Kinabukasan, maaga pa lang ay nakahanda na sila Vice upang umalis. Si Karylle na lamang ang hinihintay nila, ayaw kasi nila itong gisingin dahil masama sa kalusugan niya kapag kulang sa tulog."Ahm 'nay, kayo nalang muna po ni Peter kumain ng almusal. Sa biyahe na lang kami kakain ni Karylle"
"Sige, ako na maghahanda ng pagkain niyo. Umakyat ka na sa kuwarto niyo, baka mamaya hinahanap ka na ng asawa mo" sabi ng nanay ni Vice habang kumakain ng almusal kasama si Peter.
"Opo 'nay. Peter, yung mga gamit niyo, ilagay mo na sa sasakyan after niyong kumain"
Pagkaakyat ni Vice, naabutan niyang nakaupo si Karylle sa kama habang yakap-yakap ang unicorn. (Example pic below. Isipin niyo na lang na malaki yan XD)
"May lakad ka ngayon Vicey???" Takang tanong ni Karylle"Oo. Actually tayo, nandun na sila nanay sa baba naka-ready na. Ikaw na lang yung hinihintay namin, Mrs Viceral" hinalikan ito ni Vice sa noo
"Luh, bakit di mo ako ginising??? Naghintay pa tuloy kayo" tumayo naman agad si Karylle at akmang dideretso na ng cr upang maligo ngunit niyakap ito ni Vice mula sa likod. Back hug :))
"I love you" humarap naman si Karylle paharap kay Vice at yumakap dito.
"I love you too!!!" He smiled between the hug
"Vicey!!! Dalhin natin si unicorn ha"
Nang ready na si Karylle, bumaba na sila upang makaalis na. Ngunit nang makababa na sila, napaluha si Karylle dahil sa sobrang tuwa. Hindi niya inaasahan na makikita pa niya ito.
"M-mama???" Pumunta ito sa direksyon ng ina at niyakap ito ng mahigpit. Tila nagkaintindihan naman si Vice at ang nanay ni Karylle nang magtama ang tingin ng mga ito.
"Ah Peter, hayaan muna natin silang dalawa. Dalhin na muna natin tong gamit sa sasakyan" tumango lang si Peter at dinala na ang isang oxygen tank ni Karylle sa sasakyan. Habang si Vice naman, buhat-buhat niya ang unicorn ni Karylle at ang maleta nila.
<3<3<3
Hindi nagtagal, nagsimula na ang biyahe nila papuntang Baguio. Napapagitnaan si Karylle ni Vice at ng kaniyang ina habang sina Peter at Nanay Rosario naman ang magkatabi sa 1st row, sa likuran ng driver. Hindi ganun kaganda ang panahon dahil umuulan at kumikidlat.