xiii
Isinarado ni Yoongi yung pinto kung saan nya iniwan naka-upo si Jungkook. Kung alam lang ni Jungkook kung gaano kagusto ni Yoongi na sabihin sa kanya lahat ng nalalaman nya pero ayaw nyang pareho silang mapahamak.
"Alam kong alam mo na kung sino si Yoora" sabi sa kanya ng isang tao na ngayon nya lang nakilala. Tinignan nya ito sa mata at kita nyang seryoso ang sinasabi nito.
"Alam kong gusto mo sabihin sa mga kamiyembro mo na sya si Yoora lalo na kay Jungkook pero humihingi ako sayo ng pabor na huwag muna. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila natigil kaya sa oras na sabihin mo kay Jungkook ang nalalaman mo, madadamay sya." Dagdag pa nito, nung una hindi sya naniniwala sa mga sinabi nito tungkol sa mga mata na nakamasid kay Yoora hanggang sa sya mismo ang makakita ng mga ito.
Sa tuwing mag-isa si Yoora ay may nasunod sa kanya na kahina-hinalang tao. Ilang beses na nya itong nakita at sinubukan nyang sundan pero nakatunog ata kaya hindi na nya ito naabutan. At kanina, habang pinag-lalaruan ni Yoora ang beanie nya ay muli na naman nya itong nakita kaya agad-agad nyang inilayo si Yoora sa lugar na iyon. Isa pa, alam nyang nakasunod din si Jungkook sa kanilang dalawa.
---
Someone's POV"Dapat taasan mo bayad mo sa akin eh, ang dami kong ginagawa para lang masabing ako ang totoong Yoora" sabi nya sa kausap nya na walang ganang nakatingin lang sa kanya ngayon.
Tinignan sya nito mula ulo hanggang paa at inisnaban. "Kapal naman ng mukha mong manghingi ng dagdag na bayad, tapos na ba ang misyon mo?" Asik nito sa kanya at nagcross-arm pa kaya napapout sya.
"Tigilan mo ko sa kakapout mo, nagiging kamukha mo lang lalo yung Yoora na iyon kaya mas naiirita ako" dagdag pa nito sabay bukas sa dala nitong bag at kinuha yung isang sobre na makapal.
Inabot ito sa kanya at isang napakagandang ngiti ang sumilay sa labi nya.
---
"Whoa! Daebak" halos lahat sila ay namangha ng makarating sila sa isang maliit na beach na malapit sa lugar kung saan sila nagheld ng medical mission. Bilang kapalit sa pagtulong nila sa mga tao sa bayan na ito ay dinala sila ng mga ito sa isang tagong paraiso na iilan pa lamang daw ang nakakapunta.Agad na kinunan ni Yesung ng mga litrato ang mga tanawin na kanyang nakikita samantalang yung iba nyang mga kasama ay agad na lumusong sa tubig at nagtampisaw.
Habang tinitignan nya yung mga litrato na kinunan nya ay may naramdama syang lumapit sa kanya at pag-angat nya ng tingin ay nakita nya si Hanuel at Somi na nakasando at shorts na ngayon. Medyo mainit na ang panahon kaya magandang maligo ngayon sa dagat.
"Unnie!" Parang bata na tawag sa kanya ni Somi at pinagpapalo ang braso ng Oppa nya.
"Wag kang magtwotwo piece, sinasabi ko sayo!" Asik ni Hanuel bago tuluyang iwan si Somi para makiligo na rin sa mga kasama nya.
"Unnie!" Iyak ni Somi sa Unnie nya pero tinawanan lang sya nito. "Gwenchana" payo sa kanya ng Unnie nya na mas ikinainis nya. Nakita nya kasi na yung iba nilang mga kasama ay nakatwo piece samantalang sya nakasando at shorts lang. Nagpalit na din si Yesung at kagaya ni Somi ay nakasando at shorts lang din sya.
Umupo sya sa may dalampasigan at dala-dala nya yung camera nya, tuloy lang sya sa pagkuha ng mga litrato ng paligid at ng mga kasama nya na naliligo pa rin hanggang ngayon.
Maya-maya ay nagsigawa ang mga tao kaya napalingon sya sa may bandang likuran nya. Nakita nya yung BTS na parang mga model na nakatayo. Kanya-kanya silang tanggal ng mga shades nila at kagaya ni Hanuel at ng iba pa nilang kasama ay nakashorts ang ito at nakasando.
Naglakad papalapit sa may tubig ang mga ito at maya-maya ay nagsimula na silang magbasaan. "Jungkook!!!" Napatigil sila ng may sumigaw at napalingon muli sila sa may likuran, nakita nila si Eun-ah at Yura na nakatwo piece na, pero mukhang nahihiya si Yura dahil itinatago nya yung sarili nya kay Eun-ah.
Hinila papalapit ni Eun-ah si Yura na pumunta malapit sa ng mapansin si Yesung ng mga ito.
"Omo! Unnie bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ni Eun-ah kay Yesung kaya napatingin ito sa suot nya. Wala namang mali sa damit nya di ba?
Sasagot na sana si Yesung ng gumarang si Somi sa harapan nya. "Hindi kasi cheap si Unnie Ok?" Maarteng pagkakasagot ni Somi kaya napataas ang kilay ni Eun-ah.
"So ibig mong sabihin lahat ng nakatwo piece dito cheap?" Balik na tanong ni Eun-ah kay Somi. Inalis nito yung shades na suot nya at tinignan si Eun-ah at Yura mula ulo hanggang paa.
"Ani, parang kayong dalawa lang" sagot ni Somi at susugurin na sana sya ni Eun-ah pero humarang si Hanuel.
"Subukan mong saktan ang kapatid ko, hindi ako magdadalawang isip na isaksak sayo lahat ng injection na dala ko" sabi ni Hanuel kay Eun-ah. Sinamaan na lang sila nito ng tingin bago tuluyang magpunta sa dagat.
"Bagay sila sa dagat dalawa, isang pusit at isang hipon. What a perfect combination" napailing naman si Yesung. Nagsisimula na naman ang magkapatid sa ugali nilang panlalalit sa mga tao sa beach. Kaya minsan ayaw nyang kasama ang dalawa lalo sa mga ganitong lugar.
"Yah! Ibaba nya ko!" Bigla na lang binuhat ng magkapatid si Yesung dahilan para magulat ito. Hawak ni Somi ang mga kamay nito samantalang si Hanuel naman sa mga paa nya. At ng makarating sila sa mababawa na parte ng dagat ay idinuyan sya ng mga ito bago inihagis. Pag-ahon nya ay tumatakbo na palayo silang dalawa sa kanya habang tawa ng tawa. Hindi na sya humabol sa mga ito, tumalikod na lang sya para tignan yung malawak na dagat na matagal na rin di nya nakikita dahil busy sya sa pag-aaral.
----
I guess this chapter might answer some of your questions.Don't trust too much ok?
Hmmm... I'll try to post 2 more chaps later. Abagan nyo na lang yung chapter 15, malalaman nyo na kung sino ba talaga si Yoora...