Chapter 19

5 0 0
                                    

Hinila niya ako papunta sa isang puno. Malayo rin ito sa school. Ang tahimik.

Tumigil ako at napatigil din siya sa paghila sakin.

"Let go of me." Walang emosyon kong sabi. Nakita ko namang ngumisi siya.

"Ganyan na ba ang bagong thank you?" Maangas niyang sabi kaya bigla akong nainis. "Thank you? Dapat pa bang pasalamatan kita bukod sa ikaw ang dahilan kung bakit ginawa niya yon!?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at parang may sariling utak ang bibig ko.

"S-sorry." Umupo siya sa puno pero nainis na naman ako. Ganun na lang kadali yon? Anong magagawa ng sorry niya?
"Ganun na lang ba yon? Pagkatapos okay lang sayo na guluhin ni Trixie yung buhay ko? Eh sa babaeng yon, itsura pa lang demonyo na e. Guguluhin at guguluhin niya yung buhay ko, Aldrin. And thanks to you!" Yumuko siya tapos nakaramdam na ko ng pagod at kusa ng umupo sa tabi niya. Pinatong ko yung ulo ko sa tuhod ko at nagsimula ng pumatak ang pinipigilan kong luha kanina pa. Para bang ngayon lang ako umiyak na tila ayaw na itong tumigil at di maubos ubos.

"Alam kong hindi ko mapipigilan ang mga taong husgahan ka dahil sa nakita nila, pero kilala mo yung sarili mo at alam kong hindi ka malandi. You're the most amazing person I've met." Tinignan ko siya tapos nginitian niya ako tsaka pinatong yung ulo ko sa balikat niya.

"Papayag ka ba na ganun na lang itrato sayo? Ng mga tao sa school?" Bigla akong umayos ng upo. "No. They don't know the effin' story." Humarap siya sakin tapos ngumiti.

"That's the spirit. They hate you because of me, right?" Tumango ako. "So? Ano ngayon? Ano ng gagawin ko? Nagulo na yung tahimik kong buhay."

"Make them insecure of you." Hindi parin nagsink in sa utak ko ang nais niyang sabihin pero isa lang ang naiisip ko.

Insecurity kills.

"W-what do you m-mean?" Uutal utal kong sabi. He pinch my cheeks to face him and smile sweetly. "Magpanggap." Tipid niyang sabi pero dahil preoccupied yung utak ko, hindi ko parin alam yung pagpapanggap na gagawin namin.

"H-huh?" Sumandal siya sa balikat ko at tinignan lang siya. "Magiging insecure sila kung nalaman nilang liniligawan kita." Agad naman akong naubo sa sinabi niya at di ko na napigilan na hampasin siya.

"Baliw ka ba? Eh, mas lalo akong gagalitin at iinisin si Trixie at mga taga THU." He rolled his eyes and lean again on my shoulder.

"Duh? Anong silbi ng expulsion?" Hindi parin ako sumagot sa sinabi niya. Oo nga pala. Sa knya yung school.

"Ewan ko." Nagkibit balikat ako.

Ilang minuto lang, may nararamdaman akong pumapatak. Tumingala ako sa langit, umuulan.

"Halika na. Silong tayo." Ngumiti lang siya sakin tapos hinila ako.

"Ito yung ginagawa ko para gumaan ang pakiramdam ko. Kaya hayaan mong gawin ko ito para sayo. Para kahit papaano, maibsan ko ang sakit na nadarama mo." I smiled to him after hearing his word of wisdom. He doesn't know how he make me happy this day.

"Thank you, Aldrin." Lumapit siya sakin tapos tumingala ako dahil sa matangkad siya. Deym, he's so hot. And I felt my cheeks turn red.

I found Aldrin hugging me all of a sudden. I just don't know what I'm doing but my heart commanded me to hug him back and I just did it.

With his hugs, I feel protected. With his embrace, I feel cared.

Kumalas na ako yakap at tinignan siya ulit. "Don't be afraid. I'll be here..." Hinawakan niya yung magkabilang balikat ko at ngumiti. "Always and forever." I smiled and he hug me again and I do the same with no regrets.

Kumalas ulit siya sa yakap namin tapos hinawakan ang kamay ko at tila may pumasok na kuryente sa katawan ko.

"Hatid na kita sa bahay niyo."

"Sa condo ko na lang. Tutal wala sila Mommy." Pumasok na kami sa kotse niya at sa buong biyahe, walang nagsasalita.

Huminto na yung kotse niya at hudyat yun na nakarating na kami kung saan ang condo ko.

Wala parin akong lakas loob na tanungin yung tungkol sa 'ligaw'.

"Ahm.. Yung tungkol sa..." Tinignan ko siya at alam ko na yung ibig niyang sabihin. Pati pala siya, nahihiya dahil dun. Eh, plano niya yun e. "Sa ligaw ba kamo? Sige, payag ako." Agad niya akong tinignan na para bang hindi makapaniwala.

"Pero dapat may rules." Tumango tango lang ito sa akin.

Rule no. 1
Hanggang 1 month lang.

Siguro tama na yan para magpanggap.

Rule no. 2
Magpapanggap lang tayo kung nandiyan sina Trixie.

Rule no. 3
Bawal mafall.

Agad siyang naubo sa last rule. Bumaba ako sa kotse at ganun din siya.

"Oh? Bakit ganun na lang yung reaction mo? Wag mong sabihin na--" hindi niya ako pinatapos na magsalita dahil nagsalita na siya.

"H-hindi n-noh." Tumango lang ako at aakmang aalis na pero hinawakan niya yung kamay ko. "Ano? Aalis ka na lang? Wala man lang goodbye? Diba liniligawan kita?" Nagpout siya kaya imbes na irapan ko siya, natawa ako. Grabe talaga tong lalaking to. Ang lakas ng saltik sa ulo.

"Excuse me ha. Correction, nagpapanggap lang tayo." Umiling iling siya na nakapout. Para bang batang humihingi ng candy. "Ano na naman?"

"Kiss ko." Ngumuso siya tapos pumikit. At dahil nakapikit siya, hindi na ako nag-aksaya ng oras para kurutin yung nguso niya. "Aray naman!" Tumawa ako kasi inirapan niya ako.

"Sige na. Uwi na." Aalis na ako ng bigla na naman niya akong hilahin. At sa isang sandali, naramdaman kong dumampi yung labi niya noo ko.

Kissing in the forehead is thousand sweeter than kissing in the lips. No lust but full of respect.

Promise of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon