vi

2.4K 189 233
                                    

vi

"Hana.. Dul.. Set.." turo ni Yesung sa mga batang nagsasama para matuto silang magbasa at magbilang. Matapos nyang humiwalay kay Hanuel ay dumiresto sya dito at agad naman syang sinalubong ng mga bata.

"Noona?" Biglang tawag sa kanya ng batang tinuturuan nya. "Hmm?" Sagot nya dito. Nilingon nya ito at biglang namula yung bata.

"Dangsineun namja chingu ga issnayo?" Mahinang tanong nung bata pero sapat lang para marinig ni Yesung at matawa sya. *Do you have a boyfriend?"

"Waeyo?" Natatawang tanong ni Yesung dun sa bata sabay kurot sa pisngi nito.

"Amugeosdo" biglang nahiya na sagot nung bata.

"Aniyo, namja chingu obseoyo" sagot ni Yesung kaya napatingin sa kanya yung bata. "No, I don't have a boyfriend"

Sa di kalayuan ay kanina pa nakatingin si Jungkook kay Yura na nag-aabot ng mga gamot sa matatanda. Tinitignan nyang mabuti kung si Yoora nga ba ang kasama nya dahil wala namang pinagbago sa mukha ng Noona nya. Maganda pa rin ito at mukhang walang kagalos-galos na nangyari.

"Posible kayang hindi kasama si Noona nung bumagsak yung eroplano?" Bulong ni Jungkook aa sarili nya. Hindi nya alam, pero iba talaga yung pakiramdam nya nung hawakan sya ng Noona nya kanina.

"Pero imposible, nandon ang mga gamit nya sa crashed site noon" pilit iniisip ni Jungkook kung anong posibleng nangyari nung mga panahon na nakalipas.

"Appa!" Napatigil ang pag-iisip ni Jungkook ng biglang may sumigaw na bata tapos bigla itong nadapa pero wala namang nakaharang sa dadaanan nya. Pinilit tumayo nung bata pero bumagsak din ito agad kaya nilapitan na nya ito at binuhat.

"Gwenchanayo?" Tanong nya dito pero hindi ito sumagot. Kinapa-kapa nito ang mukha nya habang sabi ng sabi ng Appa. Hindi ito mapatanhan ni Jungkook, natataranta na sya at hindi nya alam kung anong gagawin.

"Akin na" sunod nyang nakita si Yesung sa harapan nya at kinuha nito yung bata mula sa pagkakakarga nya.

"Hindi ka marunong magpatahan ng bata?" Tanong ni Yesung sa kanya at agad syang tumango. Halos kalahati ng buhay nya ay nasa practice room sya kaya paano sya matututong mag-alaga ng bata?

Saglit lang ay napatahan na ni Yesung yung bata at ginawa nya iyon sa pamamagitan ng pagkanta. Napatitig si Jungkook kay Yesung, na kasalukuyang nilalaro na yung bata.

"Jungkookie!" Napalingon sila pareho ni Yesung sa tumawag sa kanya. Nakita nya yung Noona nyang nakapout sa may di kalayuan.

"Hinahanap ka na ng girlfriend mo" sabi ni Yesung sa kanya kaya napatingin sya dito. Agad naman syang tumango at nung aalis na sana sya ay pili syang inaabot nung batang hawak ni Yesung.

"Shh. Aalis na si Oppa, hinahanap na sya ng girlfriend nya" sabi ni Yesung dun sa bata at nagsimula na nan itong umiyak at gustong sumama kay Jungkook.

Dahil hindi na din makontrol ni Yesung yung bata ay kinuha na sya ni Jungkook. "Appa, kajima" sabi nito sa kanya sabay pikit ng mga mata.

"Hindi ako ang Appa --" hindi naituloy ni Jungkook yung sasabihin nya ng sumenyas si Yesung ng tahimik. Lumapit sa kanya ito ay inayos yung pagkakakarga nya dun aa bata.

"Dapat dito mo sya aalalayan" sabi ni Yesung at hinawakan nito ang kamay nya saka inilagay sa likod nung bata, nakaramdam sya ng maliit na boltahe ng kuryente dahil sa ginawa ni Yesung.

"Ayan, para hindi sya mahulog!" Asik nito sabay ngiti sa kanya. Magsasalita sana sya ng putulin na naman sya nito.

"Hindi mo ba napansin? Bulag sya"  dagdag ni Yesung habang hinahawi yung buhok ng bata na nagkakalat sa mukha nito.

"Pero kahit ganon, maganda sya" napatingin si Jungkook kay Yesung na medyo nililipad ng hangin yung buhok. Sang-ayon si Jungkook sa sinabi ni Yesung. Maganda nga yung babaeng tinitignan nya ngayon.

Maghapong nagtrabaho sila Yesung, Jungkook, Yura at Hanuel sa unang bayan na pinuntahan nila. Gabi na rin ng makabalik sila sa apartment nila kaya halos lahat ay tulog na pagdating na pagdating nila sa kwarto.

Someone's POV

Mag-isa syang naglalakad sa isang malapit na park. Maliit lang iyon at malapit sa dorm na tinutuluyan nila. Umupo sya sa isang bench at napapikit. Ngayon lang nya naramdaman yung pagod dahil sa maghapong pagtulong nila.

"Bakit hanggang ngayon yan pa rin ang phone case na gamit mo?" Napalingon sya ng marinig nyang may magsalita. Nakita nya ang isang lalaki na handang tumulong sa kanya kahit anong mangyari. Itinaas nya yung mobile phone nya at ngumiti.

"Wala lang, hanggang ngayon kasi nagagandahan pa rin ako sa phone case na to" sagot nya.

"Nagagandahan ka ba talaga o hanggang ngayon mahal mo pa rin sya?" Kahit kailan talaga napakadaling nyang basahin kapag ang lalaking ito ang kasama nya. Wala syang maitatago.

"Bakit hindi mo pa aminin na ikaw si Yoora, si Yoora-ng matagal na nilang hinahanap" napatawa sya kasabay nun ang pagtulo ng mga luha nya.

"Hinahanap? Kung talagang hinahanap nila ako, makikita at makikita nila ako kahit ano pang mangyari. Kaso hindi, naniwala sila sa balita na patay na ako, naniwala sya na patay na ako" nahihirapang sagot nya dahil sa pagbara ng lalamunan nyan.

"Yoora" tawag nito sa kanya kaya mas napangiti sya.

"Nakakamiss din pa lang matawag ulit sa pangalan na iyan"

"Hindi ka pa ba napapagod?" Tanong ulit ng kasama nya. Umiling sya.

"Hangga't kaya kong itago ang sarili ko para maprotektahan sila, lalo na sya gagawin ko. Gagawin ko kasi mahal ko pa rin sya"

"Swerte talaga ng gagong yun, paano ba maging si Jungkook?" Seryosong tanong nito sa kanya.

"Palakihin mo muna ilong mo" sabay silang natawa dahil sa sagot nya.

"Pero seryoso Yoora, kailan? Kailan ka babalik sa dati?" Seryosong tanong ng kasama nya. Tumingala sya at may nakita syang maraming bituin.

"Hindi na siguro, mas magandang ganito na lang kami. At least, pare-pareho kaming masaya"

"Masaya ka ba talaga?" Napatingin sya sa katabi nya dahil sa tanong nito. Masaya nga ba talaga ako?

"Siguro" hindi siguradong sagot nya dahil maski sya, hindi nya alam kung masaya ba sya at kung kelan sya huling sumaya.

Sabay silang napalingon sa may bandang kanan ng may makita silang lalaki na nakatingin sa kanila. Napaiwas sya ng tingin ng makita kung sino ito.

"Ikaw si Yoora?" Tanong nito habang naglalakad papalapit sa kanila.

"Oppa" mahinang tawag nya dito pero nananatili lang itong nakatingin sa kanya.

"Ikaw ba si Yoora?" Tanong ulit nito, tamango sya.

"Neh, Yoongi Oppa. Ako si Yoora"

------
Magulo pa rin ba?

Malapit na ang pagbabalik ni Eun-ah ahhaha XD

P.S: Si Somi talaga si Yoora djks

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon