Lumipas na ang ilang buwan at unti-unting nasanay na si Vice na wala ang asawa. Kasama niya pa rin sa bahay sina Peter, Nanay Rosario at ang nanay ni Karylle na si Ms Zsazsa. Bumalik na din siya sa kaniyang trabaho ngunit araw-araw parin siyang dumadaan ng sementeryo upang magdala ng bulaklak sa kaniyang mag-ina.Naipakulong rin agad ni Vice sina Solenn at Christian sa tulong ni Atty Katarungan (pahiramin mare, hehehe) at sinisiguradong hindi pwedeng makalaya ang dalawa. He also tried dating his ex-girlfriend, Kaye, pero hindi niya talaga kayang palitan si Karylle sa buhay niya.
Bago umalis ng bahay si Vice, sumasabay siyang kumain ng agahan kasama ang pamilya.
"Tutoy, ayan kumain ka ng marami baka isipin ng asawa mo pinababayaan ka namin" sabi ni nanay Rosario habang pinagsasandukan ng pagkain ang kaniyang anak pati narin si Peter. Nilagay naman ni Ms Zsazsa ang baso ng gatas sa tapat ni Vice.
"Ahm sabi kasi ni Karylle dati na huwag mo nang dalasan ang pag-inom ng kape, gatas na lang daw" napangiti naman si Vice dahil sa narinig
Habang kumakain, hindi naman nila maiwasan na hindi mapagkuwentuhan si Karylle. Inaalala nila ang mga masasayang araw kasama siya.
"Tingin niyo, weird at makulit pa rin yun sa langit???" Nakangiting tanong ni Vice. Natawa naman sila dahil dun.
"Yeah, baka nga nakukulitan na yung mga kasama niya dun" Peter answered
"Nakaka-miss si Karylle. Yung kaingayan at kakulitan niya na parang bata" sagot naman ng nanay ni Karylle
"Well at least hindi na niya kailangang mahirapan. I know na masaya na siya dun kasama yung anak namin" ngumiti sila at nagpatuloy na sa pag-kain.
Bago pumasok si Vice sa opisina, dumadaan muna ito sa puntod ng kaniyang asawa at anak. Lagi itong may dalang bulaklak at pagkain, dalawang chocolate drink at dalawang sandwich na siya ang mismo gumawa.
"Hon kain muna kayo ni baby, I made those sandwiches for you" binuksan ni Vice yung chocolate drink at nilagyan ng straw
"Siguro ang saya niyo na diyan *sighs* Pero at least alam kong safe na kayo diyan. Yung unicorn, wag kang mag-alala hon inaalagaan ko yun" natawa naman si Vice ngunit kasabay nun ang pagtulo ng kaniyang luha.
"N-namimiss na kita. Ang tanga ko K-Karylle, hindi kita pinahalagahan nung n-nabubuhay ka pa kahit nakikita kong n-nahihirapan at nasasaktan ka na" patuloy lang ang pagluha ni Vice. Mas lalong naiyak si Vice nang maalala niya ang mga pananakit nito sa asawa.
"My wish??? Simple lang. Gusto kong mawala ang babaeng nasa harapan ko ngayon. I want you to suffer habang nabubuhay ka pa"
"Ahmm ano, malay mo diba??? Hindi mo alam na na-nagsisimula na siyang maghirap, ma-malay mo konting panahon na lang... w-wala na siya"
"Kung tingin mo maaawa ako sayo dahil sa pag-iyak mong yan, puwes mali ka. Mas lalong nadadagdagan ang galit ko sayo"
"S-sorry ah. K-kailangan mo pang maghintay ng one year. Pe-pero kung a-ayaw mo na talaga, p-pwede namang mapadali eh. H-hindi na rin ako bumili ng gamot, para before ka mag b-birthday....wala na ako. Happy Anniversay hon. A-alam kong nagustuhan mo yang gift ko. Ma-matagal mo nang wish yan diba???"
"Yung sa messages, g-gusto ko lang n-naman ma-feel na may nagmamahal sakin. Pe-pero kung g-galit ka, okay lang na saktan mo ako" she added.