SAM's P.O.V
Pagkatapos na pagkatapos ng first period ng klase, umalis na ko. Di ko na hinintay sila Anton.
Sa bahay nalang ako magla lunch.
Half day lang kami ngayon. Dahil yung teachers naman yung io-orient tungkol sa bagong curriculum. Great!
I flash to my room. Magmumuni muni, mag-iisip, matutulog. I hate this day. Really.
I grab my guitar and strum it.
🎶... Akala ko'y habang buhay tayo
Bakit ganito pa din kasakit? It was four years ago.
Akala ko'y hanggang dulo,
Kaya ba parang kalsada, dito na ba tayo bababa?Naalala ko pa nun, ibibigay ko sana yung advance birthday gift ko sayo, it's not that extravagant pero ineffortan ko talaga. Tapos sabi ng maid niyo umalis na kayo. Nagmigrate kayo sa London. Tumakbo ako, sumakay sa kotse, habang nag uunahan ang tubig mula sa aking mata, kasunod nito ang malalaking patak ng tubig galing sa ulap.
At ayun, hindi kita naabutan.
Kung dito na ang hangganan,
Dapat sigurong iwasan
Pagkatok sa 'ting nakaraan...🎶Natagpuan ko ang sarili kong umiiyak. I was tha happiest person back then. Kyle, I am lost because of you. I am out of nowhere. I can't find myself.
*tok*tok*tok*
Bigla kong pinunasan ang luha ko, at nagkunwaring natutulog.
Pero narinig ko pa rin ang pag bukas nito.
"Saaaaaaam!" Sabay sabay nilang bigkas. Si Xenon,Anton,Zach,Edward at Apple.
Di ko pinansin, I want to be alone.
"Bangon na dyan Sam!" Pag hila sakin ni Xenon. "Ayaaaw!" At nagpabigat ako
"One two three!" At sabay- sabay nila kong hinila. This people! Ugh!
Napatayo ako bigla at for sure kita nila ang mugto kong mata.
"What the! Bat ganyan muka mo?!" Pag aalalang tanong ni Xenon while cupping my face.
"Wala!" Pag hawi ko sakanya.
Pumunta ko sa Cr para mag hilamos and the fvck nakasunod silang lahat.
"Ano bang ginawa sayo nung Kyle nayon?!" Curios na tanong ni Edward habang nag hihilamos ako.
"Ginago ka ba nun?! Sasapakin ko ulit yun!" Matigas na sabi ni Apple
"Malilintikan sakin yung Kyle na yun! Tatanggalin ko sa team ko!" Si Zach, captain kasi siya sa Basketball.
"MAGSI-TIGIL NGA KAYO! HOY SAM! BAKA GUSTO MONG IKWENTO?!" Pagsasaway at sigaw ni Anton. G na G? Kala mo siya yung sinapak e.
Natapos na ko maghilamos at nag punas na ko ng face towel.
Umupo ako sa sofa ng kwarto ko, at ganun din sila. Lahat sila nag aantay ng kwento ko.
"Uhhm ano?!" Irita kong sabi sakanila, titig na titig kasi sila e. "Magkwento ka na!" Sabay bato ng unan sakin si Apple.
"Putsa, oo na. Ex ko si Kyle"maikli kong sabi.
"Ano?! Putsa ikaw nagka boyfriend?!"
"Ulul! Wag mo kaming gaguhin!
"Hahahahah naka drugs na ata to si Sam!"
"Galawang breezy! Hahahahah"
Ayan ang mga reaksyo nila pwera kay Anton na naka poker face. Actually pareho kaming poker face e."Alam niyo, parang hindi ko kayo kaibigan. Umalis muna kayo please lang. Leave us alone ni Anton" seryoso kong sabi, mix emotion ako ngayon kaya wag nila kong ginagago.
"LABAS! Tangina" sigaw ko sakanila. Natakot naman sila kaya lumabas na.
Kami nalang ni Anton ang natira, kinuha ko ang unan at nilubog ko ang muka ko dito. Umiyak ako.
Naramdaman ko ang paglapit ni Anton saakin at niyakap niya ko. Tinanggal niya yung unan at hinayaan niya kong umiyak sa dibdib niya.
"It feels like stabbing my heart a hundred times" bigkas ko habang umiiyak.
"Shhh. Just cry. You can tell me what's wrong later" si Anton talaga ang makakatulong sakin. Siya lang.
Ang oa man pero, mga 30mins ata akong nag mukmok kay Anton.
"Kaya ko ng ikwento" walang gana kong sabi kay Anton.
Siguro panahon na para malaman ng mga kaibigan ko. Kaibigan ko sila e,at siguradong gagaan ang pakiramdam ko kahit papaano.
Tumango lang si Anton na hudyat na simulan ko na ang kwento.
"Babae days ko pa yun, di ba alam mo naman na ganun ako dati? Dinahilan ko lang ang pag palit ko ng style just to be fit with you guys. Sa Decades ko nakilala si Kyle, and andito kayo sa Horizon Academy. Naging sobrang saya ng relasyon namin. It was very perfect. Wala kaming naging problema, parati lang kaming sweet sa isa't isa. Th-then one day...." nararamdaman ko nanaman ang pagbabadya namg aking luha. Pinigilan ko ito.
"One day, he left me. Nag migrate daw sila sabi nung maid na naiwan sa house nila. It was the most terrible happened to my life. Ni hindi siya nag paalam, walang text, wala chat, walang Call, at walang closure. P-para lang siyang uminom ng softdrinks at tinapon sa basurahan ang can. Ang sakit sakit grabe. This is the result of my change." At sa puntong ito hindi ko na napigilan ang pagtakas ng luha ko galing sa akin mata.
"You know what? Dapat magkaroon kayo ng closure ni Kyle. After that closure, babalik na ang dati. And you can give chances to your suitors, or maybe to Harry. Muka naman yung mabait diba?" Tama ba si Anton, kailangan ng closure? How?
Di ko kayang kausapin siya.
---
Nagpaalam na sila Anton, at di ko pinansin sila Zach. Bad trip ako sakanila.Haaaay nako! Grabe, pano ko ba mahihingi ang closure kay Kyle?
Ime-message ko ba si Kyle sa faceebook? O mas maganda sa personal?
O kaya naman sa text? Kaso ang jologs wag yon.
Teka sino ba siya para pag handaan ko?! Hay nako, bahala sila sa buhay nila. Basta bahala ako sa buhay ko.
Hindi na ko nag lunch pati dinner, diretso na kong nagpahinga at natulog. I feel so exausted.
Sa mga nangyari kanina? Sino ang sasaya?
I hate you so much Kyle David. Kill yourself.
![](https://img.wattpad.com/cover/69131078-288-k937959.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful You
FanfictionMapag larong tadhana. Masakit isipin na iiwan ka ng taong mahal na mahal mo. Lahat gagawin mo para sakanya, lahat ibibigay mo. Lahat isusuko mo para sakanya. Pero minsan, kahit gaano karami ang nagawa mong efforts. Hindi pa din ito sapat. Mahirap s...