Chapter Five (Him)

0 0 0
                                    

Sam's P.O.V

"Saaaaaam! Wake up!" Pagising sakin ni Mommy.

"Mmmmm" antok na antok pa kasi ako e.

"Ano ba yan Samantha! Natutulog kang naka bonnet!" Bulalas ni Mommy. Ang aga aga nagbubunganga.

"Mom, yoko pasok" matipid kong sabi kay Mommy. Tinatamad ako e, makikita ko pagmumuka niya.

Nag papanggap na nga akong di ko siya Kilala e. Yung pag papanggap na kahit sarilo ko niloloko ko. Pag papanggap ng sarili ko na unang kita ko palang dito.

"Anong hindi papasok! Second day of class palang Samantha! Get up!" Hinila ako ni Mommy at tinulak ako sa Cr.

Funny right? Senior na ko, hirap pa ding gisingin.

I took a bath inayos ang sarili ko. No to bonnet ako ngayon, Snapback ako ngayon. Wearing black jeans, black vans and just v-neck black shirt.

I went downstair. At nakita ko si Mommy sa kitchen.

"Mom, buy me a pair of Vans please. Yung star wars design please?" Pagpa puppy eyes ko. I like collecting stuffs.

"Okay, pero behave ha?" Pagpayag ni Mom "That's why your the best! Thank you Mooom!" While hugging her

Kumain ako ng breakfast. Hindi kami sabay sabay pumasok ng barkada kasi di naman na ko coding ngayon.

---
Mga 15 minutes nakarating na ko sa school. Pumunta ko sa parking lot obviously para mag Park.

May nakasabay akong black na bmw.

Halos sabay naming nilock yung car namin at nag alarm ito. At nabigla ako ng nakita ko si-- si K-Kyle...

Inunahan ko siyang mag lakad, pero hindi obvious.

"Samantha" tinatawag niya ko. Bat ba ganito to? Parang walang nagawang kasalanan.

"Why? Were not close"  mariin kong sabi sakanya.

"Hindi ko naman sinabing close tayo e Hahahah" aba putsa mapapamura ka nalang talaga e "k" matipid kong sabi sakanya at tinalikuran siya.

"Hi Ms.Beautiful!" Kahit nakakairita, sinave pa din ako ni Harry kay Kyle.

"Hello" pinalupot ko ang braso ko sa braso ni Harry, habang tinatanaw ko si Kyle kung nasan siya.

At ayun na, nakita kong--- fvck bat siya nag close fist?! Wala siyang karapatan!

"Grabe ito na ata pinakamasayang araw ko" saka ko lang narealize na nakakapit parin pala ko kay Harry.

Bad trip! Anton,Zach,Edward,Xenon,Apple asan na kayo, Help me!

"Whatever! Ang panget mo, alis na ko!" Pang lalait ko kay Harry.

Ganun pa din yung style ng suot niya, Long sleeves na black na ginawa niyang 3/4 tapos naka shorts na white and top sider na brown.

Ang epal naman nun, pareho kaming naka black.

Nakarating na ko sa room. At sobrang Bad trip ng muka ko. Epal na Kyle!

"Woah, black aura" gulat na sabi ni Xenon. "Mukang may hindi nangyaring maganda ah" pabulong na sabi sakin ni Anton.

Wala akon sinasagot ni isa sa kanila.
Bute hindi ko kaklase si Harry, pero yung isa putsa! Kaklase ko yung Kyle na buset na yon!

Sunod na pumasok si Kyle. At talagang nag dilim paningin ko... Nag flash back lahat.

Umaaktong siyang walang ginawa sakin. Dati akong tiga Decades School, nakilala ko si Kyle, nagkaroon kami ng relasyon, mahigit isang taon sobrang saya namin, walang away walang problema, kung mayroon man, maliit na tampuhan lang. It was a very perfect momment. Sobrang saya ng buhay ko nun. Then he suddenly left me, walang closure, walang paalam. Umalis sila ng Family niya.

I was so depressed. Binago ko ang sarili ko out of nowhere. Walang alam sila Anton, sila Mom lang pati sila Dad and Kuya. At sinabi kong itago namin to. Ayokong maalala siya. Gusto kong pag gising ko wala sino man ang mag babanggit sakanya.

Bakit ba 'to bumalik? I hate him so much. Sinusumpa ko siya.
---

Nagdilim ang paningin ko, sinugod ko siya, yes sinugod ko.

Sinapak ko siya, sa mukha. Napatumba siya sa sahig.

"SAM!" Galit na saway ni Anton
"Ms.Olibares!" Galit yung adviser ng class.

Okay lang sakin. Nasapak ko naman 'tong gago kong Ex.
----

At guidance office.

"Mr.Valentine, the decision is yours, isu-suspend mo ba si Ms.Olibares?" Tanong ng Guidance council.

"Suspend niyo na!" Pagmamatigas kong sinabi. "N-No Ma'am it's my fault kung 'bat niya ko sinuntok" edi siya na mabait!

Sinipa ko yung paa niya at tinignan ko ng masama

"Ms.Olibares! Stop that! So it's your own decision Mr.Valentine hindi masu-suspend si Ms.Olibares, but you ms. please behave." Tumango na lang ako at lumabas.

Tuloy tuloy lang ako sa classroom.

Sumunod si Kyle sakin. Please Lord pigilan niyo kon makapatay.

"Samantha" mahinahong tawag sakin ni Kyle.

Inambaan ko siya na susuntukin ulit "Tangina! Bat ba nagpakita ka pa?! Ha?!" Galit kong sigaw sakanya.

Breaktime ng Junior ngayon, at maraming tumitingin samin, kase Varsity yung kausap ko e.

"You've changed" maikling sambitla nito.

"Woah! Who are you to say that?! Huh? " tinukla ko siya ng bahagya. "Alam ko namang ako ang dahilan niyan" cold ang pagkakasabi niya. Badass

"Wala kang pake! Get lost you asshole! Get your life!" Mariin kong sabi sakanya at tuloy tuloy na pumasok sa room.

Iba pa din yung aura ko. Ibang iba.

Umupo na ko sa seat ko. "May ike-kwento ka pa sakin" bulong sakin ni Anton.

"Are you okay Sam?" Mahinahon na tanong ni Apple.
Hindi ako humarap sakanya, nag okay sign lang ako.

Sumunod si Kyle sa pag pasok, naka hawak sa labi niya na sinapak ko. Oa! Wala naman ng dugo.

Ayos lang yan, nakaganti na ko, naputok ko na yung labi niya.

And I'm happy about that.

Beautiful YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon