Nakatulog si Vhong sa tabi ng kama ni Karylle habang hawak ang isang kamay ni Karylle na natutulog. Nagising na lang si Vhong nang maramdaman niyang gumagalaw ang kamay ni Karylle."Karylle, bakit mo tinatanggal yan?!" May halong inis sa tono ni Vhong. Pinipilit kasing tanggalin ni Karylle ang mga nakakabit sa kaniyang kamay maging sa braso nito. Hindi ito sumagot at pinagpatuloy lang ang ginagawa nito hanggang sa pinigilan na siya ni Vhong.
"Nababaliw ka na ba ha?! Gusto mo na bang mamatay?!"
"U-uwi na... a-ako" putol putol naman ang sagot ni Karylle. Hirap kasi itong magsalita sapagkat may nakakakabit sakaniyang oxygen mask.
"K naman! Isipin mo muna yung kalagayan mo!" Naawa naman si Vhong sa sitwasyon ng kaniyang kaibigan. Pinunasan niya ang mga luha nito na patuloy na bumabagsak.
"Ssshhh sorry. K-Karylle, hindi ko kakayaning mawala ka. Bruh nga tayo diba???" He kiss her on the forehead. Ayaw niya kasing umiyak sa harap ni Karylle.
"A-ayaw na. T-tama n-na. Uwi na p-please" she said while shaking her head habang patuloy naman si Vhong sa pagpunas ng mga luha nito
"Papayag lang ako kapag medyo bumuti na yang pakiramdam mo"
Dahil sa sinabi ni Vhong, sinusunod niya ito lagi. Hindi na ito nagpasaway
ngunit...
Tuwing tinatanong si Karylle kung may masakit ba sakanya, lagi itong tumatanggi at tinatago ang sakit na nararamdaman dahil gusto na niya talaga umuwi. Nagtagumpay naman si Karylle dahil matapos ang ilang linggo, pinayagan na itong lumabas.
Walang sinuman ang nakakalam na may taning na ang buhay ni Karylle kundi si Vhong. Bumalik si Karylle sa apartment na tinutuluyan nito, madalas siyang dinadalaw ni Vhong dito dahil nag-aalala ito na baka mabawasan pa lalo yung natitirang oras ni Karylle sa mundo.
Ngunit ang mga sikreto ay nabubunyag...
Isang araw, nagliligpit si Karylle ng mga gamit, napunta naman ang atensyon niya sa isang brown envelop na nasa sulok. Hindi siya nagdalawang-isip na buksan ito.
It was her hospital results...
Halo-halo ang emosyon na kaniyang nararamdaman. Gustuhin man niya maging malungkot ngunit gusto na lang niya na maging masaya, dahil sa wakas matutupad na ang kagustuhan ng kaniyang asawa. Hindi naman niya maitago ang kalungkutan dahil sa nabasa, pinipigilan niyang humikbi.
"K-Karylle naman eh. I-ikaw lang yung nalulungkot dahil sa balita na mamamatay ka na, y-yun naman yung g-gusto nila diba??? Maging ma-masaya ka nalang para sakanila" patuloy naman ang paghikbi nito. Binalik na niya ang papel sa loob ng envelope at itinago. Naisip ni Karylle na iregalo ito sakaniyang asawa sa nalalapit na anniversary nila sa darating na linggo.
<//3
Naging normal naman ang buhay ni Vice at patuloy pa rin ang pag-uusap nilang dalawa ni Ana. Nang malaman niyang nakalabas na ito ng ospital, tinanong niya ito kung pwede na ba ito makipagkita.
Message Convo:
Vice: Babe??? Nag-aalala na ako. Okay ka na ba??? Nakalabas ka na ba ng ospital???