SAM's P.O.V
Tumama na ang sikat ng araw sa aking mga mata na kusang nagpagalaw saakin upang bumangon.
Hanggang ngayon, iniisip ko pa din yung nangyari kagabi. Bat ba kasi di ko mapigilan e!
Nagluto na ako ng breakfast dahil may pasok pa kami, at ayokong mag sabay kami pumasok!
"Nananaginip ba ko?" Nagulat ako dahil biglang bumangon si Kyle habang kinukusot ang kaliwang mata.
"OO!" Medyo iritable kong sabi sakanya.
"Weh? Hahahahah hindi naman e" at saka niya pinaikot ang sarili niyang ulo.
"Anong nangyari kagabi?" At kitang kita ang pagtataka sa muka niya. Hindi niya naaalala yung ginawa niya. Yung ginawa n-namin.
"Nalasing ka, napag tulungan ako nila Edward" habang patuloy na nagluluto, walang limang minuto ay natapos na,
Fried Rice and Bacon lang naman yun e. "oh, lumamon ka na kamahalan" sarkastiko kong sabi. "Maglalasing na ko lagi! Grabe ang saya ko." Banggit ni Kyle habang papaupo na sa upuan.
Inirapan ko nalang ang sinabi niya. Buti naman at wala siyang naaalala.
---Pinalayas ko na si Kyle sa condo ko, sobrang rami naman ng pasalamat niya. At sinasabi niya nanaman sakin yung hindi niya "daw" pagsuko saakin, binalewala ko na yun at pinaalis siya.
May pasok pa kami ng 9A.m at 8:25 na, kailangan kong mag madali!
Sumakay na ako sa kotse ko at dumiretso sa school. Nakita ako nila Apple at Anton na magkasama.
Napapansin ko lagi silang mag kasama? I smell something lovely.
"Wow Sam babaeng babae ka na talaga! Dume-dress ka na ah!" Pang-aasar sakin ni Anton
"Edi wow!" Yun nalang ang nasabi ko dito.
"Ms.Sam! Ms.Sam! Si Harry po!" May biglang babae na hingal na hingal na lumapit samin na mukhang may nangyaring masama.
"What the fuck?! Anong nangyari?!" Nagpapanic kong tanong. "Andun po siya sa field" at tumakbo yung babae na at sinundan namin siya.
"Ano bang nangyayari kay Harry?!" Nagpapanic kong tanong sa babae na ahead ng onti samin.
"Di ko alam tignan niyo po oh!" Nandito na kami sa field at patuloy tumatakbo papunta sa isang...
MINI STAGE?! "A-ano t--?" Biglang nawala ang babae, at pumunta sila sa gilid.
Nasa mini stage si Harry at ako ay nasa harap habang nakapalibot samin ang lahat ng tao.
Napatunga-nga ako sa nangyayari.
Dahil nagsimula siyang kumalabit sa kuwerdas ng kanyang kayumangging gitara...
"From the moment I saw you
From the moment I looked into your eyes. There was something about you I knew, I knew..." Habang binibigkas niya ang bawat kataga ng kanta ay ang pabilis ng pabilis ng pintig ng puso ko"That you were once in a lifetime
A treasure near impossible to find
And I know how lucky I am to have you" Tama pa ba 'to? Tama bang pumintig ang puso ko kay Harry, kahit na pag lalapit si Kyle ay pumipintig din ng katulad na ito ang aking puso?'"Cause I've seen rainbows that could take your breath away
The beauty of the setting sun, on any given day, And when it comes to shooting stars I have seen a few
But I've never seen anything as beautiful as you" Nakangiti lang siya habang kumakanta, titig na titig ang aming mga mata. Sandali pa lang kaming nagkakasama, ilang beses pa lang kaming lumalabas, pero lahat ng yun ay komportable akong kasama siya, lagi akong masaya...
BINABASA MO ANG
Beautiful You
FanfictionMapag larong tadhana. Masakit isipin na iiwan ka ng taong mahal na mahal mo. Lahat gagawin mo para sakanya, lahat ibibigay mo. Lahat isusuko mo para sakanya. Pero minsan, kahit gaano karami ang nagawa mong efforts. Hindi pa din ito sapat. Mahirap s...