Leah's Pov
Sa sobrang galit ni Ren, sinugod niya agad si Jace. Ako naman ay tumalon pababa.
[Insert Song: Do you ever shine by Mayday]
Nagsidatingan na din ang iba nilang kasamahan. Galing dun sa entrance, sa kitchen, sa ball room at sa second floor.
"Hulihin niyo siya!"- Ren
Pero ni isang tao walang kumilos. Biglang tumawa si Jace.
"Walang susunod sa'yo dahil sa akin lang sila susunod. Ito ang dahilan kung bakit ko pinatay ang Kuya mo. Gusto ko maging leader ng Thunder Strike pero nandyan ka pa pala. Naisip ko na pag nawala ka na, akin na talaga yung trono. Kaya papatayin na kita ngayon mismo."- Jace
Sumugod na ang iba niyang kasama. Pero biglang sumigaw si Rave.
"Leah!"- Rave
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang Katana ko. Nakita ko din ang Katana ni Kei na nasa kanya. Tinapon niya yung Katana ko kaya tumakbo ako at sinalo yun. Nilabas ko ang katana ko pagkasalo ko.
Nagsilapit sila at syempre naghanda na kami para makipag away. Pati rin ang mga kasama ko.
Sumugod na sila kaya nakipag away na kami. Lumapit ang karamihan sa akin kaya medyo binilisan ko ang makipagtalo. Pagkatapos ng tatlo, pumasok na naman ang lima.
"Ngayong busy na sila, tayo na naman ang magtutuos."- Jace
Naglabas si Ren ng katana pero si Jace ay naglabas ng double kodachi.
Parang kidlat ang kanilang mga galaw dahil sa bilis. Kahit medyo nakatingin ako sa kanila, hindi ko parin pinabayaan ang mga kalaban ko. Tumambling ako papuntang kabila para tulungan si Rave.
Sinipa ko yung dalawa sa likod niya at pinutol ang mga katana nila.
Tumingin uli ako kanila Ren pero nakaupo na si Ren at may dugo ang paa.
"Ren!!"- Ako
Tatakbo na sana ako patungo sa kanya kaso hinarangan nila ako. Mga sampu ang nakapalibot sa akin ngayon.
"Pag ikaw ang magiging leader ng Thunder Strike, palagi na silang talo."- Ren
Hinawakan ni Jace si Ren sa kwelyo. Halatang galit na galit si Jace sa sinabi ni Ren.
"Wala akong pakialam. Mamatay ka na nga lang."- Jace
Sinuntok niya yung sugat ni Ren sa binti habang hawak ang kwelyo neto.
"Aahhhhh!!!!"- Ren
Tapos sinipa niya si Ren kaya tumilapon. Hinay hinay lumapit si Jace kay Ren.
Nakipagtalo ako sa kanila tapos ginamit ko ang sheath ko para mawala ang mga kalaban ko sa likod. Tinusok ko ng sheath ang mga tao sa likod. Tapos tinalo una ang apat sa likod tapos yung lima sa harap. Yung isa ay pumatong ako sa balikat tapos tumalon patungo kanila Ren.
"Ngayon tayo naman ang magtutuos."- Ako
Sinugod ko siya agad. Sinanga niya lang sa dobleng kodachi niya. Tinapon niya sa ibang deriksyon ang katana ko at sinuntok ako sa mukha. Sinipa ko ang mga kamay niya kaya nabitawan rin niya ang kanyang double kodachi.
Kaya suntok at sipa nalang kami. Sinanga niya ang suntok ko kaya sinipa ko siya sa tiyan. Nang maka recover na siya, tumayo siya habang hawak-hawak ang tiyan niya.
"As expected sa leader ng Black Rose Gang. Pero di pa rin ako natutumba. Tingnan natin kung sino ang mas malakas. Ang leader ng Black Rose Gang o ang leader ng Thunder Strike?"
Bigla siyang tumakbo papunta sa akin. Sa bilis ng kilos niya, di ko namalayan na nakalapit pala siya sa akin at sinuntok ang mukha ko. Dahil sa pagsuntok niya, napa atras ako. Dumugo ang labi ko sa lakas ng impact ng suntok niya. Lumapit uli siya sa akin at sinuntok uli ako pero sinanga ko yun. Pag sanga ko sinipa ko siya kaya napa atras siya. May nakita ako na straight pero medyo malaki na pabilog na kahoy. Kumuha siya ng dos por dos na kahoy kaya patas na kami.
"Tignan natin kung sino ang mas magaling humawak ng kahoy."- Jace
Inikot ko ang kahoy sa leeg ko. Lumapit siya sa akin kaya pinalo ko ang ulo niya gamit ng kahoy kaya dumugo ang ulo niya at nabitawan nya ang kahoy niya. Kinuha ko ang kahoy niya habang umaatras siya habang hawak ang ulo niya. Masama ang tingin niya sa akin pero bigla siyang nag grin at may kinuha na kutsilyo sa likod niya.
Tinapon niya sa akin ang isa at nadaplisan ako sa kamay. Nagtapon pa siya at nadaplisan ako sa mukha, noo at sa magkabilang braso ko. Nagtaka ako kung bakit wala ng kustilyo ang tumatapon sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakita ko na nag smirk siya. Hinintay niya talaga ako na tumingin sa kanya bago niya tinapon ang tatlong kutsilyo kay Ren
"Hindi!!!"- Ako
Lumapit ako kay Ren at tumalon para maka abot sa mga tinapon niya na kutsilyo. Napahiga agad ako pag landing ko. May kutsilyo sa binti, braso at tagiliran ko. Si Ren naman ay na shock sa ginawa ko. Di ako makatayo dahil sa mga kutsilyo na nasa mga katawan ko. Lumapit naman si Jace sa amin.
"Tsk.. tsk. Nagpapaka hero na naman."- Jace
Medyo mabilis na ang aking paghinga. Isa isa kong tinanggal ang mga kutsilyo na nasa binti, braso at tagiliran ko. Pinilit kong tumayo pero masakit sa tigiliran at braso kaya napahiga uli ako. Hinawakan niya ako sa kwelo at pinatayo. Tumingin siya kay Ren.
"Ikaw kasi Ren. Tingnan mo ang nangyari sa kanya. Pa hard to get ka kasi kaya maraming tao ang nadadamay."
Tumingin naman siya sa akin. At nag smirk. Si Ren naman ay nagpipilit tumayo. Binitiwan niya ako kaya bumagsak ako.
"Ikaw naman, nagpapaka hero uli. Kaya siguro namatay si Lover boy Kei. Kawawang bata."- Jace
Medyo sumikip ang dibdib ko sa narinig ko. At galit rin sa kanya at sa sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang mamatay. Wala man lang akong naggawa para sa kanya.
Tumayo ako kahit masakit ang tagiliran ko. Napatingin naman siya sa akin. Tapos na din ang iba sa mga kalaban nila at balak din sana nilang tumulong sa akin pero pinigilan sila ni Leo at sinabi na sa amin lang ang laban na ito.
"Wala kang karapatan na sabihin ang pangalan niya. Ikaw na walang hiyang pumatay sa kanya."- Ako
Tumingin ako sa kanya na may galit.
"Ngayon ay magbabayad ka."
Kinuha ko ang katana ko at tinutok ang katana sa kanya.
To be continue.........
BINABASA MO ANG
Fantastic Royalties
Fiksi RemajaSi Leah ay isang babaeng hindi masasabing ordinaryong babae lang dahil sa galing sa self defense, paghawak ng mga armas at magmaneho ng Big Bike. Pero kaya pala siya magaling sa mga yan dahil sa isang grupo na sinalihan niya noon na di niya inaasaha...