- Xander -
Umalis na ako sa room. Nadagdagan tuloy yung guilty ko kay Stacey. Gusto ko pa namang maging bestfriends kami. Hays. >.<
Ako nga pala si Xander. Xander Paul Astron. Galing sa mayamang pamilya. Well, ang tatay ko ang nagmamay-ari ng Astron Group of Companies. Si Leo Astron. Ang mama ko naman, siya yung nagmamay-ari ng isang mall sa Makati. May kapatid ako, isang babae. Si Vernice Mae Astron.
Sabihin niyo ng babaero ako, pero kailanman, hndi ko niloloko ang kapatid ko at Mama ko. Naniniwala kasi ako na at the end of time, sila lang yung babaeng hndi ako iiwan.
Hays, putcha. >.< Wag na nating pag-usapan yan. Darating din tayo diyan.
"Oyy, malalim yata iniisip mo pre. Chicks ba yan ha?" Panglolokong tanong sakin ni Rainier.
"Sus. Ako? Mamomoblema sa chicks? Haha. Kailan pa? Eh sa tagal na nating magkasama, di mo pa alam na yang mga babae na yan ang namomoblema sakin." Tumawa naman siya ng malakas. Hays. >.< Ang sarap niyang suntukin. Pagtawanan ba naman ako? Tsk. Ibang klase to.
"Ang iingay niyo. Tumigil nga kayo." Iritang sabi samin ni Aldrin. Nagtinginan kami ni Jay tsaka namin siya binatukan.
"Aray! Ano ba!? Busy ako oh." Nakakatawa talaga siya. Sarap asarin. Nabansagang bad boy, pikon naman. Wahahaha.
"Hala, badtrip si tsong. Bakit ha? Naaapektuhan ka sa pang-aasar ni Ms. Nerd?" Tumingin siya samin. Naiinis na to. Nakakamatay na yung mga tingin e.
"Ako? Maaapektuhan? Lol. Mukha niya." Naglaro ulit siya sa ipad niya. Nagtinginan kami ni Jay tsaka tumawa.
"Yie. Cutie cutie minion. Banananaaaaa!" Pang-aasar ko sa kanya kaya binatukan ako.
"Bakla ka ba?" Nagtanong ang mahilig sa minion. Tsk tsk tsk.
"Hndi. Baka ikaw. Ikaw mahilig sa minion at spongebob e." Pang-aasar kong sabi. Inis na inis na to.
"Lol. Kahit na. Gwapo naman ako." Sabi niya tapos kumain. Tinignan ko si Jay. Ayun, may sariling mundo na naman. Hays. >.< Ang KJ talaga niya.
"Gwapo mo mukha mo. Eh, ako nga yung mas gwapo sayo e." Tinignan niya ako tapos nagsasalita. Hndi mo maintindihan kasi ang daming pagkain sa bibig niya. Putcha. >__< Patay gutom kasi. Abnormal pa.
"Sige, mangarap lang kayo. Tutal, ako naman ang pinakagwapo sa inyo." Nagtinginan kami ni Aldrin tsaka binato si Jay ng unan. Nasa canteen kasi kami. Tutal, kina Aldrin yung school, libre lahat samin. Sosyal din yung tambayan namin sa canteen.
"Ano ba!?" Iritang sabi niya.
"Kahit kailan, ang epal mo Jay. Lolo na nga, mahangin pa. Kaya ka tumatanda e." Pang aasar ni Aldrin kaya lumapit samin si Jay at binatukan si Aldrin.
"Sinong lolo ha?" Kinuha ni Jay yung kwelyo ni Aldrin. Umawat na ko. Baka kung ano pa ang gawin nila. Malay mo, maghalikan, diba? Haha. Wtf. >.<
"Tama na yan." Umupo na sila. Mas matanda kasi samin ng 2 taon si Jay. Kahit na, last year lang kami nagkakilala, mahal na namin siya.
Oops! Don't get me wrong ha? Mahal. Bilang kaibigan. Yun ang ibig kong sabihin.
"Pag ako tinawag mo pang lolo, lagot ka sakin. Pasasabugin ko tong school na to." Alam kong nang aasar siya kaya tumatawa na lang ako.
"Tse. Di pasabugin mo. Lolo!" Pamg aasar din na sagot ni Aldrin.
"Tse ka din! Sasabihin ko yung sikreto mo e." Binato ni Aldrin si Jay ng plastik bottle.
"Pag yun kumalat sa school, at nagulo yung buhay niya, magtago ka na at ipapahanap kita dahil ipapatay kitang g*go ka." Tawa na ng tawa si Jay pati ako kaya nabutukan ako.
"Alis na ko." Nagtinginan kami ni Jay. Lakas talaga ng tama neto kay ano e. Tsk. Masyadong obvious.
"Wooooh! Susundan mo siya noh? Umalis na din siya e." Pang aasar ko kaya kinuha niya yung kwelyo ko.
"Oh? Easy. Sige, alis na." Thank God, binitawan na niya ako. Grabe, iba kapag inlove yung mga tao. Nahihibang....
BINABASA MO ANG
Promise of Forever
Teen FictionHow would you say goodbye to someone you want to spend forever with? Are you willing to hold on or just let go of him because he loves someone special to your life more than you?