Chapter Thirteen (Gig)

1 0 0
                                    

Hanggang dun nalang yung napag-usapan namin ni Kyle. May try outs pa kami at ganun din sila.

Pumunta na ako sa gym at nagtataka ako dahil walang nangungulit na Harry sakin.

9am-1pm lang yung try out and 2-3pmyung announcement.

Eto ako ngayon, medyo pre-occupied dahil sa ginawa ni Kyle.

Binuhos ko nalang ito sa pagpalo ng balo. Nakakaawa yung mga nagta try out pero, Geez! I can't help it.

Natapos na ang walang hintong Apat na oras ng try out hindi ko na maramdaman ang braso ko.

"Coach, palagay lang po ako ng salonpas sa clinic. Ang sakit po sa braso" habang naka hawak ako sa braso ko.

Syempre pinayagan ako ni Coach, "capt! Sama ko, magpapacold compress ako" pinakita sakin ni Jane yung maga niyang braso kakareceived.

Sabay kaming pumunta sa clinic, at pinag-uusapan namin ang pagod sa try out.

"Ms.Beautifuuuul!" Isa lang naman ang tumatawag sakin niyan. Si Harry.

"Oh?" Medyo pataray kong sagot sakanya. Si Jane naman nakahawak sa bibig niya dahil sa pag-ngisi niya.

"Miss mo ko no? Hahaha! Nalate kasi ako e" pagpapaliwanag niya, at inabutan niya ako ng tumbler.

"No need to explain Harry. Para san 'to?" Reffering to the tumbler
"Baka uhaw ka e, you know I care for you Sam" medyo seryoso niyang sabi.

Ininom ko ito, straight. At tinatignan niya ako, bawat hagod ng aking nilalagok ay siya ring hagod ng adams apol niya.

"Oh. Thanks" binalik ko na sakanya yung tumbler at naiwan siya dun na nakangiting tagumpay habang hawak yung tumbler.

Napakasimple ng binigay niya sakin, water. Pero yung halaga nito sa lahat, priceless.

Andito na kami sa clinic at nagulat ako dahil andito lahat ng Kaibigan ko.

Including Apple na ang alam ko ay nasa library lang. Nagpa cold compress na si Jane. At ako naman...

"E bat kasi nangyari yan?" Tanong ko kay Zach na Captainball ng Basketball. Habang nagpapalagay ako ng salonpas.

"We're doing try outs Sam, it's accident" page-explain ni Anton.
"Tss. Ano Xenon Lacson? Hataw kasi lagi e!" Iritado kong pagsasabi kay Xenon.

"Ano ba yan e. Napilayan na nga ako pinapagalitan pa" medyo pababy niyang bigkas. Or more like pabebe.

Binatukan ko siya.
"Aw"
"Aw"
Sabay kaming nasaktan. Ako dahil sa braso ko at siya dahil sa batok ko.

"Ayan tuloy kailangan kang sementohan Xenon, lalo kang hindi makakapag laro." Disappointed na sabi ni Apple
"Hahahahah! Takot ka pa naman sa karayom Xenon! Ooperahan yang braso mo!" Mapang-asar na tono ni Edward. Baliw na kami. Tsss

Nagkaroon ng fracture yung buto ni Xenon sa braso niya, namali daw yung bagsak niya nung nagLay-up yung nagta try-out, naagaw daw ni Xenon kaso na out of balance daw kaya bumagsak at natukod ang braso niya.

"Anak! Ano bang nangyari sayo? I'm so worried"dumating na yung Mom ni Xenon, and I guess dadalhin na siya sa Hospital.

Umalis na kami dahil magsisimula na ang announcement ng mga pasok sa Varsity.

Hindi pwedeng mag stay lang kami dito dahil kailangan andun kami. Plus, aalis na din naman sila Xenon pagkatapos nitong magpahinga.

"So here is the list of the new players of Horizon Knights Volleyball team, if your name doesn't show, it doesn't mean your a failure or something. It's just that, this is not the right time for you. Just remember that, everything happened for a reason. Good Luck and God bless!" At ayun pinost na ni Coach yung list ng new players.

Beautiful YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon