Chapter 56: The Traitor

48 0 0
                                    

Leah's Pov

"Tigilan niyo yan ngayon din! Ren, hindi ako ang pumatay sa kuya mo!"- Ako

Mabuti nalang at nakarating ako sa tamang oras. Magsisimula na sana sila.

Bakit ako nakawala? Ganito kasi yan.....

Flashback

Nagpupumiglas ako para makawala. Pero wala talagang nangyayari.

Tumigil ako ng marinig kong bumukas ang pintuan. Akala ko si Ren o si Jace, pero isa lang palang alagad nila.

"Anong ginagawa mo dito?!"- Ako

Nag "sshh" sign siya kaya tumahimik ako. Lumapit siya sa akin at pinakawalan ako.

"Teka, ba't mo ako pinakawalan?"- Ako

"Binalik ko lang ang ginawa mo sa akin noon."- Siya

"Noon?"- Ako

"Yung....

Flashback ( 3 years ago)

Nagpupumiglas ako nun dahil nahuli niyo ako at tinali pabaliktad sa isang silid. Pero biglang bumukas ang pintuan at nakita kitang pumasok. Medyo kinabahan ako dahil naisip ko na ikaw ang leader, baka may gawin ka sa akin na masakit. Pero mali pala ako, kabaliktaran ang ginawa mo.

Nagtanong din ako kung ano ang gagawin mo sa akin. Pero nag "sshh" sign ka din. Pinakawalan mo ako tapos pinahiram ng T-shirt. Ginamot mga sugat ko tapos pinakain din.

Pinatakas mo ako na para bang walang nangyari. Pero dun ko lang narinig ang boses mo. Nung sinabi mong....

Fantastic RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon