"S-Solenn t-tama na please" nakaluhod na si Karylle sa harapan ni Solenn habang walang awang sinasabunutan siya nito. Basang-basa na din ang mukha ni Karylle dahil sa sobrang pag-iyak nito.Hindi lang si Solenn ang nagpapahirap kay Karylle, kasama rin ni Solenn ang dating nobyo ni Karylle na si Christian.
"Solenn, palayain mo na yan. Kaninang umaga pa natin yan pinapahirapan, bukas naman ulit" sambit ni Christian.
"Pumunta ka dito bukas ng umaga ah! Subukan mong magsumbong at hindi bumalik dito, papatayin ko yang asawa mo!" Tumango lang si Karylle. Bago tuluyang makaalis, binigyan pa ulit siya ni Solenn ng sampal at sabunot.
Nagpunta na si Karylle sa katabing condo kung saan siya sinusundo at hinahatid. Sinasabi niya kasi na pupunta lang ito sa kaibigan. Ilang linggo na niya itong ginagawa at wala talaga siyang balak sabihin ito sa iba.
Pagkarating niya sa kabilang building, nakita na niya ang kotse ni Peter at agad ng pumasok sa sasakyan.
"W-what happened??? Bakit maga yang mata mo??? Tsaka pawis na pawis ka oh. Tsk Karylle, lagot ka sa kuya ko" kumuha naman si Peter ng towel at pinunasan ang pawisang likod ni Karylle.
"Nasaan si Vicey???" Muli nanamang pumatak ang mga luha ni Karylle. Hindi naman ito nakita ni Peter dahil nakatalikod ito at busy sa paglalagay ng towel sa likod ni Karylle.
"He's preparing dinner kaya ako ang sumundo sayo" nang okay na, pinaandar na ni Peter ang sasakyan. Hindi na niya kinulit si Karylle dahil baka mas lalong mapagod ito.
Nang makarating na sila ng bahay, sinalubong sila ni Vice sa harapan ng pinto. Pagkababa pa lang ni Karylle ng sasakyan, agad itong lumapit kay Vice at yumakap. Wala namang nagawa si Vice kundi yumakap nalang din habang hinahagod ang likod ni Karylle, umiiyak na kasi ito.
Nang makababa na rin si Peter ng sasakyan, binigyan siya ni Vice ng tingin na para bang tinatanong kung anong nangyari. Umiling lang si Peter at pumasok na sa loob.
Hindi muna nagtanong si Vice, sinamahan niya ang asawa sa kuwarto para makapag half bath at makapagpalit na ito ng damit.
"We'll talk later after eating" tumango lang si Karylle. Niyakap naman siya ni Vice at hinalikan sa sentido.
"Tsk, nilalagnat ka oh! Halika na nga, kumain na tayo para makainom ka na ng gamot mo" inalalayan ni Vice ang asawa papunta ng hapag kainan
Sabay-sabay tayoooo itaas ang kamay (char. Hi Mars!!!)
Sabay-sabay na kumain sina Vice, Peter, Karylle at Nanay Rosario, kasama na rin nila pansamantala ang nanay ni Karylle. Nagpaalam kasi ito kay Vice kung pwede muna ito maki-tira sa bahay nila upang makabawi sa kaniyang anak na si Karylle.
"Hon, hindi ka naman kumakain eh" napasandal nalang si Karylle sa balikat ni Vice, inakbayan na lang ito ng lalaki. Nakatingin naman sila kay Karylle dahil para bang nanghihina nanaman ito.
"Masakit ba ulo mo??? Susubuan na lang ki--"
"Vice, ako na lang yung magpapakain kay Karylle. Tapos naman na ako kumain" sagot ni Zsazsa