Chapter 14

2 0 0
                                    

Nasa bahay na kami ngayon ni Aldrin. Mansion yung bahay nila. Ang laki nga e.

"Tara. Pasok tayo." Tumango lang ako kay Rainier. Namamangha parin ako e. Halos doblehin na yung bahay namin sa laki.

*ding dong*

Ilang sandali lang, bumukas na yung pinto. Nagbow yung maid kay Rainier pero hindi niya yun pinansin.

"Where's Aldrin?" Derederetso lang siya sa paglakad. Ako naman nagbow sa maid at ganun din siya.

"Ah, sir Jay nasa condo po siya." Natigilan kami sa sinabi ng maid. Condo niya? Aba! Sinong nag-aalaga dun sa kanya? Hays, ang abnormal talaga niya.

"Since when?" Walang emosyon yung mukha niya.

"Last week pa po Sir." Tumango lang ito tsaka ako hinila palabas.

"May condo siya?" Nginitian lang ako niya ako tsaka pinaandar yung kotse niya.

"Eh, sinong nag-aalaga dun sa kanya?" Ngumisi siya bago niya ako sagutin.

"Sarili niya." Tipid niyang sagot at agad akong nagreact. Nagui'guilty talaga ako. Kasalanan ko e. >.<

"Ha!? Kaya ba niya sarili niya? Ang abnormal niya!" Tinignan lang niya tapos tumawa ng konti.

"Concern ka yata?" Tanong niya habang huminto na kami. Malapit lang talaga at mabilis rin kasi siya magpatakbo ng kotse. Bali'balita kasi noon na isang racer si Rainier. Lahat daw sila, racer.

"Hindi noh. Kasi..ano.." Tumaas yung kilay niya at 'go straight to the point' look sakin kaya napalunok lang ako.

"Pumunta kasi siya kagabi sa bahay. He notified me na dalhin daw yung PE uniform natin." Tumawa siya ng malakas. May pagkaabnormal din pala siya? Di lang halata kasi more on serious type siya.

"Pumunta talaga siya? Tss. Pwede ka naman niyang itext. Haha. Iba na talaga siya." Hindi ko maintindihan yung sinabi niya na iba na talaga siya kaya napangiti ako ng plastik.

"Stop blaming yourself, okay? You're too much pre-occupied." Hinawakan niya yung kamay ko na pumasok sa elavator. 18th floor pala yung unit sa condo niya.

"If you say so. Anyway, two days ka ng absent a. Bakit naman?" Tinignan ko yung mukha niyang nakangisi tapos napapout ako nung iwan niya ako nung bumukas yung elevator.

"Ang sama mo!" Sabi ko sabay habol sa kanya. Tumigil naman siya at tinignan ako na nakangiti. Hinawakan niya ulit yung kamay ko habang naghihintay na bumukas yung pinto.

Ilang sandali lang, bumukas din at napatingin siya sa kamay namin ni Rainier na magkahawak. Ngumisi si Rainier tapos binuksan ng mas malawak yung pinto.

"Aray Jay!" Napatingin kami kay Aldrin na nakasimangot at masama ang tingin kay Rainier.

"Nasaktan ka ba ha?" Angas na tanong ni Rainier na tila nang-aasar.

"Oo! Ang sakit!" Padabog na sinara ni Aldrin yung pinto. Kanina pa ako nagpipigil ng tawa e. Pero hindi ako makatingin ng deretso kasi topless siya.

"Ang alin? Puso mo?"

"Gag*! Yung abs ko!" Umupo siya na nakacross arm. Uupo rin sana kami nung binato ni Aldrin si Rainier ng plastic bottle.

"Ang baho mo! Wag kang umupo!" Hindi niya pinakinggan si Aldrin kaya umupo siya.

Dumako naman yung tingin niya sakin tapos ngumisi. "Hi Ms. Nerd. Miss mo ko noh?" Inirapan ko siya at kinuha yung plastic bottle na binato niya ay Rainier at binato rin sa kanya.

"Sira! Wala ka palang sakit e. Tara na Rainier." Pag-aaya ko at agad naman niya akong hinila palapit sa kanya. OMG! Ang hot. Shete. >.<

Wait, hot? -___- Oo nga. Mainit siya. Bigla niyang nilapit yung mukha niya sakin. Nasa lap niya ako napaupo sa paghila niya sakin tapos hinawakan yung kamay ko. Parang may dumaloy na kuryente. >.< Huhu, baliw na yata ako. -___-

Pabababa na yung kamay ko papunta sa abs niya. I can't help but to close my eyes. Agad rin naman akong napapitlag at hinampas yung abs niya este tiyan niya.

"PERVERT!" Tumayo ako tapos tawa siya ng tawa. "Kumusta naman yung abs ko Ms. Nerd?" Sinamaan ko siya ng tingin at pinaghahampas.

"Kadiri ka! At hindi ako nerd!" Tumawa parin siya pero mahina na lang. "Ang sadista mo. Masakit yung katawan ko uy!" Tumayo siya tapos humiga ng patalikod. Tinignan ko si Rainier pero mukhang tulog na.

"Hoy! Wag kang mag-inarte!" Tinignan niya ako ng seryoso. Then, suddenly I found my heart beating so fast. Darn, he's too handsome and sh*t, ang hot niya.

Agad ko namang iyinugyog yung ulo ko. Baka sabihin niyang pinagnanasahan ko na naman siya. Abnormal yan e. >.< Malay ko ba kong isipin niya yun.

"Ito? Itong gwapong mukhang to? Magloloko? Psh." Inirapan ko siya tapos umupo sa side ng bed niya.

"Manloloko ka naman talaga. Halos lahat na nga sa school e, naging girlfriend mo." Lumapit siya sakin at dahil sa sobrang lapit niya, napasandal ako sa pader. Hindi ko maitatanggi na hot siya at hindi ko mapigilang mapatingin sa six pack abs niya.

"Ang bad boy, pag nagmahal, pati asukal mahihiya sa kasweet'an." Sabay kindat sakin at napakagat siya sa labi niya. Tss. Siguro, ang pula na yung pisngi ko ngayon.

Huhu, mapang-akit na Aldrin at traydor na mata! >.<

Tinulak ko siya ng pagkalakas at sa di inaasahan, sa kanya ako napunta. Nasa ibabaw niya tuloy ako.

Napapikit ako at baka tumingin na naman ang traydor kong mata sa abs nito tsaka siya hinampas.

"Manyak na nga, mahangin pa!" Tawa pa siya ng tawa. Sana hindi na lang ako pumunta. >.<

"Dito ka lang. Bibili ako ng makakain."

"I insist. Ako na. Magpahinga ka na lang." Naglakad na ako. Argh! Nakakainis siya pero hindi ko maiwasang maguilty at maawa.

Ba't kasi ang bait ko? -___-

---

Nung makarating ako sa condo niya, tulog na siya. Wala na rin si Rainier. Huhu, what now? Kami lang yung nandito.

Pinunta ko na lang yung binili ko sa ref. Tapos naghanda ng maligamgam na tubig at pamunas.

Kahit anong iwas kong hindi tignan yung abs niya pero wala e. Nakakapang-akit. Sheeeet!? Ano bang sinasabi ko? Erase! Erase!

Nung pinunasan ko yung mukha niya, and there, I found myself smiling. Ang gwapo niya. *__*

"Gwapo na ba ako masyado para titigan mo ko ng ganyan?" Agad akong napabalikwas nung bumukas yung mata niya at sumingkit yun kasi tumatawa siya.

"Nakakainis ka!" Damn him. He's still laughing.

Promise of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon