Chapter Seventeen (Sana Pinatay mo nalang ako)

2 0 0
                                    

"Fuck! Anong nangyari sayo Kyle?!" Pag-aalala ni Anton na halos sumigaw na 'to.

"Wala naman, hahahah" pa-cool na sabi ni Kyle, gago talaga to duguan na nga nakukuha pang mang trip.

"Gago ka ba? Baka gusto mong masapak?!" Pag-aamba niya dito.

"Sige! Ayos lang, sana nga pinatay mo nalang ako e" sabay lingon saakin. Seryoso ang pananalita niya, walang bahid ng biro o loko.

Hindi napansin ni Anton ang pagsulyap saakin ni Kyle

"Papatayin lang kita kung malalaman ko ang dahilan kung bat ka nagka ganito" seryosong bigkas ni Anton.

"Tss simple lang naman... Yung mahal kong babaeng iniwan ko noon, may ibang nagmamay-ari na ngayon. Sakit no? Kaya sana nga pinatay niya nalang ako" at kitang kita ko ang patak ng luha na tumulo sa kanyang pisngi.

Napaiwas ako ng tingin, alam ko kasing ako yun. Ako yung tinutukoy niya.

Hindi ako pag-aari ni Harry. At hindi sapat na mahal niya ko, sinaktan niya ko noon at hinding hindi na mababago yun. Nagawa na niya kong iwan noon, paniguradong magagawa niya ulit yun.

"Watch your words Kyle" pangengealam ni Edward. "Mapapasakin din yun pre, tiwala lang" seryoso niyang sabi.

Umalis si Kyle, mukhang magka-cut na ng klase. Hindi ko alam kung sa clinic o  uuwi na e.

Bat ba iniisip ko siya? Dapat masaya ako ngayon dahil kay Harry e.

Nag klase na kami sa Physics at patuloy pa ding lumilipad ang isip ko sa nga nangyayari.

Sa kalagitnaan ng pagde daydream ko may tumawag sakin. "Miss Olibares, di mo ba naririnig?" masungit na tanong nung teacher namen.

"Ahhm, ano po yun?" Awkward kong tanong, at nakikita ko ang pagngisi ni Edward at Zach...

"Hay nako! Ayun oh! Ine excuse ka" masungit nitong turo kay Harry na nasa labas ng room at naghihintay.

"Okay po, sorry po" at tuluyan na kong lumabas

Hinampas ko si Harry.

"Hoy! Anong kailangan mo!" Masungit kong approach dito, parang kanina lang sinurprise niya ko ah hahahaha.

"Sungit naman" at nag sad face pa siya. Natawa naman ako.

"Oh, bakit ba kasi?" Pangungulit ko dito. "May bad news ako"

"Diretsohin mo na, pahinto hinto ka pa!" Pananaway ko dito. "hahaha! Ang cute mo talaga. May meeting kami e, di matutuloy yung dinner natin. Bukas babawi ako promise ko yan baby girl" malambing niyang sabi.

Nakakalungkot naman di kami matutuloy, pero okay lang. "Okay lang yun, sige ingat."

"Talaga? Di ka galit? Sige ingat din. I love you so much Baby girl" sincere talaga si Harry saakin.

Sinabunutan ko lang ito ng pabiro at nag paalam na.

Natapos na lahat ng klase at wala parin pumapasok sa kokote ko.

"Zach! Tara gimik tayo" pag-aaya ko dito, para kasing naiinip ako e. "Ay nako Sam, sorry may family dinner kame e, bawal umabsent" tumango nalang ako kay Zach.

"Apple, tara gimik tayo!" Pag-aaya ko dito habang nag aayos siya ng gamit. "Sorry Sam, mag mi-meet kami sa Mall nung nga Elementary Friends ko e" tumango din ako.

"Anton gimik?" Walang gana kong aya.
"Sorry Sam, may lakad ako ngayon. Next time nalang" at tumango na lang din ako.

"Xenon gimik?" Pag-aaya ko kay Xenon "Sorry Sam, ipapa upgrade ko kotse ko e" at tumango nanaman ako.

Beautiful YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon