Stacey's POV
Nasa canteen kami ngayon ni Shella. At kung mamalasin nga naman, sa harap ng tambayan ng tatlo. >.<
"Grabe mag-asaran yung tatlo noh?" Sabi ni Shella habang nakatingin sa kanila. Ako naman kumakain lang. Pake ko? Magpatayan na nga lang sana sila e para mawala na yung mga hari hari dito sa school.
"Sabihin mo lang kung kakain ka pa o tititigan mo lang sila." Inirapan ako ni Shella. Luh, anong masama sa sinabi ko?
"Ang bitter mo naman." Sabi niya sabay subo. I rolled my eyes to her.
"Duh? Ikaw kaya asarin ng tatlo? Hays. Nakakapikon. >.< Ewan ko ba kung bakit patay na patay sila sa mga yan e. Hndi naman sila mga artista." Tumingin si Shella sa paligid tapos ako kumakain lang.
"Boses mo, nerd. Naririnig ka ng mga fans nila oh. Sama na ng tingin sayo." Pabulong na sabi ni Shella kaya pasimple din akong tumingin. And guess what, ang sama ng tingin. Nakakatusok yung mga tingin nila.
"Kala mo naman ikamamatay ko yung mga tingin nila." Pabulong kong sabi kaya natawa si Shella.
"Ay, true sis. Hayaan mo sila." Uminom na ako tsaka tumayo para makaalis na.
"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Shella.
"Sa clinic. Nahihilo ako dahil sa sakit ng ulo ko. Sige a. Pakisabi na lang sa mga teachers natin." Tumango lang siya at nagpatuloy lang sa pagkain.
Nasa shed na ko ng school nung bigla na akong napapaluhod sa hilo ko.
"Sh*t. I need someone to bring me to clinic." Pabulong na lang yun kasi nanghihina na ako. Hell? Anong nangyayari sakin?
"Please...help..me." Napaupo na ako. Hndi ko na kaya. God, please. Please send an angel to assist and protect me. Please.
If someone will help me, I will consider him or her as an angel.
At sa ilang sandali, nahimatay na ako pero may isang tao ang tumatawag sa pangalan ko at napangiti ako dahil dun.
"STACEY!!!!!"
------
Nagising na lang ako sa boses ni Daddy."Honey, come and eat." Minulat ko ang mata ko at nasa kwarto na ako.
"Diba nasa school ako?" Tanong ko.
"Shella brought you here." Nakangiting sagot sakin ni Daddy.
Teka? Sino daw? Si Shella? Eh boses lalaki yung alam kong tumulong sakin. Hays. >.< Makakain na nga. Gutom na ko.
Nasa baba na kami at kumakain. Walang nagsasalita samin kaya binasag ko na yung katahimikan.
"Hows your business trip, Mom?" Ngumiti sakin si Mommy.
"It's okay. Are you feeling well?" Masyado namang worried si Mommy. -____-
"Yeah." Tipid kong sagot.
"Be ready because you will manage our restaurant in a few months." Nabilaukan ako sa sinabi ni Mommy. Tinatawanan lang ako ni Ailee.
"What are you laughing at? Atleast, i will fulfill my dream to become a chef, and you, you will become a CEO in Dad's company and I know that's not your dream, thingy." Pang-aasar ni ko kay Ailee. And got ya, inis na inis na siya. Wahahaha! BURN!
"I will learn to love it." Ngumisi siya habang kumakain.
"Not everything, sissy." Kumindat ako sa kanya and she answered me a death glare.
"Yes. Even in love." Kumindat rin siya sakin. Bakit naman napunta sa love, aber?
-___-"I don't think so." Kumain na lang ako.
"I think you're pissed off with that." Pangloloko sakin ni Daddy. Pissed off? No! >.<
"No, Dad. Me? Bakit naman?" Sumubo lang ako ng sumubo.
"Kasi bitter ka at wala kang lovelife." Grabe talaga mang asar tong babaeng to.
"Magkakaron din ako." Depensa kong sagot at inirapan ko siya. Asar na asar na ako. >.< Oo na. Tanggap ko na naman na hndi ko siya matatalo sa pang aasar.
"Kelan naman, aber?"
"Sa tamang panahon!" They're laughing at me kaya umalis na ako at pumunta sa kwarto ko. Fvck! Pinagkakaisahan nila ako tungkol sa lovelife? >.<
"Argghhh!" Sumabog na ako sa inis sa kwarto ko.
"Ano naman ngayon kung wala akong lovelife? Hays." Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Okay naman itsura ko ah. Ba't wala parin akong lovelife?"
"Ayts. Ako pala yung umaayaw."
Huhuhu. >.< Nababaliw na ako. Makatulog na nga.
Humiga na ako sa kama ko nung nakita kong umuulan pala kaya tumayo ako para isara yung bintana.
Nagulat ako nung may nakita akong lalaki sa labas ng gate. Basang basa na siya. Bumaba na ako para makita siya.
"San ka pupunta?" Tanong ni Shella. Hndi ko na siya pinansin dahil nagmamadali ako.
Sino siya? Anong ginagawa niya sa labas ng bahay?
BINABASA MO ANG
Promise of Forever
Teen FictionHow would you say goodbye to someone you want to spend forever with? Are you willing to hold on or just let go of him because he loves someone special to your life more than you?