Chapter Nineteen (Jealous Boy)

0 0 0
                                    

"Malapit ka palang mamatay, ako patay na Kyle." Malumanay ko lang sinabi ito, nakatalikod ako at punong puno ng emosyon ang aking muka. Nasasaktan ako.

"Tatanggapin ko lahat Samantha, Ganon kita kamahal" punong puno din siya ng emosyon.

Ngunit di ko ito pinansin. Dumiretso ako sa classroom ngunit wala na kong naabutan. Nagdismissed na.

Bat' ba ganun nalang kabilis sirain ni Kyle ang araw ko? Ganito nalang ba lagi?

Si Harry ang taga buo at siya ang taga sira?

Pano ko magagawa yung sinasabi ni Troy na go with the flow kung ganito ang nangyayare? Tss.

Pumunta na ko sa parking lot, at tama nga ang hula ko andito na sila.

Okay change aura na! Wag ng isipin si Kyle. Magpapakasaya na ko!

Isa akong dakilang mapagpanggap...

"Ang tagal mo Sam! Where have you been?" Curious na tanong ni Apple.

"Eh kasi si Harry e" medyo nangingiti kong sabi.

"Suus! Ikaw ah, kung kani kanino ka sumasama" affected ata si Xenon e hahahah galit na galit
"Ano ka ba Xenon, di lang basta basta si Harry para kay Sam. Suitor niya yun gago" at nagtawanan kami sa sinabi ni Anton.

"Ang panget ew" matipid na sabi ni Xenon. Ewan ko ba dun hahahah

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bistro. 1hr and 30 mins. ang vacant namin. Sakto lang na oras para tumambay kami.

"Edward nake-crave ako sa sisig" sabi ko dito. Masarap kasi sisig nila dito. Panalo!

Best seller nila yun dito.

"Sure, ako na bahala sa order, lahat masasarap at specialty" Galante talaga to si Edward, di katulad ni Xenon na kuripot!

"Gutom na ko grabe ang tagaaal!" Himuntok ni Apple. Akala mo walang sinusunod na Diet e.

"May gusto pala kong sabihin sainyo guys" nagulat ako kay Anton. Mukhang seryoso ah.

Nagkatinginan sila ni Apple. Goosh what was that look for?

"Uy, ano yun?" Curious na curious si Zach.

"Nakabuntis ka?! Ano?! Ikaw pa naman 'tong laging nag papaalala samin kung ano ang tama o mali pero ikaw tonf makakabuntis!" Pagkahaba habang react ni Xenon.

Ang oa niya po.

Sinamaan siya ng tingin ni Anton at napangisi lang si Xenon. Pilay kasi ehahahahahah

"ANO NA ANTONIO?!" Pag mamadali ko, ang tagal kasi e. Hahahah

"Teka nga wait kasi! Tss. A-ano kasi, I-I" grabe ngayon ko lang nakita si Anton na ganito. Yung nauutal tapos nape pressured.

Napapailing kaming lahat at tutok na tutok sakanya. Sakanila ni Apple actually.

"ANO?!" Tanong ni Edward.

"A-ano, I-I-I'm courting Apple" at yumuko ito.

Si Apple naman medyo nahihiya hiya.

At kami naman

"Woooooooooooh!!!! Putanginaaaaaa binata na si Antoniooooooooooo!"
"Woooooooooooo! Ninaaang ako sa kasaaaal!"

Nagwawala kami lahat, as in!

At si Anton naman natatawa lang.

"Pre totoo ba?" Tanong ni Zach, mas natutuwa pa siya e. "Oo nga!" At pinatong ni Anton yung kamay niya sa chair ni Apple.

Si Apple naman speechless. Hahahah I'm happy for them. Time na para kami naman ang mag advice kay Anton.
   Lagi nalang kasing siya ang nag aadvice saamin.

Beautiful YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon