Chapter 1: Introduction

769 11 0
                                    

[Leah's Pov]

"LEAHH!!! GISING NAA!!"

Sigaw ni mommy sa baba. Ganyan ang alarm clock ko araw-araw.

"Ugghhh, BABABA NAA!!!"

Haay, life naman oo.

"Bilisan mo! Baka malate ka sa pangatlong araw mo sa school"

Nagulat ako ng sandali at.....

Nakalimutan ko na pasukan na pala! Dali dali akong naligo, nagbihis at bumaba sa dinning.

"Akala ko hindi ka na bababa."- Mama

Hindi ko na pinansin si mama at patuloy sa pagkain.

Ayy, oo nga pala. Ako pala si Learranx Louisse Veanne Nakamura o si Leah for short. 16 yrs.old, 4th year highschool. Nakatira kami sa Sherwood Subdivision. Meron akong mga kapatid, sina Vannesa Clarrise at Learronx Louis Verann Nakamura.

Si Vannesa ay ate namin ni Leo. Siya ay tapos na sa pag-aaral at may coffee shop siya at may inosenteng bar siya kung saan ako kumakanta tuwing Miyerkules at Biyernes. Or in short, part time job. Sineswelduhan naman niya ako, PART TIME JOB nga eh. Ginagamit ko ang sweldo ko for school needs and for my needs lalo na pag monthly ko. Ang pangalan ng bar niya ay Anime Van Bar. Naks! Pate ate ko, mahilig rin sa Anime. Karibal ko yan sa mga crushes ko na Anime boys ( _-_ ) Kasi kahit ako nauna, inaagaw niya.

Si Learronx, Leo for short ay kakambal kong lalake. Magkamukha nga kami pero, kulay ng buhok niya blonde akin naman itim. Kulay ng mata niya blue akin violet.

Marami kaming hindi magkaparehos.

Kung pasukan, suot niya black shoes akin naman black RUBBER shoes o di naman kaya boots.

Kung pagkain,  allergic siya sa Crabs  akin naman allergic sa maanghang o spicy.

Kung sports, mahilig siya sa basketball akin naman soccer.

Kung sasakyan, kotse ang sa kanya akin naman, Big Bike na motor.

Kung hobby naman, nag prapractice siya ng basketball mag-isa, tutal meron naman kaming ring, akin naman kung walang praktis ng soccer, mag rarace car driving ako. Tutal binilhan ako ni mama ng sasakyan pang racing.

Kung cellphone naman, kanya iPhone6 akin samsung Galaxy.

Kung musical instruments, marunong siyang gumamit ng gitara, ako naman gitara at piano. Kasali nga yan sa banda ng aming school eh. Meron din yang fans club. Swerte naman ng kapatid ko ( T-T ). Pero hindi pa siya nakarinig ng boses ko. Kahit yung mga kaibigan ko. Hindi nila alam na nag papart time job ako kay ate na bar. Kasali nga rin ako sa mga Dancers ng school.

Pero meron naman kaming pinagkakasunduan. Parehos kaming mahilig ng Anime, parehos naming gusto ang kulay na blue at higit sa lahat, parehos namin gusto ang musika.

Speaking of Leo, hindi ko siya nakita ngayong umaga. Matanong nga si mama.

"Ma, asan po pala yung kakambal kong tukmol? Hindi ko po kasi siya nakita ngayong umaga eh."- Ako

"Kung tukmol ang kakambal mo, tukmol ka rin."- Mama

Nahuli niya ako dun ah.

"Errr, sige na. Asan po pala si Leo?"- Ako

"Nauna nang umalis dahil magkikita daw sila ng mga kaibigan niya dahil may gagawin daw silang importante." - Mama

"Ahhh, ganon po ba."- Ako

Tinuloy ko nalang ang pagkain at hindi na umimik pa.  Nag vibrate ang cellphone ni mama. Tiningnan niya ito. Pagkatapos niyang basahin ang message dali-dali siyang nagligpit ng gamit at nag-ayos dahil nag-aalmusal si mommy non ng may laptop sa ibabaw ng lamesa.

"Anak, mauna na kami ni daddy mo ha. May wine tasting si daddy mo at ako naman may aasikasuhin lang na designs. Okay?"- Mama

Nagsigh nalang ako.

"Okay."- Ako

Ngumiti si mama at  pagkatapos niyang magligpit ay tumawag siya ng katulong para iligpit ang hapag kainan. Humalik siya sa akin at sabay sabi ng ....

"Love you."- Mama

"I love you too, mom. Kayong dalawa ni daddy."- Ako

Naglakad na siya palabas non at tinawag si daddy.

Oh, by the way, ang mga magulang naman namin ay sina Sherai at Rhyon Jhi Nakamura.

Si papa ay may-ari ng isang wine bussiness sa pilipinas, Italy, France, Germany at my Sake bussiness naman siya sa Japan.

Si mama naman ay isang fashion designer at siya ang may-ari sa Blossom Fashion Ind. kung saan sikat sa t-shirts,pants and especially gowns. Siya mismo ang nagdedesign sa mga damit tapos iba naman ang gagawa.

Meron din silang dalawang restaurants at isang five star hotel. Biniyayaan siguro talaga kami ng yaman.

Ang pangalan ng aming hotel ay Otaku Nakamura Hotel. Unique ang pangalan no! Kami kasi ni Leo ang nag sabi na kailangan ang hotel merong Anime or kahit ano basta  Anime. Naisip ni mama na pwede ba Otaku. Sumang-ayon naman kami kasi Anime parin naman yun ( _-_ )

Ang Otaku ay Obsessed fan.

Tinapos ko na ang pagkain at umalis na.

Fantastic RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon