Chapter 33: Its My Turn to Become a Nurse (Part 2)

73 2 0
                                    

Continue.....

[Rave's Pov]


Pumunta ako sa Cafeteria at hiniram ang kitchen nila para lutuan si Leah ng Sopas. Pagkatapos kong magluto, sinabihan ko sila na papalitan ko yung mga ginamit ko sa Sopas na ito. Tumango lang sila tapos ako pumunta kay Leah dala dala ang Sopas. Pagkarating ko dun, nakita ko siya na natutulog. Inilagay ko muna sa table yung Sopas. Tapos ginising ko siya para pakainin.

"Leah?"

"Hmm.."

"Leah."

"Hmmm"

Tigas ng ulo ng babaeng to =__= Pasalamat siya mahal ko siya.

"Leah, gumising ka dyan kundi hahalikan kita."

Agad siyang bumangon. Daling ma uto.

"Eto na. Gising na. Kakain na."

"Haha."- Ako

Lumapit ako sa kanya tapos susubo na sana siya ng Sopas pero pinigilan ko.

"Sandali lang!"- Ako

Nasamid tuloy siya tapos natapunan ng Sopas ang damit niya. Nagulat siya.

Loading......

Agad siyang tumayo tapos tumalon talon.

"Whoo!! Ang init! Ang init ng Sopas! Ikaw kasi eh! TT3TT"

"Sorry sorry! Ako sana ang susubo sayo eh."

"Sana sinabi mo nalang hindi yung nang gugulat!"

"Sorry na. Kukunin ko nalang yung extra T-shirt ko sa locker. Diyan ka muna ah."

Tumango lang siya tapos pinag pag ang damit niya.

Pumunta kaagad ako sa locker ko at kinuha ang extra T-shirt ko. Favorite Shirt ko pa. Pero ok lang, sulit ang pagpapahiram ko sa kanya dahil ang taong mahal ko ang susuot.

Pumasok kaagad ako sa Clinic tapos nakita ko parin siya na pumapagpag.

"Eto ang T-shirt. Magpalit ka na tapos gamitin mo ang bimpo para maalis ang Sopas na tumalsik sa katawan mo."

"Salamat. Nalalagkitan na kasi ako eh. Bihis muna ako."

Tumango lang ako tapos hinintay siya. Pagkatapos ng 123456789 years, de joke lang ^___^V Pagkatapos ng 2 minuto lumabas na siya sa CR. Suot na niya ang damit ko. Umupo siya sa ibang upuan tapos lumapit ako sa kanya dala dala ang Sopas.

"Kain ka na. Susubuan kita."

"Ayusin mo ah."

"Oo aayusin ko. Wala na kasi akong ibang T-shirt eh."

"Sira! Paka inin mo na ako. Ahh"- Leah

Sinubuan ko siya hanggang maubos ang Sopas. Tapos bumalik siya sa higaan. Ako naman binalik tong bowl at kutsara sa Cafeteria. Pagbalik ko dun, natutulog na siya. Ang bilis matulog ng babaeng 'to. Binantayan ko siya hanggang sa dissmisal.

*RING*

Pagka ring ng Dissmisal may kumatok sa pintuan tapos pumasok. Si Leo pala.

"Rave, pwedeng paki hatid si Leah sa bahay? May praktis kasi kami sa Basketball eh."- Leo

"Sure."

"Thanks. Una na ako Bro."

Tumango lang ako then binuhat si Leah papuntang sasakyan ko. Ayaw ko namang gisingin siya dahil ang himbing ng tulog niya. Hanggang nakarating kami sa bahay nila at dinala ko siya sa kwarto niya. Inutusan ko yung katulong nila na bihisan siya dahil basa ng pawis tapos naka school uniform pa siya except sa pangtaas niya. Agad namang sumunod yung katulong nila tapos ako pumunta sa kusina nila. Nagpatulong akong mag luto sa taga luto nila. Ang niluto namin is Caldereta with Cheese tapos Tinolang Manok. Inilagay ko sa plato yung pagkain niya tapos inilagay sa tray. Kumuha din ako ng tubig, Orange juice, gamot at Mansanas. Ini akyat ko sa kwarto niya yung pagkaing nasa tray. Pumasok ako sa kwarto niya pero hindi na siya tulog, gising na siya.

"Gising ka na pala."- Ako

"Ikaw ang naghatid sakin?"

"Oo. May Basketball praktis kasi si Leo tapos inutusan niya ako na ihatid ka rito."

"Kasali pag alaga sakin, binilin niya?"

"Gusto lang kitang alagaan. Bakit masama?"

"Hindi naman."

"Kain ka muna."

"Ikaw nagluto?"- Leah

"Nag patulong ako sa taga luto niyo."

"Ahh."

"Enjoy."- Ako

"Ikaw di ka kakain?"- Leah

"Nakikita ko palang eh busog na ako. De joke lang, busog pa ako eh."

"Ok."

Subo lang siya ng subo tapos pagkatapos niyang kumain, Mansanas kinain din niya. Uminom siya ng gamot tapos bumalik uli sa pagtulog. Pagkatapos kong masiguro na natutulog na siya, bumaba na ako dala ang tray tapos pumunta sa kusina para iwan doon. 7 na kasi ng gabi tapos papalabas na sana ako ng magkatagpo kami ni Leo na naka Jersey pa siya. Sinabi ko na uuwi na ako tapos tumango lang siya at nagpasalamat sakin.

Pagkarating ko ng bahay, agad akong umakyat sa kwarto ko tapos natulog.

==================================================================

Till next update, minna

Ja ne

Vote and Comment

Arigatou gosaimasu ^__^

Fantastic RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon