SAM's P.O.V
"HOOOOOY SAM!" Tawag sakin ni Xenon habang patuloy pa din ang pag takbo namin. Ako papunta sa Classroom, siya naman papunta sakin.
"HAHAHAHAHAHAH WALANG POISE SI XENON HAHAHAH" sigaw ko sakanya at lahat ng babae ay pinag
tinginan siya"Grabe! Ang hot ni Xenon"
"marry me!"
"Napag tripan nanaman yung bebe ko"
"I love you Xenon!"Ilan ilan sa mga sigawan ng mga babae sa paligid. Napa iling nalang ako.
Nakarating na ako sa classroom at sumunod si Xenon na hinatak yung bonnet ko.
"Arbor na to! Patas na pre!" Habang hingal na hingal siya
"Hoy! Wag yan tae ka, bigay sakin ni Kuya yan!" Pag aakmang agaw koBigay sakin ni Kuya Lance yon, yung panganay kong kuya na Vice President ng compony ng family namin. Super the best kuya :)
"Oh! Ano nanaman yan Sam?" Pambungan ni Anton sakin
"Hala bat' ako? Si Xenon kinuha bonnet ko e!" Bulalas ko sakanya habang nakasimangot ng oa."Hoy Sam! Nag upload ka nga ng picture ko na namumuhala sa fries e" pag tatangol ni Xenon sa sarili niya. "E pano patay gutom ko! Dapat lang !" Sabay mahinang sapak sa tyan niya.
"W-wait! Ano?! Fries?! San kayo pumuntaaaaaa?!" Pagrereklamo ni Edward kay Xenon
"Ahh..Ehh.." Nabablankong sagot ni Xenon, pag kasi sinabi niya kung saan kame galing, babawi lahat ng kaibigan namin, magpapalibre o kung ano pa.Tinake advantage ko yung palusot moment ni Xenon at kinuha ko yung bonnet ko.
Pumunta na ko sa napili kong upuan, at for sure pupunta dito yung mga mokong na yun pagkatapos ng diskusyon nila.
Eto ako ngayon my appearance, naka black jeans, v-neck white shirt, black bonnet, and Maroon Vans. At may iba't ibang klaseng bracelets. Ang weird no? At Captain ball ako ng Volleyball team ng school since last year.
Isa akong mukang ganap na lalaki, pero di naman akong pusong lalaki. Sadyang gusto ko lang, trip lang. Para iwas sakit, iwas durog, at iwas sugat.
At ayan na nga sila pinalibutan na ako, ako yung nasa gitna, sa kanan ko si Anton, sa kaliwa si Zach, at sa likod si Xenon at Edward.
"Tss oo na mamaya sa canteen!" Rinig kong iritang sinabi ni Xenon na pangungulit ni Edward.
"Very good! I love you pre!" Pang aasar ni Edward at Miniddle fing siya ni Xenon.
Humaral na ako at patuloy pa din sila sa kulitan.
Nagulat ako bigla ng,
Siniko ako ni Anton "Sam, balita ko may gwapo na bagong varsity!" Pagmamalaki ni Anton."Seriously? Hayup mas pogi pa ko dun e!" Sabay pogi pose ko pa.
Wala naman akong pake sa pogi e.
"hala feeler!" Mahinang batok sakin ni Edward. Lakas makakontra Bad trip!"Epal, hanggang dito lang pre oh!" Sabay gawa ng imaginary line kung hanggang saan lang.
Napamake face nalang si gago.
"Shh! Andyan na adviser natin!" Pag saway ni Anton.
Tumahimik naman kami. Napag usapan kasi namin na titino na kame this School Year. Less trouble at less guidance office na kame. Dahil senior na e.
"Ehem. Good Morning class! Today is your first day, and we have transferee student from Decades School" pag iintroduce nung teacher namin.
Hindi kalayuan ang Decades School dito, marami ding elite don pero mas okay pa din dito sa Horizon Academy.
"Mr.Victorine, please enter the room" at may pumasok sa room namin na isang lalaking matangkad. Ah okay kaya Varsity player.
At yung mga kaklase naming babae grabe kung maka gasp at bulungan.
"Omg! Ano kaya name niya!!!"
"Grabe ang hot! May abs!
"Sarap niya teh!"
"Gwapo niya sobraaa! May dimples pa!"Ilan sa mga reaction ng mga girls.
"Putsa! Mas pogi pa rin ako!" Mayabang na sabi ni Xenon
"Lalo naman ako tss.. Maliit na bagay" pagmamayabang ni Zach
"Pano pa ko? Di ba?" Sabay kindat ni Edward.
"Hay nako, di na ko nagsasalita" pagmamayabang lalo ni Anton."Mas pogi ako no! Hayy!" At medyo napalakas ata yung pagsambit ko ng bawat kataga
"Ms.Olibares?!" Sigaw ni Sir Angelito, napa peace sign nalang ako. At tinakpan ang muka ko."Don't mind her Mr.Victorine, please introduce yourself" mahinhin niyang sabi dito. Badap putek!
"Kyle David Victorine, 18, Ball is life" mayabang na bulalas nito,kasabay ng paghubog ng kanyang walang ekspresyong muka. Ang yabang.
Grabe yung pagka-boring sa klase, kung ano ano yung sinasabi netong bading na 'to e, ino-orient lang naman kame, tungkol sa rules ng school, sa requirments, sa subjects at kung ano ano pa.
*ringgggg*ringgggg*
Sa wakas! Breaktime na.
Unahan sa pag alis ang senior walang good bye good bye.
Habang nagmamadali akong lumabas, may bumangga sakin, paepal.
"Sorry" at nagulat ako dahil si Kyle the transferee student ang nakabangga sakin. Poker face siya.
"K" matipid kong sagot sakanya.
"Hoy Sam! Tara na!" Halata ang pag mamadali sa tono ni Anton
"Oo ito na! Otw!" Pasigaw kong sabi sakanya dahil medyo kalayuan na si Anton kasama ang tropa.
At nakarating na din ako sa parking lot.
As always pinagtitinginan mga kaibigan ko, may pasimpleng nag pipicture sakanila."Sam, sakin ka na sumabay ng di ka na maholdup" pabirong sabi ni Anton habang sumulyap saglit kay Xenon.
Napangisi at napailing nalang ako.
"So, san tayo lunch?" Na parang napakalaking problemang pagtatanong ni Edward. "Tara dun nalang tayo sa resto namin!" Pagaaya ni Xenon, nag titipid lang yan e, kasi ililibre niya kame hahahahahah!
"Yes! Ang pagkain na gawa ng mga Lacsooon! Wooo guton na ko!" Excited na sigaw ni Edward habang papasakay ng kotse niya.
At kay Anton na nga ako sumabay papunta sa Resto nila Xenon. Chef yung Mom ni Xenon while yung Dad niya naman Resort owner sa Batanes.
Mga 15mins. Ang byahe papunta sa resto at tanghali naman kaya walang traffic.
Di kami sabay sabay ng dating, actually kami yung nahuli ni Anton, kaya pagdating namin naka upo na sila sa Table.
BINABASA MO ANG
Beautiful You
FanfictionMapag larong tadhana. Masakit isipin na iiwan ka ng taong mahal na mahal mo. Lahat gagawin mo para sakanya, lahat ibibigay mo. Lahat isusuko mo para sakanya. Pero minsan, kahit gaano karami ang nagawa mong efforts. Hindi pa din ito sapat. Mahirap s...