Nagkita naman sina Vice at ang nanay ni Karylle. Babayaran niya ito ng 30,000 pagkatapos ng inihandang surprise ni Vice para sa kaniyang asawa.Magiging okay na sana ang plano ngunit hindi naging maganda ang kalagayan ni Karylle nitong mga nakaraang linggo. Lagi itong nanghihina pagkatapos ng chemo session nito, natural lang naman ito ngunit hindi talaga kaya ni Karylle. Hanggang sa dumating ang isang araw...
"You can't stop that chemotherapy. Karylle nababaliw ka na ba?!"
"Vice, nahihirapan na ako. Pagod na pagod na ako"
"So hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong gusto ko?!"
"Vice p-please, wag ngayon pagod ako"
"No!! Hindi kita titigilan hangga't sa pumayag ka!!"
"Bakit ba gustong-gusto mo akong nasasaktan?! Sumuko na ako eh, kaso bigla ka namang lumaban. Ang impossible mo, Vice. Kung way mo to nang pananakit sakin, pwes, mas gugustuhin ko pa yung mga pambubugbog mo sakin kesa sa chemotherapy na yan!!"
"So, yun pa rin pala ang issue natin?! Sige, bahala ka na kung anong gusto mong gawin sa buhay mo!!"
"Vice please not now, pagod ako"
"Pagod ka na?! Bakit hindi ka na lang mamatay?! Ayaw mo na pala eh!!" She was about to slap him kaso bigla siyang napatigil, napaluha siya sinabi ng asawa.
"Oo nga 'no. Thank you sa idea mo ah. Wag kang mag-alala, baka nga hindi pa umabot yung one year na yun"
"K-Karylle, s-sorry hindi ko sinasadya. N-nadala lang ako"
"No need to say sorry. Kasalanan ko naman ang lahat diba??? At tsaka matagal mo nang gusto ang mamatay ako diba"
"Hon, hi-hindi. Na-nadala lang ako"
"Wala namang magbabago Vice. Ganun pa din, mamamatay pa din ako!!" Lumapit naman agad si Vice at niyakap ng mahigpit si Karylle. Patuloy naman ang paghagulgol ni Karylle hanggang sa hindi na naman ito makahinga ng ayos.
Dinala ni Vice ang asawa sa kuwarto dahil doon nakalagay ang oxygen tank. Sinuotan niya agad si Karylle ng oxygen mask at agad na tumawag ng doktor. Pagkadating ng doktor, kinabitan ito ng dextrose at chineck yung heartbeat ni Karylle.
"Medyo normal naman yung heartbeat niya. Wag munang tatanggalin yung oxygen mask hanggang sa maging normal na yung breathing niya. I'll be back here tomorrow, kapag hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya, I suggest na dalhin na siya sa ospital"
"T-thank you po doc"
"Iwasan ang mga nagpapaiyak sa kaniya. Iwasan ding mabigla si Mrs Viceral, lalong iwasan ang mapagod kung ayaw niyong mapaaga ang one year"
Pagkalabas ng doktor, napa-buntong hininga si Vice habang nakatitig sa asawang nanghihina. Pagkalipas ng ilang minuto, kumuha si Vice ng planggana na may katamtamang temperaturang tubig. Kumuha rin siya ng towel at nagsimula ng punasan si Karylle. Pinalitan din niya ang damit ng asawa dahil pinagpawisan ito kanina.
Nang sumapit na ang hapon, iniwan na muna niya ang asawa sa kuwarto upang magluto ng hapunan. Sopas na lang ang kaniyang niluto para madaling lutuin. Pagkatapos magluto, nilagay niya ito sa tray kasama ang tubig at gamot ni Karylle.
Pagkapasok niya ng kuwarto, inilapag niya muna ito sa lamesa katabi ang kama.
"Hon kain ka muna para mainom mo na yung gamot mo" nang magising si Karylle, inalalayan ito ni Vice na makaupo. Inayos din nito ang unan sa likod ni Karylle upang hindi ito mahirapan.