I really felt guilt at that moment. Maybe, I don't really know him.
Maybe, I just know his name. Not his whole life story.
Umalis na din ako. Nakakahiya na kasi e. Ayokong marinig yung bulong bulungan na 'si Ms. Genius, short tempered.' o 'Si Stacey, war freak pala' o kung ano ano pa. Baka kasi maiyak lang ako. Hndi naman sa inaalagaan ko ang image ko sa school. Gusto ko lang ng tahimik na buhay. Yung si Shella at teachers lang ang pumapansin sakin. For sure bukas, pagbubulungan na naman ako. Letcheng Aldrin kasi e. Ba't ba siya napunta sa section 1? >.< Halos yata ng subject, hndi umaattend e. -___-
Tumambay na ako sa may garden sa school. Dun kasi, mas tahimik.
Wala akong pake. Recess na naman e. Matatapos din na naman yung booring na subject na yun. Hindi porket matalino na ako, hndi na ako nabobooringan. Linalabanan ko lang yung antok ko minsan sa subject na yun kasi ako lang ang inaasahan ng teacher namin. Panu kasi, lahat sila natutulog. >.<
"Ang lalim naman ng iniisip mo." Sabi niya habang umupo sa tabi. Tinignan ko siya. Ba't siya nandito?
"Baka matunaw ako." Nakapikit yung mata niya tapos nakasandal sa may puno. Bigla tuloy akong nahiya at nailang. Kasi naman. The most mysterious guy in THU. Isang Rainier Jay Lopez katabi ko?
"Nakapikit ka e. Ba't mo nasabi na tinitignan kita?" Sumandal rin ako sa may puno.
"Ramdam ko e." Sabi niya. Nakapikit rin ako. Mas tahimik talaga yung buhay ko dito. :)
Ngumiti ako kahit nakapikit. Hndi ko na alam kung ano nang nangyayari sa kanya. Kung nakapikit ba siya o hndi. Atleast nagrespond ako sa sinabi niya.
"Hindi kasi lahat ng bagay, naririnig o nakikita lang. Ang importante, yun ay nararamdaman." I look at him. And yeah, his eyes are still close. Because of what he have said, It puts a smile on my face.
He's very mysterious.
"Nalulunod na ako sa mga tingin mo Ms. Genius. Baka pinagpapantasyahan mo ako." Natawa ako konti sa sinabi niya. May pagkahangin din pala 'tong lalaking 'to.
"Hndi noh. Bakit? Mali bang tignan ka?" Sumandal ulit ako. Nakakahiya na e. Tinitignan ko lang naman siya. Magkaiba kaya yung tinitignan sa tinititigan. -__-
"Mali." Tumawa ako ng mahina kaya napatingin siya sakin.
"Bakit?" Tanong niya. Tumatawa parin ako. Wahaha. Epic e. >.<
"Wala. Naipatupad na ba sa malacañang ang batas na bawal tumingin sa kung sino?" Natatawa kong sabi. Tumawa na rin siya. Shet. Ang cute niya. Ang cute niya habang tumatawa siya. Lalong sumisingkit yung mata niya.
"Sira ka din e noh? Abnormal na nerd." Umupo na siya. Hays. Hindi ba nila talaga alam ang pinagkaiba ng mga bagay bagay? Hndi ako nerd. Studious lang.
"Hindi nga ako nerd. Studios lang. Magkaiba yun. Bakit nasabi mong mali?" Umupo na rin ako. Parang kinabahan ako. Biglang sumeryoso yung mukha niya e.
"Mali kasi may palihim na nagmamay-ari sayo." After saying that, he left me. He left me with a shock face.
May palihim na nagmamay-ari sakin?
"Sira ka pala Rainier e. Kung ano anong sinasabi mo." Bulong ko sa sarili ko.
Sumandal ulit ako sa puno. Hindi ko na pinansin yung sinabi ni Rainier bagkus, umidlip sandali.
I hope, that words won't bother me. It will made me over thinking...

BINABASA MO ANG
Promise of Forever
Genç KurguHow would you say goodbye to someone you want to spend forever with? Are you willing to hold on or just let go of him because he loves someone special to your life more than you?