Lumipas ang ilang buwang pananatili nila sa ospital at nakauwi narin ang mag-asawa, dun din muna nakatira si Nanay Rosario at ang kaniyang kapatid na si Peter. Hindi naman sila nawala sa tabi ni Karylle, lalong-lalo na si Vice. Si Peter narin muna ang nag-aasikaso ng kumpanya nila dahil sa takot na mawala si Karylle sa tabi nito.Isang himala ang nangyari kay Karylle, masyado kasi itong mahina noong mga nakaraang buwan ngunit dahil na rin siguro sa dasal kaya ito lumakas. Inisip ni Vice na binibigyan na siya ng pagkakataon upang makabawi sa asawa.
Ang hindi alam ni Vice, pinipilit lang ni Karylle na maging malakas para sa asawa ngunit kung tutuusin gustong-gusto na niyang sumuko.
"Hon after you eat, let's go out" kasalukuyan silang kumakain ng almusal kasama si Peter at si Nanay Rosario
"Really??? Thanks Vicey!!!"
"Hon, wag mo naman masyadong madaliin yung pagkain mo, baka mabilaukan ka eh" napatawa naman ng kaunti si Vice
"Tutoy, wag mo pababayaan yang asawa mo ah. Pag napagod, umuwi na kayo agad"
"Opo 'nay" nakangiting sagot ni Vice
"Bro, would you mind if I join you???" Peter said jokingly
"Hahha next chapter ka nalang bro. Just kidding. Hayaan mo munang mag-bonding kami"
"Hahaha okay, fine. I almost forgot, I still have my meeting later" napatigil naman ang magkapatid sa pag-uusap nang magsalita si Karylle
"Baysh taposh na" sabi ni Karylle habang ngumunguya. Halatang nagmamadali ito dahil excited nga.
<3<3<3
"Hi baby!!! Nandito si mommy and daddy" hindi naman magawang magsalita ni Karylle at nanatiling nakayuko lang ito. Inangat naman ni Vice ang ulo ni Karylle at nakita niya ang mga luhang pumapatak.
"Hon, sshhh bakit ka umiiyak??? May masakit ba sayo??? Gusto mo umuwi na tayo???" He keeps on wiping her tears away.
"D-dapat a-ako yung nandito, h-hindi yung anak natin" unti-unti namang nilamon si Vice ng kaniyang konsensiya.
"It's your fault kung bakit nawala ang anak ko!!!"
"You deserve all the pain in this world kasi wala kang kuwentang ina!!!"
"Ikaw dapat ang nandito, Karylle!!!"
"I want you to die"
Bumalik sa isipan ni Vice ang mga pananakit na ginawa niya kay Karylle. Ang mga pasang natamo ng kaniyang asawa dahil sa pambubugbog nito.
"V-Vice b-babalik ba si baby k-kapag nawala na ako???" Napayakap naman si Vice kay Karylle ng mahigpit at hinalikan ito sa kaniyang ulo