Chapter Eight (Trouble)

0 0 0
                                    

SAM's P.O.V

"Anak ng lelang naman oh" bulong ko sa sarili ko. Anong ginagawa ng dalawang yan?

Bakit andito si Harry at Kyle? Pero syempre hindi sila magkatabi, magkalayo sila at pareho silang nairita nung nalaman nilang sabay sila nag cheer.

Pero bat sila nagchi-cheer? Nagle-lead lang ako sa try out ah? Ang oa.

Nabibwisit ako. Nakakaasiwa yung pagmumuka ni Harry, lalo na si Kyle!

Sarap spike-an ng bola sa muka tapos mag dudugo yung ilong! HAHAHAHAHAHAH

"Hoy!Gago!" Bigla kaming nagulat, lahat kami, biglang bumulagta si Kyle sa sahig, at pinaulanan ng suntok.

Si.. Si Xenon sinusuntok si Kyle, fvck baka mamatay!

"Xenon!" Awat ko dito, hinawakan ko ang magkabila niyang braso. "Ano ba 'to Xenon? Anong problema mo?!" Takang taka kong tanong, kasi naman wala naman nangyari sakanila e.

"Ako wala Sam, pero tong gagong to meron! Sino ka para saktan ang kaibigan ko?! Ha?!" Galit na galit si Xenon at tumatagaktak ang pawis nito.

"Sorry Sam mukang mali ang pagkwento ko sakanila" eksplinasyon ni Anton.

Napapunas nalang ang mga palad ko sa akong muka.

"Xenon, okay na yun. Tara na" mahinhin kong sabi dito.

"So, alam mo naman ang policy Mr.Lacson" at lumitaw si Coach Paulo, maangas lang na tumango si Xenon.

"Ayos lang, basta maganti ko kaibigan ko" mariin nito sabi sa lahat. Sumunod sila Anton kay Xenon.

Napailing nalang ako, at nakahandusay pa din si Kyle.

May konsensya naman ako kahit papano, maraming dugo sa ilong niya at may cut siya sa may dulo ng kilay.

Panandaliang tinigil ang try out. Dinala ko si Kyle sa clinic at si Harry naman, ayun umalis na ata. Nainis ata.

"Okay naman na siya, may mga pasa siya sa pisngi at cold compress lang ang katapat nun, kailangan lang ng pahinga ni Mr.Victorine para hindi siya mabugbog" pageexplain nung School nurse, nagthank you ako sakanya at iniwan na kami.

Awkward...

"Ahhhm, a-ano pala s-sorry sa inakto ni X-Xenon" nag-aalangan kong sambit.

"I deserved it" maikling sambit nito. Walang ekspresyon.

"Sige alis na ko,bye" pagpapaalam ko dito at tumalikod na ko.

Hinila niya bigla ang kamay ko, "I want to win your heart again, As I have said I will court you no matter what" sambit ni Kyle.

Inalis ko ang kamay ko sa kamay niya, at tuluyan ng umalis. Hindi ako nakasagot hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang mabuting salita sa pag rereject.

---
Pabalik na ko sa gymnasium

"Hi Ms.Beautiful! Nice legs!" Sambit ni Harry, gago to ah! Porket naka jersey short ako hindi ibig sabihin na pwede hiya na kong pagsamantalahan.

Inambaan ko siya na sasapakin. "Huy grabe joke lang!" Biro nito, nag make face lang ako dito.

"Oh, mukang dehydrated ka na e" at inabot niya sakin ang isang green na tumbler na may lamang tubig.

Napakunot ako ng kilay, "Kaninong tumbler to?"tanong ko sakanya, malay mo may lason to o kaya gayuma. Oh myyy

"Sakin" at todo ngiti ito, inakma kong ibabalik sakanya pero "Sayo yan! Sa mineral bottle galing yan, sinalin ko sa tumbler ko, malinis yung tumbler ko! Para lang mas konportable kang uminom at mas marami. Dalawang bottle yan oh" sabay pakita niya ng dalawang bottle na walang laman.

"Todo explain ang oa mo" irap ko sakanya at tuluyang nag lakad. Sumunod naman ito

"Walang thank you?" Ang gentleman infairness.

"Oh edi sayo na!" Akmang ibabalik ko nanaman.

"Joke lang sige sayo na! your welcome Ms.Beautiful" umirap lang ako dito.

"Byeeee! May try out na din kami e, alam mo naman varsity. Hahahah! Byeeeee Love youuuu!" Napaka yabang niya grabe

I just give him my middle fing at natawa lang ito.

Ang cute nung color ng tumbler. Pati yung nagbigay.

Ay este yung tumbler lang! Mukang aso yung nagbigay!

Nakita ko na si Coach, andun na siya. Nag dub siya na start na ulit.

Inistop ang klase sa araw na ito dahil sa try outs. Baka next next day pa ulit mag regular class. Pauwi na ko, at kasama ko sila Anton.

"Kumusta pagkaka Guidance ni Xenon?" Tanong ko kay Edward
"Ayun suspended ng One week. Hahahahah bobo kase e" bulalas ni Zach.
"Kung ako nga yun bubugbugin ko patago si Kyle e!" Mariin na sambit ni Apple. No poise for now?
"Papahirapan ko yung kyle na yun sa training" galit at mayabang na bigkas ni Edward.

"Alam niyo walang mangyayaring maganda sa ganyan" saway ni Anton sa tatlo. Sumimangot lang sila.

Pumunta na kami sa parking lot at papunta na sa kanya kanyang kotse ng may binulong ako kay Anton

"Nagkausap na kami kanina, kwento ko sayo bukas" bulong ko kay Anton,

Ngumiti lang ito at nag sign ng okay.

"Ingat mga Mokong!" Sigaw ko sa kanilang Apat. At sumigaw din sila na ingat din sa lahat.

Nahuli ako sa pag andar dahil nasa dulo ako, biglang may humarang sa kotse ko at binaba ko ito.

Si Harry.

"papakamatay ka? Sabihin mo lang idederetso ko na!" Galit kong sabi sakanya. Bad trip e!

"Patay na patay na nga ako sayo e! Hatid mo ko please!" Pagpupumilit nito. Ang kapal ng muka niya grabe.

Ang h-hot niya, basang basa ang buhok, nakajersey pa din pero naka black jeans na siya at star wars na Vans?! OoO

Samantalang ako, naka t-shirt as always, jeans,vans, snapback.

I envy him.

"Ang kapal ng muka mo, grabe! As in grabe talaga!" Mariin kong sabi dito. Di kasi siya mahiya e.

"Sige na pleaaaase? Naiwan ko key sa locker e, bawal na pumasok pleeease! Binigay ko naman yung tumbler ko e please?" Aba at pinamuka niya talaga?!

Dahil may puso naman ako kahit papano, pumayag na ko.

"Ang bait mo talaga Ms.Beautiful!!!" Bat ba ganito tong lalaki na 'to? Excited much?

Nakasakay na kami, nandito siya sa passenger's seat sa harapan. Nakalabas na kami sa school naka stop lang dahil red yung stoplight.

"Gusto mo libre kita?" Masigla niyang alok. Sus mga galawan! Alam ko na yan Harry.

"Wag na" matipid kong sagot.
"Sige na please! Pambawi! Kahit anong gusto mo!" Sambit nito. Grabe naman po yung kakulitan ni Harry. As in grabe!

"Will you just please shut your mouth up?" Hindi kagandahang tono ko.

"Please?" Nakangiti pa din siya. Ngitiang Harry, yung nakakaloko.
Inirapan ko siya, alam ko may mcdo dito na madadaanan e. May plano ako HUAHUAHUAHUAHUAHUA *grin*

Beautiful YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon