Chapter 3

2.9K 144 14
                                    



3rd Person

Maagang bumangon sina Anne at Karylle to cook breakfast for all of them. Hindi kasi sila kumuha ng katulong habang sila ay nasa resort.

"Girl, let's swim later para naman mabawasan yang stress mo" Anne said while mixing the fried rice

"Paano hindi ma-iistress kung kasama mo yung asawa mo pero kasama niya yung ibang mahal niya" she let out a sigh

"Yun na nga yung pinagtataka ko eh. Pa-paano mo nakakaya??? I mean pano ka pumayag sa ganiyang set-up???"

"He never asked my opinion about our set-up. Isang araw, gumising nalang ako na ganiyan na. Uhmm tsaka...ako naman kasi yung may kasalanan ng lahat. Ako yung dahilan kung bakit nawala yung anak namin, pero maniwala ka, hindi ko ginusto ang nangyari.









Sana nga, ako nalang yung nawala" Anne gave Karylle a hug to lighten up her mood pero mukhang mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Karylle dahil unti-unting tumulo ang kaniyang luha.

"Ssshhhh stop crying, nandito lang kami nila Vhong for you" Anne gave her a smile and she smiled back.






Nagising narin ang iba nilang kasama, tumulong sina Coleen, Billy, Vhong and Erwann sa paghahain. Hanggang ngayon ay hindi parin bumababa sina Vice at Solenn kaya napag-pasyahan nila na mauna nang kumain. Nasa kalagitnaan na sila ng pag-kain nang biglang bumaba si Vice.

"Kain na brad" sabi ni Billy at tinuturo ang upuan sa tabi nito.

"Nasaan nga pala si Solenn?" Tanong ni Vhong

"Hinayaan ko na munang matulog, pagod sa biyahe kahapon eh" napatingin naman si Vice kay Karylle, nakayuko lamang ito. Tinapunan lang niya si Karylle ng malamig na tingin at tinuloy na ang pag-kain.


Natigil naman ang lahat sa kuwentuhan nang magsalita si Karylle



"Uhmm ah ano...punta lang ako sa kuwarto saglit" sabay tayo nito

"Bruh, okay ka lang?" Nahalata naman ni Vhong na pinagpapawisan at tila nahihirapang huminga si Karylle

"O-Oo naman, saglit lang talaga ako" napa-irap naman si Vice dahil akala niya ay nagpapapansin lamang si Karylle

Umakyat naman si Karylle patungong kuwarto, habang umaakyat sa hagdan nakasalubong naman niya si Solenn na masama ang tingin sakanya. Iiwas na dapat si Karylle ngunit hinila siya ni Solenn papuntang kuwarto nila Vice.

"Aray! Ano ba?! Nasasaktan ako!" Pilit na nagpupumiglas si Karylle, nabitawan naman siya ni Solenn ngunit agad rin niyang sinabunutan si Karylle

"Solenn, ano ba?! Nakakasakit ka na!!"

"Dapat lang sayo yan!! Dapat kasi mawala ka na eh!!" Hindi na nakapag-pigil ng galit si Karylle kaya sinabunutan na niya ang huli

Nagpatuloy sila hanggang sa itulak ni Karylle si Solenn at napahiga sa sahig.

"Karylle!" It's Vice who shout her name

"B-babe si-sinaktan niya ako" umiiyak si Solenn habang nagsusumbong kay Vice. Hindi naman makagalaw si Karylle dahil sa nangyayari. Tinulungan ni Vice si Solenn na makatayo at agad niya itong niyakap. Pagkatapos nun, sinabihan niya si Solenn na bumaba na at mag-uusap lang muna sila ni Karylle.

"Ano nanaman ba yang kalokohan mo Karylle?!" He holds her arm so firm

"V-vice hi-hindi ako yung nanguna. Maniwala ka sakin please" pagmamakaawa ni Karylle na halata ang takot sa mga mata nito

MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon