Chapter 34: Drawing

75 2 0
                                    

[Leah's Pov]

July 7, 20**

Tuesday ngayon. Pero nandito parin ako sa kwarto, naka higa. Magaling na ako salamat kay Rave. Hindi muna ako pinapasok ni Leo baka mabinat daw ako. Sila Mommy naman, di umuuwi. Sabi ni Leo sa Thursday pa daw sila uuwi. Ginawan din niya ako ng excuse letter. Kaya ngayon, ako lang mag isa dito sa bahay. Ano kaya ang magandang gawin?

"Haayy, ba't ba kasi ako nag kasakit =__= Nakakatamad dito sa bahay."

Nanood nalang ako ng Kaichou wa Maid sama. May CD kasi ako ng mga Anime Movies. Pagkatapos kong matapos ang lahat ng episodes, naisipan kong i drawing si Usui at Misaki.

Bata palang ako gusto ko na talagang maging Mangaka. Sa mga nababasa ko kasing Manga parang nagkaroon ako ng determinasyong gumuhit. Tapos magkakandarapa ang mga Otaku na kumuha ng Manga mo. Ok lang yan, Leah. Libre lang mangarap XD

12:45 pm

3:00 pm

4:59 pm

Maghapon akong gumuguhit ng Anime characters. Dami ko ngang naguhit eh. Si Usui at Misaki, Si Ayato, Si Miku, Si Sakamaki Izayoi, Si Black Rock Shooter at iba pa.

"Galing mo palang mag guhit ah."

"Ay palakang pilay!!"- Ako

"Haha."

Tumingin ako sa kanya tapos sinamaan siya ng tingin.

"Gusto mong ipalunok ko tong lapis?"- Ako

Tinaas ko ang lapis na aking hinahawakan.

"Sorry na."- Rave

Sabay taas ng kanyang mga kamay. Di ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang pag drawing.

O.O

Tumayo ako sa study table ko habang ang mga kamay ko ay nasa table parin. Si Rave naman umaatras sakin.

"RAVE ANDREW HIRASHIMA!!!!"- Ako

Tapos nag habulan kami dito sa kwarto ko. Eh kasi naman ang drinodrawing ko na si Black Rabbit parang multo! Dahil sa pagka gulat ko.

Nung natakasan niya ako, kinuha niya yung mga drawing ko tapos lumabas sa kwarto.

"Uii, tingnan niyo ang mga drawing ni Leah!"- Rave

O.O

Ibig sabihin lahat sila nasa baba? What?!

Lumabas ako ng kwarto tapos inabot ko yung mga drawing ko. Pero di ko maabot dahil nga matangkad siya. Tapos tinaas pa niya, edi mas lalo kong di maabot. Bumaba siya ng hagdan pero ako tiningnan ko muna siya kung saan papunta. Papunta siya kina Leo sa baba O.O

Naalala ko na ang ginamit kong pantali sa buhok ay lapis.

"Oy, Rave!"- Ako

Lumingon silang lahat sakin with a curios expression. Agad kong tinanggal ang lapis sa buhok ko tapos tinapon kay Rave. Umilag siya kaya ang natamaan ang lamesa na maliit. Nagulat siya na may halong takot kaya ginamit ko ang oras na yun na bumaba. Nung tumingin siya sa taas wala na ako dun. Tapos nakit niya ako na nasa gilid lang pala niya, itsura niya parang nakakita ng multo. Tatakbo pa sana siya pero sinipa ko siya ng mahina na sakto lang na matumba siya tapos umupo ako sa dibdib niya.

"Wag mong gagalawin ang gamit ko na walang paalam ha. Dahil kita mo tong lapis na 'to?"

Kinuha ko yung lapis na nakatusok sa lamesa tapos pinakita sa kanya.

"Isasaksak ko to sa ngala ngala mo."

"Rape!!"- Rave

Binatukan ko siya. Parang magkakasakit uli ako =__=

"Lul!"- Ako

Ngayon ko lang napansin na tinitignan pala kami nila Leo. With a evil grin on their faces. Agad akong umalis sa pagka upo ko sa dibdib niya tapos tumayo rin siya.

"Infairness Leah ah. Ang galing mong gumuhit."- Trav

O.O

Nasa kanila na pala ang mga drawing ko >////< Rave naman kasi eh!

"Magaling talagang gumuhit yan. Oh by the way. Sinabi kong mag pahinga ka dahil baka ka mabinat. Tapos takbo ka ng takbo."- Leo

"Si Rave kasi!"

Kinuha ko ang mga drawing ko tapos umakyat sa kwarto ko. Haayy, bakit ko ba kinahihiya ang mga drawing ko? Maganda naman ang pagka guhit. Baliw na ako =__=

Lumabas ako 7:30 para kumain. Pero nakita ko na papa akyat na si Leo mula baba.

"Umalis na sila?"- Ako

"Oo bago lang. Kain ka na. May Caldereta sa baba na may cheese."

"Ok. Sino nag luto?"- Ako

"Si Rave."

Naawa tuloy ako kay Rave dahil sa inasal ko kanina. Haayy, sana makabawi ako bukas. Sa ngayon kakain muna ako tapos matutulog.

==================================================================

Til next update, minna

Ja ne

Vote and Comment

Arigatou gosaimasu ^__^

Fantastic RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon