Wish

3K 93 5
                                    



Special Chapter

Same plot, different ending :))


Just light update, this won't make you cry :)

-----


"Babawi ako"

Simula nung malaman ni Vice ang kalagayan ng asawa, wala na siyang pinalagpas na araw upang makabawi dito. Ayaw niya kasing magsisi sa huli kahit na sa umpisa pa lang sising-sisi na siya. Habang dumadaan ang mga araw mas lalong humihina ang kalagayan ni Karylle ngunit hindi niya ito pinapahalata sa asawa.

Hindi naging madali ang mga naunang araw ng pagbabago ng pakikitungo ni Vice sa asawa dahil tila ba na-trauma na ito sa mga pangyayari noon.

Isang hapon...

"Ahmm Vice a-ano kasi, nagpasama ako kay Anne sa ospital...uhmm kung payag ka sana...o-okay lang kung..."

"Oo naman, sige. You want me to accompany you? Sasama na lang rin ako"

"Hindi na kailangan, b-baka maistorbo pa kita"

"You're worth my time, K. Sige ganito na lang, I'll stay here and cook dinner para mamaya"

"Hindi mo naman kailangan..."

"Shhh okay na" he was about to kiss her but she hesitate for the thought na sasaktan siya ng asawa . Napa-buntong hininga si Vice at saka niyakap ang asawa at hinalikan sa noo

"Sorry" sambit nito habang nakahalik kay Karylle




















Natapos nang magluto si Vice at hinihintay na lang ang pag-uwi ng asawa, hindi naman niya maiwasang mag-alala dahil malakas na ang ulan at hindi niya ma-contact ang number nito maging si Anne.


"Karylle please be safe"


Hindi siya tumigil kaka-contact kahit na walang signal sa kabilang linya



7:00 pm




8:00 pm




9:30 pm




10:50 pm




11:30 pm



Nang hindi na makatiis si Vice, napagdesisyunan niya na lumabas na ngunit sa paglabas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang asawa na basang-basa habang nakaupo sa may hagdanan malapit sa pinto. Nakatakip ang kaniyang mga kamay sa tenga niya dahil sa takot sa sunod-sunod na kulog at kidlat.


"K-Karylle" agad na nilapitan ni Vice si Karylle at niyakap ito ng mahigpit.


Bigla namang naalala ni Vice nangyari dati kung saan pinalabas niya si Karylle dahil iyak ito ng iyak matapos niya itong suntukin at saktan. Sakto namang umuulan na may kasamang kulog at kidlat. Pilit namang binubuksan ni Karylle ang pintuan na gumagawa ng ingay na ikinainis naman ni Vice. Binuksan ni Vice ang pinto at saka sinaktan muli ang asawa. Nang sumapit ang umaga, basang-basa at sobra ang panginginig ni Karylle.


MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon