Chapter Twenty (Harry's Sincerity)

0 0 0
                                    

Humingi ako ng isang dalawang slice ng cassave cake at pinag luto ko siya ng dinner.

Di pa daw kasi kumakain si Harry ng dinner, nag kukulong daw sa kwarto niya. Buti pinayagan ako ni Lola na gamitin yun kitchen nila.

Super quiet lang kami, para di bumaba si Harry. Ilang minuto nalang at tapos ko ng i-plating yung dinner niya. Or more like namin. Good for two yung ginawa kong dinner.

Nagpaalam na ko kay lola na pupunta na ko kay Harry. Para kong baliw dahil naka bagpack ako, dito nakalagay yung peace offering ko e. Hahahahahah.

Andito na ko sa tapat ng pinto niya and I'm nervous as fuck.

"Sir! Dinner niyo po" pinilit kong ibahin yung boses ko, para di niya mahalatang ako.

"Mamaya na manang!" Sigaw ni Harry na tama lang para marining ko.

"Sir ilalagay ko lang po, paki bukas po" natatawa ko sa pananalita ko, seriously.

Walang ganang binuksan ni Harry yung pinto ng room niya. Ni hindi niya nga napansin na ako yun e. Hahahahah Good thing.
Nakapako kasi ang tingin niya sa nilalaro niya.

Natatawa ko dahil naka boxers lang siya at topless. Sanay naman ako sa ganyan dahil sa mga kaibigan ko. But holy sht!

Si Harry Dela Cruz to!

Dumiretso lang siya sa tapat ng t.v, I see, nage-Xbox siya. Nilapag ko yung dinner namin sa table na katapat niya.

"Dinner na po tayo" at humarang ako sa t.v na nilalaro niya.

Nanlaki ang mga mata niya "Surprise!" Masigla kong sabi sakanya.

"SAAAAAAM! MY GOD! NAKABOXERS LANG AKO!" Gulat na gulat talaga siya, at sobrang lakas ng boses niya.

"The nerve Harry. Easy ka lang. Okay lang sakin, wag ka mahiya" Then I winked on him

"Sam naman e, wala kang pasabi! Pano mo nalaman address namin? Sam naman bat' di kita napansin? SAAAAAM WAAAAAH NAHIHIYA AKO!!!" Natatawa ko kay Harry, ang cute cute niya! Nape pressure siya!

"Relax. Tinanong ko kila Anton! I'm here to surprise you. Grabe di man lang ma appreciate. Pinag luto pa kita ng dinner tapos eto pa oh, Open it" tumalikod ako, at pinabuksan ko yung Bagpack ko.

"You don't need to do that" hahahahah nag seselos pa din siya.

"Wag ka ng mag selos Harry!" Pang-aasar ko dito. Bigla siyang namula "I-I'm not jealous!" Di siya magaling mag tago ng nararamdaman.

"Whatever you say, open my bag na nga!" Pag-uutos ko sakanya.

Binuksan naman niya ito. "Woah. Penguin Polo!" At tuluyan na niyang inilabas.

"I'm glad you like it" sabi ko sakanya with wide smile.

"Sige na nga aaminin ko na! Kasi naman e, nung una natatakot ka pa tapos nung huli nakipag-usap ka tas di mo na ko pinansin. Nakakatampo kaya" at literal siyang nag sad face.

"Hahahahahah Jealous boy. Sorry na nga e! May peace offering na oh, tapos pinagluto pa kita" nakaupo siya sa sofa at ako naman nakatayo sa harap niya habang pinipisil yung pisngi niya.

Nakatingala tuloy siya Hahahahahah.

Ang hot ni Harry grabe. Topless and messy hair 💓.

"Okay na po. Sorry na, and Thank you soo soo much baby girl" nakatingala pa din siya habang naka pasimpleng ngiti.

Nakakaloka yung ngiting yan e.

"Baby blue yung color niyan. Tama na drama, kain na tayo" at ginulo ko lalo yung buhok niya. At mas naging dazzling.

Beautiful YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon