Chapter 9

3.5K 176 79
                                    



"Vice, I think mas makakabuti satin kung lumayo muna ako. B-babalik ako promise" her tears are starting to fall

"Edi umalis ka. Kahit nga wag ka nang bumalik eh"

"P-pwede ba akong humingi ng hug bago ako umalis???" Vice was about to walk away nang biglang may pumulupot na kamay mula sa kaniyang likuran (back hug)

"I love you. I love you. I-I love you. Ayoko nang sirain yang buhay mo. And sana pagbalik ko, m-mapatawad mo na ako" Vice didn't move. Unti-unting nawala ang yakap ni Karylle and she already left.





















"Kasalanan nga ba niya???" Vice thought.



<//3


Nakatira si Karylle sa isang maliit na apartment. Bumalik siya sa dati niyang trabaho, nagbebenta ng kung anu-ano sa kalsada. Ayaw naman niyang sabihin ang kalagayan niya sa kaniyang mga kaibigan dahil ayaw niyang kaawaan siya at ayaw niyang maging pabigat.

Isang araw, pag-uwi niya sa kaniyang tinutuluyan, halata ang pamumutla nito. Napaupo siya sa sofa dahil biglang sumikip ang dibdib nito at hirap na rin makahinga. Hindi ito tulad nang dati na kaya niyang tiisin ang nararamdaman. Kinuha niya ang kaniyang phone kahit hirap na ito, at tinawagan si Vhong...




"V-Vhong"

"Karylle?!? Anong nangyari?!? Bakit ganiyan yung boses mo?!?"

"Na-natatandaan mo b-ba yung lugar... m-malapit sa b-bahay ng lola mo... y-yung apartment. I-I need y-you"

"Hintayin mo ako!!! Papunta na ako!!! Karylle?! Hello?!? Sht!!!"




Nakita niyang nakahiga si Karylle sa sahig na walang malay. Chineck ni Vhong yung pulso ni Karylle pati na rin ang paghinga nito. Binuhat niya agad ito at nagmaneho papunta sa ospital nang mahalata niyang halos hindi na humihinga ang kaniyang kaibigan.

Pagkababa ni Vhong, dinala niya agad si Karylle papasok ng emergency room. Kinabitan agad ito ng mga aparato at ipinasok na sa loob. Naiwan si Vhong sa labas na umiiyak. Gustuhin man niyang tawagan si Vice ngunit hindi niya magawa dahil naiwan niya ang phone sa apartment na tinutuluyan ni Karylle. Sobra-sobrang kaba ang kaniyang nararamdaman.


Ilang oras pa ang lumipas nang lumabas ang doktor at hinahanap kung sino ang kasama ni Karylle. Agad namang lumapit si Vhong sa doktor.


"Lilinawin ko na, Karylle's not getting any better. Sa ngayon, there's a machine na tumutulong sa puso niya para mag pump ng blood. We can't say kung hanggang kailan niya kakailanganin ng tulong mula sa machine. For now nilipat na namin siya ng kuwarto, pwede mo na siyang puntahan. You have questions???" The doctor tap Vhong's shoulder.

"A-ah w-wala po. Thank you po"

Dali-daling nagpunta si Vhong kung saan ang kuwarto ni Karylle. Nang nasa tapat na niya ito, halos hindi siya makapasok dahil sa sobrang kaba. Natatakot siyang makita ang kalagayan ng kaniyang kaibigan. Napa-buntong hininga si Vhong bago niya tuluyang buksan ang pinto.


Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Tumutulo ang luha niya habang papalapit kay Karylle. Nang makalapit na ito, nakita niya ang magkabilang braso ng dalaga na maraming nakakabit na aparato. She's also wearing an oxygen mask kasi hindi normal ang breathing nito.



"B-bruh, bakit di mo sinabi na g-ganyan yung kundisyon mo???" Tanong niya sa natutulog na si Karylle. Hinalikan naman niya ito sa noo at umupo sa tabi ng kama ni Karylle. Hindi niya namalayan na nakatulog narin ito.


MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon