[Leah's Pov]
Nagising ako dahil parang may maingay. Tapos tumatama pa ang sinag ng araw sa mukha ko. Dinilat ko ang aking mga mata tapos nakita ko sila nag aaway. Tinakpan ko ang tenga ko. Di na nga nila napansin na nagising ako dahil sa ingay nila. Umupo ako habang kamay ko nasa tenga ko parin.
"Ang ingay niyo!! Mag patulog naman kayo oh!"- Ako
Tapos humiga ulit at tumalukbong ng kumot. Teka ba't puti ang kulay ng kumot ko? Asul ang kulay ng kumot ko ah. Bumangon uli ako tapos tiningnan ang paligid. Ba't puti dito lahat? Nasa langit na ba kami?
"Nasa Ospital ka Leah."- Leo
Tumingin ako kay Leo with a curios expression.
"Ospital? Ano ang ginagawa ko dito?"- Ako
"Inatake ka ng Allergy mo. Kumain ka kasi ng Oishi na maanghang."- Leo
Naalala ko na binigyan pala ako ni Rave ng Oishi. Tapos bigla nalang nag iba ang paghinga ko.
Umupo si Rave sa tabi ko tapos hinawakan ang kamay ko.
Dugdug.... Dugdug
O////O
"Sorry ah. Dahil sakin, sinugod ka tuloy sa Ospital."- Rave
Hinawakan ko rin ang kamay niya.
"Okay lang yun. Di mo rin naman alam na may Allergy ako sa maaanghang eh. Kaya ok lang ^__^"- Ako
"Salamat. Aii, oo nga pala. Dumating na sila Tita kanina lang. Umuwi muna daw sila dahil pumunta agad sila rito nung nalaman nila na naospital ka daw dahil sa Allergy mo.Kainin mo muna daw ang Chocolate mo"- Rave
Binigyan niya ako ng.....
Hersheys *Q*
Kinuha ko yung Hersheys tapos kinain. Mmmm, sarap talaga basta Chocolate. Sana may factory ako ng Chocolate. Para gawa, kain XD
"Rave, gusto mo?"- Ako
"Di na. Ikaw nalang."- Rave
"Sabi mo eh. By the way, ilang oras ba ako natulog?"- Ako
Tapos kain uli ng Chocolate. Sarap talaga TTuTT
"10 hours. 6:05 pm na nga ngayon eh."- Leo
"Ehh?? Eh ba't may tumatamang sinag ng araw sa mukha ko kanina?"- Ako
"Di yun araw. Ilaw yun."- Leo
"Ahh. Teka, sabi mo 6:05 pm na diba? Ba't nandito pa kayo?"- Ako
"Hinintay lang namin sila Tita. Pagkarating nila aalis na kami. Nag text kasi sa akin si Haru na may Assignment daw sa Math page 169. Kaya puyatan to ngayon."- Trav
"Nga pala, nung pag gising ko kanina. Bakit kayo nag away away? Ano ang inyong pinagtalunan?"- Ako
"Pinpatahimik lang namin si Ryuuji. Iniwan kasi daw ng Gf niya. Speaking of, kausapin mo yan. Kanina pa yan nagmumokmok eh."- Leo
"Okay. Psst! Oy, Ryuuji!"- Ako
Tumingin siya sakin. Tapos napakalungkot ng ekspresyon niya.
"Bakit ka niya iniwan?"- Ako
Subo ulit ng Chocolate. Naku, isang maliit na bar nalang ang natitira.
"Wala daw kasi akong time sa kanya. Eh ako nga ang palaging nagyaya at naghihintay sa kanya eh. Minsan hindi pa sumisipot"- Ryuuji
"Anong klaseng babae yun? Tanga ba siya? Na iwan niya ang lalakeng palaging naghihintay sa kanya ng buong puso. O Gaga siya. Alam na niya na palagi kang may oras sa kanya tapos pinapalabas pa niya na ikaw ang walang time sa kanya?! Siguro may ibang lalake yun."- Ako
"Bakit mo nasabi yan?"- Jiro
"Tingnan mo ah. Alam niya na palaging may oras si Ryuuji para sa kanya. Tapos siya pa ang may ganang magalit dahil wala kang oras sa kanya? Dagdag mo pa na di kanya sinisipot. Sa tingin mo saan siya pumupunta? Imposibleng kaibigan ang pupuntahan niya dahil mas uunahin ba niya ang kaibigan niya? O ang taong mahal niya na naghihintay sa kanya? Tapos sinasabi niya na wala kang oras sa kanya?! Pambihira."- Ako
Ubos na Chocolate ko TT.TT Gusto ko pa eh!
"Imposible na may iba siyang lalake."- Ryuuji
"Na sayo na yun kung papaniwalaan mo ang mga sinabi ko sayo. Pero sa akin, sigurado ako na may ibang lalake yun. And I'll prove it. Tsaka, ba't ka ba nagtiya tiyaga dun? Ang daming babae sa buong mundo brad!! Hello? 6 billion kaya tayong lahat sa mundo. Tsaka wag mong gawing basehan ang mukha ng babae. Gawin mong basehan ang ugali ng babae. Mapa pangit man o maganda."- Ako
"Yan ang inaasahan ko sa Love Expert na di naman expert pagdating ng love. Wala pa ngang boyfriend eh."- Drei
"FYI Drei, ang love hindi natatagpuan sa boyfriend o girlfriend. Dahil sa simula pa lang, may love ka na agad. Yung mama at papa mo. Pati na yung mga kapatid mo. Di ka ba nila mahal? Kung di ka nila mahal edi sana tinakwil ka nalang nila. Pati sa mga kaibigan. May love ka rin na mararamdaman. Kaya wag mo akong sabihan na wala akong experience sa love."- Ako
Nagkamot lang si Drei sa batok niya dahil binelatan ni Rhiz. Eto namang si Rhiz masyadong palaaway =__=
"Hindi siya Love Expert. Love Dj dapat."- Tris
"Hindi dapat Love Expert Dj."- Rhiz
Nagtalo sila kung ano ang i cocodename sakin dahil sa mga explanation ko kay Ryuuji at Drei.
"She's Angel of Love."- Rave
Tumigil sila sa pag away at nag isip. Tumitingin pala sa akin si Rave kaya iniwas ko ang tingin ko. Sh*t naman to oh!
"Pwede na yun."- Rhiz
"Ok."- Tris
"Angel of Love is it then?"- Rave
Tumingin sa akin si Rave for confirmation. Nag puppy eyes pa nga eh. Kaya tinaas ko nalang ang kamay ko parang surrender.
"Fine, I'm the Angel of Love ^__^"- Ako
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Til next update, minna
Ja ne
Vote and Comment
Arigatou gosaimasu ^__^
BINABASA MO ANG
Fantastic Royalties
Teen FictionSi Leah ay isang babaeng hindi masasabing ordinaryong babae lang dahil sa galing sa self defense, paghawak ng mga armas at magmaneho ng Big Bike. Pero kaya pala siya magaling sa mga yan dahil sa isang grupo na sinalihan niya noon na di niya inaasaha...