Chapter Twenty One (Letting Go)

0 0 0
                                    

KYLE's P.O.V

"W-what the! SAM!" Biglang nag faint si Sam, bute nasalo ko kaagad siya.

"Saaam!" Lumapit lahat ng kaibigan niya.

"INAAPOY NG LAGNAT 'TO! WALA MAN LANG NAKAPANSIN SAINYO?!" Sobrang nagpapanic ako, nasigawan ko tuloy sila.

"K-kanina pa siya matamlay e, pero wala siyang lagnat" paeexplain ni Anton.

Shit Sam. Shit. Shit.

Binuhat ko si Sam at dadalhin ko sa Clinic. Maraming tao ang nag kakagulo, maraming tumitipon.

"UMALIS KAYO! ALIS! SHE NEED AIR!" Shit Sam! Pinag papanic mo naman ako e.

Tumakbo na ko papuntang clinic, at nakasunod sakin sila Zach.

This is bullshit! Dapat di nalang ako nang harana e, siguro kung di ko ginawa yun di siya mag kakaganito.

Naglalabasan ang mga estudyante para maki usyoso.

"S-Sam?! Anong nangyare kay Sam?!" Pag-aalala ni Harry.

Eepal pa 'to. "Mamaya ka na magtanong Harry! Where in hurry" seryosong sabi ni Xenon.

Pawis na pawis na ko. Halo halong kaba at pagod ang nararamdaman ko ngayon. At di nagtagal nakarating na din kami sa Clinic.

"Anong nangyari sakanya?" Relax na tanong ng nurse.
"Ahhhm. ANO PO NAG FAINT SIYA BIGLA" "MATAAS PO LAGNAT NIYA" "PLEASE PO GAMUTIN NYO NA"
Sabay sabay kaming nagsasalita.

"Shhhhh. Relax! Relax! Isa lang ang magsalita pwede?" Utos ng nurse.

"Ako na po, bigla siyang hinimatay. At pagka hawak ko po sakanya, inaapoy na siya ng lagnat. Hindi ko na po alam yung mga dahilan. Basta po kahapon nag training sila, at di ko po sure kung naka pagpahinga siya kahapon" sa totoo lang, alam ko kung nasaan si Sam kahapon.

Sinusundan ko siya san man siya magpunta lalo na pag wala akong ginagawa.

"Na-over fatigue lang ang kaibigan niyo. For sure hapong hapo siya sa training kahapon tapos marami pa siyang ginawa after non. Kailangan niya lang mag pahinga at uminom ng vitamins. Pwede na kayong bumalik sa klase niyo" okay lang si Sam para sa Nurse.

Pero sakin hindi. Hindi siya okay. Babantayan ko siya.

"Babantayan ko nalang si Sam Anton" papaalis na kasi sila Anton at papasok na ulit.

"Sige Pr--"
"No. Ako na, ako na mag babantay kay Sam" pag putol ni Harry sa sasabihin ni Anton.

Wala naman akong magagawa, alam ko namang pag gising ni Sam, magagalit lang yun pag ako ang nakita niya pag nagising siya.

Tuluyan na kong umalis. Hindi ko feel pumasok ngayon.

Dumiretso ako sa Studio kung saan malapit lang sa school. Hindi para mag recording o ano.

Akin 'to kaya ayos lang na tumambay ako dito. Maaga pa naman kaya walang tao dun.

Ilang minuto lang ay nakarating nako dito, at tama nga ako walang tao.

Umupo ako sa sofa at kinuha ang aking gitara.

Gitara na bigay sakin ni Sam.

Naiinis ako sa tadhana. Kaya ko naman mag tiis e, handa akong masaktan. Nagsisimula pa lang ako sa laban pero kailangan ko ng sumuko.

Kailangan ko ng mag paraya. Okay lang kung ako yung dehado e, kaso nasasaktan si Sam. Mas nahihirapan siya sa sitwasyon.

Alam kong may plano ang Diyos para saatin. Kung tayo tayo Sam. Mag hihintay nalang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beautiful YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon