Van's Pov
Nandito ang tropa nila Rave at Leah pero ang dalawa ay kasalukuyang nag dadate. Pero 6pm na at hindi pa sila umuuwi.
"Mukhang nag eenjoy talaga ang dalawang yun. Sinulit ang unang araw na mag jowa."- Trav
Si Mom naman hindi mapakali. Pabalik balik kasi siyang naglalakad.
"Mom, wag kang mag alala. Ayos lang sila."- Leo habang nakatingin sa phone niya.
"Pero kinakabahan ako. Ngayon ko lang uli naranasan to."- Mom
Uli?
"Uli?"- Ako
"Huli kong naranasan to ng masangkot ang grupo nila Leah sa Japan ng Gangster War. Yung muntikan ng mamatay si Leah. Pero may sumanga na lalake sa bala."- Mom
Napatahimik naman kami. Si Leo naman ay parang gulat na may galit.
"Mom! Bakit mo sinabi sa kanila?!"- Leo
Tumingin naman ako kay Leo. Na parang hindi makapaniwala na may halong inis.
"Bakit ayaw mong ipasabi? Ano bang meron?"- Ako
Bumuntong hininga muna si Leo bago nagsalita uli.
"Kaming Black Rose Gang ay sikat sa Japan bilang number 1 strongest Gang sa Japan. Ang Thunder Strike ay pumapangalawa. Ang Thunder Strike ay gusto kaming talunin at maging una. Inimbita nila kami sa isang stadium sa Japan. Pero di namin alam na isa pala itong ambush. Kaya wala kaming choice at nakipaglaban. Habang nasa kalagitnaan na kami ng away, balak sana ni Jace na patayin si Leah pero sinanga yun ni Kei."- Leo
"Kei?"- Trav
Medyo kinakabahan si Leo. Humawak muna siya sa batok niya bago nagsalita muli.
"Si Kei ay ang first love ni Leah. Kaya inaako niya ang kasalanan dahil siya ang dahilan kung bakit namatay si Kei. Nung burol na ni Kei sa Japan, hindi pina attend si Leah sa burol dahil malas daw siya sabi ng pamilya ni Kei. Hanggang sa libing. Hindi kami lumapit pero nasa malayo kami. Iyak ng iyak si Leah nun. Kaya may pinangako siya sa sarili niya."- Leo
Naging intresado naman si Tris.
"Ano naman yun?"- Tris
Flashback
Humawak si Leah sa kamay ko. Ang lamig ng kamay niya. Basa na din siya dahil sa ulan.
"Pinapangako ko Leo. Na sa susunod kong relasyon, hindi mamatay ang taong pinakamamahal ko."
End Flashback
Natahimik naman kami lahat. Kaya pala grabe siya sa pagprotekta kay Rave.
Natigil ang katahimkan ng may pumasok na guard sa bahay namin na may dugo sa labi.
"Manong Pete! Ano pong nangyari sa inyo?!"- Mom
Lumapit si Dad kay Manong at tinulungan siya. "S-Sir.. Si Sir R-Rave po.... nasa g-guardhouse at parang binugbog po."
Agad kaming pumunta sa guardhouse at nakita namin naka handusay si Rave doon.
Tinulungan nila si Rave at pinasok sa bahay. Pinahiga nila sa sofa tapos ginamutan ni Mama.
Leah's Pov
Nagising ako sa isang kama sa isang silid. Pero nakagapos ang mga kamay ko. Nag iisip ako kung paano tatangalin ang mga nakagapos sa kamay ko nang may pumasok.
"Gising na pala ang prinsesa."
"Jace..... Nasaan ako? Nasaan si Rave?!"
"Pinauwi ko si Rave sa inyo para malaman ng mga magulang mo ang nangyari sayo."
Okay lang kaya si Rave?
"By the way, ipapakilala ko sayo ang leader ng Thunder Strike."
Huh?
"Rex!"
Pumasok yung lalake. Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ako makapagsalita.
"Hello Ran. I'm the leader of the Thunder Strike, Rex. You know me as.......
Ren Sora Mendez
======================
Vote and Comment
Arigatou Gozaimasu!
BINABASA MO ANG
Fantastic Royalties
Teen FictionSi Leah ay isang babaeng hindi masasabing ordinaryong babae lang dahil sa galing sa self defense, paghawak ng mga armas at magmaneho ng Big Bike. Pero kaya pala siya magaling sa mga yan dahil sa isang grupo na sinalihan niya noon na di niya inaasaha...