SAM'S P.O.V
"Ayan na pala sila Sam e, ano oorderin niyo?" Nakasimangot na tanong ni Xenon habang paupo na kami ni Anton.
"Ahhhh, gusto ko ng Pizza please" pasosyal na sambit ni Edward. Hahahahah ang pangit, di bagay
"Pre ako spag lang saka garlic bread na sampo, di pa ko nakakatikim nun e Promise!" Pabirong sabi ni Anton, actually yun yung lagi niyang order lalo na pag dito.
"Pre, just Italian Chicago Meat please!" Request ni Zach, iritableng tumango lang si Xenon kasi andun na din naman yung kumukuha ng order e.
"Ahh Spaghetti with Squash and meatballs with Cabiata Bread please" while grinning to Xenon. Umirap lang ito.
"Mag bottomless ice tea nalang tayo ah!" Irita pa ring sabi ni Xenon, at lahat kami ay nagtawanan sabay high five sa isa't isa. Bawing bawi si Sam *Evil laugh*
As you can notice, yes po! Italian resto sila Xenon, pero pure Filipino, hilig lang ng Mom niya.
Lagi kaming ganito, hindi kami kumakain sa canteen, di namin feel yung foods dun e. Mas okay pa ata yung mga fast food kaysa doon e.
Minsan kkb kami (kanya kanyang bayad) pero madalas may taya. Yung isang manlilibre sa araw na schedule niya.
At ito na dumating na ang order namin...
"Oh galit galit muna tayo ah!" Pabirong bulalas ni Edward samin, nag ilingan nalang kami.
"Ang bait mo talaga Xenon! I love you!" Pag sasalita ni Zach na akmang hahalikan sa pisngi si Xenon.
"Pre bayaran mo yan sige!" At tinulak ni Xenon si Zach palayo."Hoy! Baka nakakalimutan niyo kumakain tayo mga mokong?" Pagsaway samin ni Anton, hay nako lagi nalang, ang kj niya haha
"Grabe siya oh, opo kuya!" Pagbibiro ko kay Anton. "Xenon asan pala si Tita Abi?" Nag tatakang tanong ni Zach.
Si Tita Abi yung Mom ni Xenon, madalas andito yung sa Resto at ineentertain kami. "May inaasikaso siya e" pagpapaliwanag ni Xenon. Only child lang 'to kaya pasaway e.
Tahimik na kaming kumain, ng biglang may lumapit na server.
"Ah, Sir Xenon may naghahanap po sa kasama niyo, si Ma'am Sam daw po" pag babasa niya sa note na hawak niya.
"Ah, siya yun" at tinuro ako ni Xenon sa server. Tumango lang ito at may kinuha.
"pinabibigay po ni Mr.Harry Dela Cruz" sabay abot sakin nung server ang isang medium size na boquet.
At umalis na yung server.
"Huhuhu, pre! Pinagtitripan niyo ba ko? O talagang nag balik na 'tong gagong to?" Medyo worried na pagbigkas ko.
"Hahahahah! Kala ko ba pogi ka? E nagbabalik na pala yan!" Pang aasar sakin ni Anton.
Si Harry, yung nanliligaw sakin simula 3rd year junior high. Isa rin to sa hearthrob sa school kaya takang taka ako kung bakit ako nagustuhan nito. It feels weird. Ayoko talaga sakanya. Mabait naman siya, kasama sa Basketball team, pero It's creeping me out!
"Oh ayun pala e!" At tinuro ni Zach sa hindi malayuang direksyon.
Sabay sabay namin siyang tinignan at the fvck! Ngumiti siya sakin at nag wave sakin.
Lord, sana po kainin ako ng lupa. Susugudin ko to!
Bwisit siya, paepal!
At tumayo na nga ako, dala yung boquet na nasa isa kong kamay.
"Hoy!" At hinampas ko sakanya yung boquet.
![](https://img.wattpad.com/cover/69131078-288-k937959.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful You
FanfictionMapag larong tadhana. Masakit isipin na iiwan ka ng taong mahal na mahal mo. Lahat gagawin mo para sakanya, lahat ibibigay mo. Lahat isusuko mo para sakanya. Pero minsan, kahit gaano karami ang nagawa mong efforts. Hindi pa din ito sapat. Mahirap s...