xxiii

2.2K 135 65
                                    

xxiii

"Hinalikan ka nya, ibig bang sabihin alam na nya?" Napatingin si Yoora sa likuran nya ng may marinig syang magsalita. Tumayo sya mula sa pagkaka-upo nya mula sa sahig dahil kanina nya binabantayan ang  natutulog na si Jungkook. Nakita nya si Taehyung na nakasandal sa gilid ng pinto habang nakatingin sa kanya.

"Gomawo Taehyung-ah" imbis na sagutin ni Yoora ang tanong sa kanya ni Taehyung ay iba ang sinabi nya dito. "Salamat sa pagligtas sa akin noon" dagdag nya pa pero hindi sumagot si Taehyung sa kanya at nanatili pa rin itong nakatingin sa kanya.

"Yoora" hindi maiwasan ni Yoora na hindi mapangiti dahil sa pagtawag sa kanya ni Taehyung sa pangalan nya. Pakiramdam nya ay may humaplos sa puso nya dahil sa ginawang iyon ni Taehyung. Ilang taon na din nyang hindi naririnig ang boses nito na tinatawag ang pangalan nya.

Inangat ni Yoora ang tingin nya at nagtama ang mga mata nila ni Taehyung. Ganon pa rin ang mga mata nito, kung paano sya nito tignan limang taon na ang nakakalipas ay ganon pa rin pero randam ni Yoora na may nagbago na.

"Tinatanong kita, alam na ba ni Jungkook?" Ulit nito sa tanong nya kaya napayuko si Yoora at nagsimulang paglaruan ang mga daliri nya. Hindi nya alam kung alam na ba ni Jungkook ang lahat pero ramdam nya kanina na habang hinahalikan sya ni Jungkook ay parang kilala na sya nito.

Umiling si Yoora, "Molla" narinig nya ang pagbuntong hininga ni Taehyung dahil sa sinagot nya.

"Bakit ka nya hahalikan kung hindi nya alam na ikaw si Yoora?"

"Lasing sya Taehyung, at kapag lasing ang isang tao malaking ang chance na makita nya yung mga bagay na gusto nyang makita kahit wala naman talaga ang mga iyon" paliwanag ni Yoora kay Taehyung. Napaiwas ito ng tingin sa kanya at napapikit.

"Kelan mo sasabihin sa kanya?" Tanong ulit ni Taehyung sa kanya at sya naman ang napaiwas ng tingin dito. Matagal bago nakasagot si Yoora, meron sa kanya na nagsasabing magpakilala na sya pero mas malaki yung nagsasabing wag na at hayaan na lamang nya si Jungkook na magpatuloy sa buhay nya na wala sya.

Muling umiling si Yoora "Kailangan ko ba talagang sabihin sa kanya na ako si Yoora? Nakaya na nya na wala ako sa loob ng limang taon, alam kong kakayanin pa din nya pagkatapos nito" nakita nya na napakuyom ng kamay si Taehyung pagkatapos nyang sabihin ang nga salitang iyon.

" Aniyo, hindi nya kayang mabuhay ng wala ka Yoora. Hindi mo alam kung anong mga pinagdaanan nya sa loob ng limang taon na wala ka." Pilit na nilalabanan ni Yoora ng mga namumuong luha sa mga mata nya. Ayaw na nyang umiyak, ayaw na nyang bigyan ang sarili nya na maniwala sa mga sasabihin nila dahil alam nyang sa huli, si Jungkook pa rin ang iisipin nya.

"Hindi mo alam kung ilang gabi syang walang tulog at hindi kumain dahil sa kakahanap sayo dahil naniniwala syang buhay ka pa kahit buong mundo na ang nagsasabing wala ka na at hindi mo alam kung ilang beses syang nagtangkang magpakamatay dahil wala ka na" nagulat si Yoora dahil sa huling sinabi ni Taehyung pero hindi nya pinahalata sa kausap nya. Hindi nya akalain na darating si Jungkook sa punto na gagawin nya ang bagay na iyon.

Ngumiti si Yoora kahit na ang bigat na ang nararamdaman nya "Pero hindi natuloy di ba? Kasi nandun kayo. Wag kang mag-alala pagkatapos ng Medical Mission na to, hindi nyo na ako makikita kaya wala na kayong dapat alalahin sa akin at kahit pa magkita tayo sa Seoul, isipin nyo na lang na hindi nyo ako kilala, na patay na talaga si Yoora"

Nagsimulang maglakad si Yoora palabas ng kwarto na iyon pero pinigilan sya ni Taehyung. "Yoora waegurae?" Tanong nya dito pero inalis lang ni Yoora ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

"Oras na para magkanya-kanya tayo Taehyung, may buhay kayong dapat ipagpatuloy at may buhay din akong dapat ipagpagpatuloy. Hindi tayo uusad kung pare-pareho tayong maiiwan sa nakaraan" matapos nun ay tuluyan ng iniwan ni Yoora si Taehyung sa kwartong iyon.

Pagkalabas ni Yoora sa kwartong iyon at aya din syang lumabas ng building na iyon at tumakbo kung hanggang saan kaya ng mga paa nya. Paulit-ulit na bumabalik sa isip nya lahat ng sinabi ni Taehyung sa kanya.

"Aniyo, hindi nya kayang mabuhay ng wala ka Yoora."

"Aniyo, hindi nya kayang mabuhay ng wala ka Yoora."

"Aniyo, hindi nya kayang mabuhay ng wala ka Yoora."

Inisip pa lang nya na nagtangka si Jungkook na magpakamatay noon ay gusto na nyang saktan ang sarili nya. Alam nyang malaki ang kasalanan na nagawa nya kay Jungkook noon pa man simula nung tutulan nya ang relasyon nila ni Eun-ah pero hindi nya lubos maisip na gagawin ni Jungkook ang bagay na iyon.

Inilabas nya ang cellphone nya na hanggnga ngayon ay hindi pa rin nagbabago, ito pa rin yung cellphone na binili sa kanya ni Jungkook noon, walang nagbago dito maski ang phone case at wallpaper. Binuksan nya ang messages nya at muling binasa yung mga mga messages sa kanya ni Jungkook noon kahit nakabisado na nya ang mga ito dahil paulit-ulit din nya itong binabasa simula noon.

From: Yoora's Future Nampyeon
사랑해요 노나! 😘😘😘

From: Yoora's Future Nampyeon
Wag magpapakapagod Noona ah! I love you! ❤❤❤

From: Yoora's Future Nampyeon
I miss you Noona 😢😢😢

"Jeongmal Bogoshipo Jungkook" bulong nya habang binabasa ang message na iyon ni Jungkook na nareceive nya 3 taon na lang nakakalipas.

From: Yoora's Future Nampyeon
Noona! Saranghae! I miss you!

"Nado saranghae Jungkookie" Palagi  pinapadalhan ni Jungkook ng mga message na ang lumang number nya, ang hindi alam nito na palagi nyang nababasa ang mga ito dahil nasakanya pa rin ang lumang cellphone nya.

At habang binabalikan nya ang mga dating message sa kanya ay nakatanggap sya ng bagong message mula sa number nito.

From: Yoora's Future Nampyeon
Annyeong Noona! Kung nandito ka pa sa tabi ko ngayon icecelebrate na sana natin ang 5th anniversary natin ngayong araw. Matagal ko ng ginawa tong message na to pero ngayon ko lang sinend sayo kasi naniniwala ako na babatin kita sa personal sa 5th Anniversary natin pero kung nareceive mo tong message ko ibig sabihin hindi kita nahanap o ibig sabihin may iba na ako Noona, Mianhe. Pero mukhang malabo yun Noona kasi ikaw lang talaga ang mahal ko eh, pero kung may makilala akong mas hihigit pa sayo Noona sana tulungan mo kong wag mawala sya, sana tulungan mo kong wag syang saktan, Noona. I miss you Noona and I love you!

"Happy 5th Anniversary Jungkook"
-----

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon