"Oo ganun. Ganun kalupit ang pag-ibig." Ngumiti siya. Alam ko sa ngiting yun, may nakatagong sakit. Naaawa ako kay Shella.
"Ganun? Yung umaabot ka na sa point na kailangan mong magpanggap na okay ka lang?" Nagclap siya. Kanina lang, nasasaktan siya tapos ngayon bumalik na naman siya sa pagka'abnormal niya.
"Yes! That's it. P-R-E-T-E-N-D-E-R." Napangisi na lang ako. Naks naman kasi yung Pretender niya. Nakakanose bleed. >/<
"Kailan ka pa natutong mag'english?" Pang-aasar kong tanong. I hope in this small way, I can cheer her up.
"Ngayon lang 'to. Sulitin mo na." Nagpout siya. Tsk. Pagbibigyan ko na lang siya tutal nasasaktan siya.
"Pasalamat ka, mabait ako ngayon kundi nabatukan na naman kita." Pangloloko kong sabi sa kanya.
"Edi Thankyou Ms. Genius." Inirapan ko siya. And guess what, she's laughing again and again.
"Wala kang utang na loob. Matapos kitang pakopyahin sa mga exams. Matapos kong pasayahin ka at tulungang magmove on sa walang kwenta mong Ex ganyan yung igaganti mo? Ano yun ha?" Kunwari akong umiiyak iyak. That's the Alex Gonzaga's style.
"Wahahaha. Wahahaha. Epic yung mukha mo, promise." Yung kaibigan mong tumatawa, nanghahampas at nag'a'apir. Meron ba? O sadyang siya na lang yung natitira sa mundong ito na ganun?
"Okay ba? Ayos? Pwede na? Mala'Bea Alonzo na ba? Ano? Sabihin mo?" Sunod sunod kong tanong. Syempre, joke lang yun noh. Gusto kong maging chef someday. Ako daw yung magmamanage sa business namin.
"Ang iingay niyo!" Sabat naman ng kupal at hinayupak na Aldrin tsaka umalis.
"May PMS ba siya?" Pang-aasar na tanong ko kay Shella. Nagkibit balikat naman si Shella.
"Narinig ko yun, nerd." Natawa ako. Ang sarap niyang asarin, grabe.
"Stacey?" Tumingin ako sa nagsalita. Nakatuon kasi ako sa librong binabasa ko.
"Oh?" Tamad kong sagot. Psh. May kasalanan ka pa sakin Mr. Xander Paul Astron. >.<
"Ms. Genius!" Kinalabit niya ako. Nasa harap ko siya at nakatingin sakin habang nakapout.
"Ano nga!?" Nakakairita e. Aasarin lang naman ako.
"Sungit mo. Magsosorry sana." Tinignan ko lang siya with my poker face? Seryoso? Siya? Magsosorry? Eh, ang tataas ng pride nilang magkakaibigan e. >.<
"Sinong niloloko mo?" Irita kong sabi tsaka nagbasa ulit.
"Porket womanizer, di na marunong magseryoso?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Asa ka! Ikaw? Marunong magseryoso? Duh!? Kayo nga dapat yung hndi mahalin at seryosohin e." Yung mukha niyang nakapout, biglang napalitan ng napakaseryoso. May tensyon, galit o kung ano.
"Oo Stacey, marami akong babae. Mahilig akong paglaruan ang mga babae pero di niyo lang kasi alam na bago ako naging ganito, tinarantado rin ako ng sobrang minahal ko." Mahina lang yung pagkasabi niya pero ramdam mo yung lungkot, galit o ano.
"Hala ka, Gyle. Ginalit mo si Xander. Baka ipa'expel ka niya." Tinignan ko lang si Shella. I smell something fishy. >.<
Damn this country. The country of maraming hugot. FEELippines. XD
"Ewan ko sayo, Shella." Tumingin ulit ako sa libro ko. Hndi na ako makapagconcentrate. Sumasakit ulo ko.
"Kung sino pa yung palatawa, sila pala yung may bigat na dinadala." Napaisip ako sa nabasa ko. Realtalk, tama yon. Una, si Shella. Kahit anong pambabara niya, mauuwi at mauuwi rin siya sa iyak pag mag-isa na siya. Pangalawa, si Xander.
Ang lupit pala talaga ng pag-ibig...
BINABASA MO ANG
Promise of Forever
Teen FictionHow would you say goodbye to someone you want to spend forever with? Are you willing to hold on or just let go of him because he loves someone special to your life more than you?