Leah's Pov
Christmas Party na ngayon! At mamaya na din ang Christmas Ball. Pero wala pa kami sa school. Nandito pa ako sa bahay, nag aayos. Si Leo naman nasa baba, kumain ng heavy snack lang. Para daw marami siyang makain mamaya.
"Leah! Baba na! Tapos na magluto si Mom! Alis na tayo!"- Leo
Si Mom kasi ang nagluto ng dadalhin namin na pagkain. BYOB kasi kami kaysa mag pacater. So bumaba na ako at dinala ang regalo ko.
Pagkababa ko, nakita ko si Leo na naghihintay habang hawak ang mga pagkain na dadalhin namin at ang regalo niya.
"Astig ng suot natin ah?"- Leo
"Gwapo mo sa suot mo. Leo."- Ako
Tapos nagpaalam na kami at umalis na patungong school. Pagka park ni Leo, bumaba agad kami. Rinig na rinig dito sa labas ang mga music nila. Tumakbo kami ni Leo hanggang room dahil nagsisimula na ang party ng iba.
Pagkarating namin sa room, kami lang pala ang hinihintay doon. Nilagay namin ang regalo sa lalagyan ng mga regalo. Tapos nagsimula na.
*fast forward*
Exchange gift na. And si Trav na ang magbibigay ng gift. Ganito ang arrangement namin. Naka upo ang lahat. Then kung sino na ang magbibigay ng gift, tatayo siya sa harap then magsasabi ng katangian ng taong nabunot niya. Syempre ang adviser ang first. Yung lalakeng kaklase namin ang naka bunot kay Trav.
"Mahiyain ang nabunot ko. Myembro siya ng Vocalour. At siya ay si.......
Ren Sora Mendez."- Trav
Tumayo si Ren tapos nag hug siya kay Trav then kinuha ni Ren ang gift niya.
"Okay. Mabait ang taong nabunot ko. Maganda at simple. Astig din siya. Hinahangaan ng karamihan. Ms. Learranx Louisse Veanne Nakamura."- Ren
Ako pala ang nabunot niya?
Tumayo ako then hinug ko siya then nagpasalamat. Kinuha ko ang gift ko bago magsalita.
"Ang nabunot ko ay kaklase ko. Merry Christmas Rhiz."- Ako
"Ikaw pala ang naka bunot sa akin?! Sabay pa tayong bumili."- Rhiz
Nag thank you siya then hinug ako at kinuha ang gift niya.
"Ang nabunot ko ay parang kabute. Sumusulpot nalang kahit saan. Walang iba kundi si Andrei."- Rhiz
Ayyiieee~ Love is in the air~ Tumayo si Drei then kinuha ang regalo niya.
"Hoy! Wala bang thank you jan?!"- Rhiz
Bumalik si Drei kay Rhiz at hinalikan sa pisngi.
"Thank you."
Tapos bumalik na siya.
"Ang nabunot ko ay katropa ko. Si Tristan."- Drei
Tumayo din siya at ginawa ang ginawa namin kanina.
"Ang nabunot ko ay isang Don Romantiko. Na sayo na ang titulo Rave."- Tris
Nagpasalamat si Rave then kinuha ang mga regalo niya. Teka, dalawa???
"Ang nabunot ko ay palaging Cold. Siya si Mr. Leo."- Rave
Binigay ni Rave ang regalo niya kay Leo tapos lumapit sa akin.
"At sayo naman Leah."- Rave
Binigay din niya sa akin ang gift niya. Niyakap ko siya.
"Mamaya na ang sayo."- bulong ko
Napatawa lang siya tapos si Leo naman ang nag salita na.
"Ang nabunot ko ay makulit. Walang iba kundi si Juki ay este Alfred."- Leo
Hahaha..
Tapos the gift chain goes like this:
Leo⇨Alfred⇨Philip⇨Keil⇨Zander⇨Bryle⇨Alexus⇨Ivan.
So bukasan na.... At ang nakuha ko is....
dO.Ob
"Kyyyaaahhhh!!!!!!!! Oh my gad oh my gad!!!!"- Ako
Tumalon talon ako sa tuwa. Hinawakan naman ako ni Trav.
"Hoy! Anong nakuha mo?!"- Trav
"12 golden keys ni Lucy then a Kaito, Len and Rin Figure!!!!"- Ako
Ang saya saya ko! Eto ang mga nakuha nila.
Trav- Chanel Bag and a Parada Sunglasses
Ren- Basketball then a perfume. Ewan ko kung ano ang pangalan.
Rhiz- 2 Toblerone, 2 Hersheys, 3 malalaking Cadberry at 2 box ng Meiji. At keychain ng Burger (Ako ang bumili eh d--,b)
Drei- Jersey na may pirma ni Michael Jordan at Four Season Key Chain
Tris- Raiban Eyeglasses and a Book about Greek Mythology
Rave- Susi ng sarili niyang Bigbike. Sosyal no?
Leo- Lelouch, Mikaela, Krul Tepes, at Gakupo Figure. Nag twinkle nga mata niya eh d-.-b
And the rest is etc. Andami na kasi eh. Papauwi na kami ngayon, bigla akong tinawag ni Rave.
"Asan yung binigay kong gift?"- Rave
"Nandito bakit?"- Ako
"Buksan mo. Gusto ko makita reaction mo."- Rave
Nag kibit balikat lang ako at binuksan ang regalo niya. Nakita ko ang dalawang singsing sa isang kwintas. Kinuha ni Rave yun tapos sinuot sa akin.
"Yang dalawang singsing jan, yan ang soon to be Wedding Ring natin."- Rave
Ngumiti lang ako at pumikit dahil hinalikan niya ang ulo ko. Nagpasalamat ako then nag paalam kay Leo na kay Rave ako sasakay. Tapos tinapon ni Rave ang susi sa Bigbike niya sa akin.
"Teka, ano to?"- Ako
"May dala kasi akong sasakyan, I was thinking na ikaw ang magbinyag niyan."- Rave
"Talaga?"- Ako
Tumango lang siya then pumasok sa sasakyan niya. Kaya sumakay na din ako sa motor niya. At humabol sa kanya.
Pagkarating ko sa bahay, di ko namalayan na nadala ko pala ang motor niya! May na receive ako na text mula sa kanya.
From Rave:
Sa inyo muna yan. Bukas ko na kukunin.Sabi niya eh. Tumakbo agad ako sa taas at naligo.
Next is the Christmas Ball..........
============================
BINABASA MO ANG
Fantastic Royalties
Novela JuvenilSi Leah ay isang babaeng hindi masasabing ordinaryong babae lang dahil sa galing sa self defense, paghawak ng mga armas at magmaneho ng Big Bike. Pero kaya pala siya magaling sa mga yan dahil sa isang grupo na sinalihan niya noon na di niya inaasaha...