung.

Tinitignan nya yung mga nakuha nyang litrato ng may maramdaman syang lumapit sa kanya. Pag-angat nya ng tingin ay nakita nya si Jungkook na nakatayo sa tapat nya at may kasamang batang maliit.

"Suot mo sa kanya Oppa" sabi nung bata kay Jungkook sabay abot ng isang hair clip. Napakamot naman ng batok nya si Jungkook. Umupo si Jungkook para maging kalevel nya yung bata at may itinuro.

"Sa kanya ko na lang isususot, gilfriend ko yun eh" sabi ni Jungkook dun sa bata habang nakaturo sa isang babaeng nakaupo sa di kalayuan. Umiling yung bata, "Ayoko Oppa, sa kanya mo isuot" pagpupumilit nito sabay turo kay Yesung. Tumayo si Jungkook at medyo lumapit kay Yesung.

"Pwede ba?" Paalam ni Jungkook sabay pakita ng hair clip kay Yesung. Tumingin si Yesung doon sa bata "Jebal unnie" sabi nito sa kanya kaya tumango na lang si Yesung.

Dahan-dahang hinawi ni Jungkook ang buhok ni Yesung at inilagay yung hair clip na ibinigay sa kanya nung bata.

"Yay! Ang ganda ni Unnie!" Pagsasaya nung bata, napakunot naman ang noo ni Jungkook dahil napansin nyang may kakaiba sa mukha ni Yesung. Sobrang pula ng mukha nito at mukhang hindi maganda yung pakiramdam.

"Gwencha---"  hindi na natapos ni Jungkook yung sasabihin nya dahil bigla na lang bumagsak si Yesung sa kanya.

-----
Paupdate!

Siguro naman MEDYO naliwanagan na kayo? Hue hue XD

Pakisabi kay Jeon Jungkook, uwi na sya di na ako galit ok?

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon